Chapter Four: LOVEBIRDS? -_-

19 1 0
                                    

Continuation...

Kumaripas ako ng takbo papunta sa bahay nila Veincent. Gusto ko siyang kausapin kahit na di niya ako pansinin kahit pa umula't bumagyo ayos lang~ eto na naman po ako kumakanta. Okay back to story na. Andito na ako sa tapat ng bahay nila Veincent. Bakit ganon? Off yung mga ilaw sa loob ng bahay nila? Tulog na kaya siya? Eh ang aga pa kaya 7:00 pm pa oh. Tapos weekennds naman bukas. Hay alam niya siguro na pupunta ako dito kaya natulog ng maaga o nagtutulog-tulugan. Ah basta di ako susuko. Nag-doorbell ako ng doorbell pero wala paring lumalabas kaya ang ginawa ko..

"Veincent, mag-usap naman tayo oh. Ayaw ko ng ganito. Please ayusin naman natin toh oh. Utol!" Sigaw ko. Sumisigaw na ako dito pero wala pa ring Veincent na lumalabas. Napa-upo na lang ako dahil sa kakasigaa ko at di ko namalayan na umiiyak na pala ako kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan. Hay buti ka pa ulan lumabas ka mula sa kalangitan pero siya wala! Para naman akong lalaki dito na nagmamakaawa na mag-usap sila ng girlfriend niya. Psh! Di ako susuko kaya

"Veincent!! Please mag-usap naman tayo oh! Pag di tayo mag-usap magpapaaksidente ako. Di ako nagbibiro!" Pero mukhang di talaga siya lalabas. Hay goodbye na sa inyo readers, sa mga followers ko sa facebook,twitter, instagram, tumblr, wattpad at sa mga subscriber ko and sa mga fans ko paalam na po sa inyo sa parents ko,granparents, cousins, relatives, aunties, uncles sa mga Lorinatics, LoVe Devotees and etc. Okay goodbye na po sa inyung lahat ng biglang...

Brown Out. Ay di pala Blackout pala hehehe peace guyth! ^_^\/

Naramdaman ko na lang na may malambot na akong bagay sa may likuran ko. Pag mulat ko, bakit ako andito? Kanina nasa may tapat lang ako ng bahay ni Veincent ngayon nasa may kwarto na ako. Pero kaninong kwarto toh. Pagkababa ko ng ulo ko agad kong nakita ang isang mala anghel at maamong mukha na ngayon ay nakatingin sa akin mula sa couch niya ng biglang...

"Anong ginagawa mo kanina sa labas ha?! Gusto mo bang magkasakit? Bakit mo yun ginawa Lory?" this time naka-upo na siya dito sa bed niya at humarap sa akin.

"Gusto ko lang sanang kausapin ka Veince eh kung bakit mo yun tinext na 'Wag muna tayong mag-pansinan' tapos bakit ka rin nagsinunggaling sakin na magbobonding raw kayo ng mga pinsan mo?! Pwede mo namang sabihin sakin na busy ka para di na kita maabala pa." sakit eh! Kinailangan pa niyang magsinunggaling para di niya ako masamahan. Childish nako kung childish wala akong pake!

"A-ahm, Lory di naman sa ganun kaya lang di lahat ng oras pwede kitang masamahan kung san mo gustong pumunta, di lahat ng oras nasa tabi mo ko. Pano na lang kung mag-ttrabaho ako sa ibang bansa. Kinailangan mo ring masanay na di lahat ng oras andito ako sa tabi mo. Sorry kung nagsinunggaling man ako sayo at yung tinext ko sayo kanina. Sana maintindihan mo ko." pagkatapos niyang sabihin nun ay bigla naman siyang napayuko at parang may tubig na tumulo sa kamay ko. Tinignan ko naman ang kisame ng kwarto ni Veincent, hmm wala namang butas tong kisame ng kwarto niya ha, san kaya nanggaling nun? Di ko namalayan na umiiyak  na si Veincent kay nataranta na ako.

"Uy Veincent wag ka ng umiiyak. Oo pinapatawad na kita.  Iyaking bata ka talaga" bigla naman niyang inangat ang ulo niya at bigla naman niya akong inakap 0.0 shemzz *//*!! Sana ganito na lang ang position natin. Sana papel na lang ako at ika'y glue para kung magkadikit na tayo ay hindi ka na makawala sakin at habang buhay na akin ka lang. Hahahahaha okeh guyth ako na ang malandeh! At bigla naman siyang nagsalita..

"Pramis Lory di ko na talaga uulitin." at humihikbi na talaga siya ngayon. Iniangat ko ulit ang ulo niya kasi kanina yumuko na naman siya kaya iniangat ko naman. Pinunasan ko naman yung mga luha niya sa kanyang pisngi at sa kanyang mga mata at inilapit ko naman ang mukha ko sa kanya at kunting inch na lang at...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 04, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Secretly loving my bestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon