Chapter 3

1.2K 15 0
                                    

(Cheska's POV)

Waaah nakakatakot talaga si vann kanina megosh na stress ang kagandahan ko dun ah? Oh by the way I'm Cheska Marie Smith 17 years of existence I'm beautiful and I know it. Ang boring ! at dahil wala akong magawa tatawagan ko so Kim mwehehe xD tatlo kasi kaming mag bestfriend since diapers

*ring ring ring* hayy ang tagal naman sagutin nitong bruhang to! Isa pa *ring ring ring ri- *

(Oh ano!? Sino ka ba at ang kapal ng mukh-)

"Si magandang cheska po ito! " kung saming tatlo ako ang makulit at syempre ubod ng ganda, si Vann ay bayolente at madaling mairita eto namang so Kim at siga -_-

(Aish! Yes cheska what is it?) Mataray na sabi nya

"I just wanna ask kung sabay ba tayong tatlong pumasok sa school tomorrow? "

(Yah sure kotse mo nalang ang gagamitin alright? Puntahan mo ako dito sa bahay then we are going to pick up Vanessa)

Magsalita palang sana ako pero pinatay nya na ang phone nya tch bastos talaga to si Kim kahit kailan!

(Vanessa's POV)

On the way na kami papuntang school sinundo lang ako ni Cheska at Kim

"You know what kim, si Vann wala ng first hmmmp" bwesit! Tinakpan ko ang bibig nya at tiningnan sya ng masama

"Anong wala ng first? Hoy ano ba yon? May tinatago yata kayo sakin eh suntukan nalang oh! " Hahaha natatawa talaga ako dito kay Kim ang siga eh.

"Ah- eh he-he" si Cheska habang kinakamot ang ulo nya

"Ikwento nyo ba o ano?! " tsk!

"Eh kung ihulog ko kaya kayong dalawa dito huh?!! " kainis! Nag peace sign lang silang dalawa. Oo siga yang si Kim pero di uubra yan sakin

"Eto namang si Vann, ikwento mo na kasi " sabi ni Kim sabay pout yuck!

"Oo na!" Kweninto ko ang lahat pati na din yung sa bar at grabe maka react si Kim mukhang mas galit pa  ata sya kesa sakin eh habang si cheska pangiti ngiti lang!

"Aba! Leche yung lalaking yun ah! Dapat pala sumama na ako sa inyo ng mabugbog na natin yun! " oh my I'm so blessed to have a friend like her I love her so much

"Pero gwapo ba? Naku kung hot at gwapo ba naman aba'y okay lang yan noh? Swerte ka pa nga eh" may sinabi ba ako kanina? Bwesit!

*Franco University*

Kung makatingin naman tong mga babae dito tusukin ko kaya mga Mata nila?

"Ano girls ngayon lang ba kayo nakakakita ng maganda?" Sabi ni Cheska sa mga nadadaanan namin umiwas naman sila ng tingin pfft.

"Myghad! To the highest level na talaga tong kagandahan ko! "

Nakaupo lang kami at di nakikinig sa mga sinasabi ng proof namin yung iba nagtatawan, may ng tetext nag memake up at kung ano-ano pa

"Class are you listening?!" Sabi ni proof na di ko kilala yung pangalan parang uusok nayung ilong nya sa galit

"Obviously not!"

"Wag mo nga kaming paki alaman!"

"Fuck! Sino yung sumigaw?! Tangina kitang natutulog yung tao eh! "

"Do you want me to fail all of you?!" Nanahimik naman sila pagkatapos sabihin ni proof yun. Eh sino ba naman kasi ang may gustong makinig sa kanya eh ang boring nya mag discuss!

"5-4-3-2-1 *kring* yes!" Sabi ni cheska at nagmamadaling kunin yung bag nya at lumabas. Hayy salamat naman at lunch break na lumabas narin ako at sumunod Kay Cheska by the way wala kaming same schedule ni Kim si Cheska naman isang subject lang kami classmates. Ang swerte ko dba? Pssh.

Dumeristo kami sa cafeteria at pagdating namin nandon na si Kim

"Hi Kim! Nandito na ang magandang si ako"sabi ni Cheska at umupo sa tabi ni Kim. Umupo narin ako sa tapat nila

"Dahil maganda ako, ako na ang mag order para kahit papano mabawasan naman kahit kunti tong kagandahan ko kahit alam naman nating malabo mangyari yun " sabi ni Cheska at pumunta sa counter para mag order natatawa nalang kami ni Kim sanay na kasi kami kay Cheska eh.

Pagbalik ni Cheska kumain na kami

"Hay pano ba to? Kahit anong gawin ko di talaga mabawasan ang kagandahan ko" walang kwentang sabi ni Cheska

"Alam mo Cheska kumain ka nalang" si Kim habang iniirapan si Cheska

"Pano ba naman kasi- *

"Precious Vanessa  Chua 17 years old living in *toot* subdivision daughter of Roger and Cynthia Chua second year college  taking up  business and management in Franco university having 3 classes in the morning and 2 classes in the afternoon " natulala ako habang nakatingin sa taong katabi ko at naka akbay sakin

"What? Do you want me to state your vital statistics also? " waaah hindi!  A-anong ginagawa nya dito?

"Wait! Sino kaba? At bakit naka akbay ka kay Vann huh?" Si Kim habang nakatingin ng masama sa katabi ko may ibinulong naman sakanya si Cheska tumaas ang kilay ni Kim habang sinusuri ang taong hanggang ngayon at naka akbay parin sa akin, teka? naka akbay? Ehh? Dali-dali kong inalis ang braso nya sa balikat ko

"Tsk"

"Ano bang ginagawa mo dito ?" Tanong ko sa kanya at di parin sya nilingon waaah gosh!

"Teka? Akala ko ba di kayo magkakilala? Ikaw Vanessa huh? May tinatago kaba samin? "Si Cheska habang nakataas ang kilay

"What? Of course not! " tudo tanggi ako sa kanila what? Bakit ba parang ang init ng mukha ko? Aish

"Eh bakit ka nya kilala" tanong ni Kim , oo nga bakit nga ba kilala ako nitong lalaking to?

"I have my own ways" he said then he smirk at me. Ang gwap- ang  panget nya !

"Oh ano Ngayon? Umalis ka na nga dito kitang kumakain yung ta- "

"Tsk stop talking let's go" sabi nya at hinihila ako patayo waaah mommy! Tiningnan ko sina Kim pero nakatingin lang sila samin habang takang taka sa nangyari argh ano ba! Hindi ba nila ako tutulungan?

(Kim's POV)

Saan na nga kaya dinala ng gwapong yun si Vann? Bat parang close ata sila? Psh ang nakakainis pa parang wala lang kay Cheska na tinangay ng lalaking yun si Vann!

"Don't worry na kasi Kim okay lang yung si Vann, yun paba eh bayolente yata yun!" Pagmamalaki nya walangya!

"Yun na nga eh! baka ano ng nangyari don !"

"Sus ang nega mo! Buti pa pumasok nalang tayo sa next class natin magta-time narin oh" tssk!

"Sino ba yung hinila ni blake kanina?

"I guess flavor of the week nya lang yun"

"Who's that girl ba?"

"Vanessa Chua"

"Ha! Sounds like a whore!" Mas lalong nag iinit ang ulo ko habang nilapitan ang grupo ng mga kababaihang mukhang pukpok dahil sa suot nila.

"What did you just say?" Kalmadong tanong ko tiningnan naman nila ako at tinataasan ng kilay

"Don't be so joiner bitch" sabi nung isang babae na mukhang espasol habang iniirapan ako . kinuha ko yung dalang juice ni Cheska at ibinuhos sa ulo dun sa babae napa gasp naman yung mga kasama nya

"Sinong sinabihan mong whore?! You don't even know her so shut your filthy mouth monkey!" Pagkatapos Kong sabihin yun nilapitan naman sya ni Cheska at sinampal woah! Pfft ang pathetic tingnan nung babae

"You heard her right sluts? Mga kinulang sa ganda nga naman walang ibang magawa kundi ang mangialam sa buhay ng may buhay" iling-iling na sabi ni Cheska

Umalis na kami bago pa sila makabawi sa kanilang pagka shock. If you ever think na ibubully kami dito pwes maling- mali kayo dahil kami mismo ang bully dito.

A/N: Chapter 3 is done! Any suggestions, reactions free to comment guys :* :*

The Possesive Bad Ass Where stories live. Discover now