Prologue

14 3 0
                                    

MIA VERZOSA
~•*•~

Karamihan ng mga taong nakakasalamuha ko, ang akala nila ordinaryong tao lang ako, pero mali sila ng akala. Hindi nila alam na may hindi pangkaraniwan akong kakayahan.

I can sense, see, smell, and touch ghosts when nobody else can. Totoo 'yon. Kung may multo mang malapit saakin, nalalaman ko agad ito. They can't hide their prescence from me.

Normally, nanginginig ang mga kamay ko, bumibilis ang pag-hinga ko, lumalakas ang kabog ng dibdib ko at naririnig ko ang bawat paggalaw nila. Alam ko kung naka lutang, naglalakad, o gumagapang sila. Alam ko din kung may nagmamasid sayo o kung tinatabihan ka.

Hindi alam ng dalawang kaibigan ko ang sikretong meron ako. They can't detect ghosts just like you. Ordinaryong tao lang din sila gaya mo. Hindi din nila alam na may nakabuntot o naka-akbay sakanilang multo.

Nakakapasok ako sa mundo ng mga kaluluwa. Hindi ko alam kung anong tawag doon pero doon sa lugar na 'yon, nagkukumpulan ang mga kaluluwang hindi pa matahimik at may misyon pang hindi natatapos sa mundong 'to. Nakapunta na ako doon nung bata pa ako, pero hindi na ako nag lakas loob na gawin ulit 'yon. Sobrang nakakatakot dun at hindi ako komportable.

Iniiwasan ko lahat ng mga multo pero ang talagang sobrang iniiwasan ko ay 'yung mga evil spirits na sumasanib sa katawan ng tao. Oo, totoo sila. Pero once in a blue moon ko lang sila nakikita.

Bawat kaluluwang nakakasalubong ko, ay huminhingi ng tulong.

Pero ayoko, natatakot ako.

Natatakot ako sa posibleng mangyari pag tinulungan ko sila. Baka matulad ako kay daddy na binawian ng buhay. Paano nalang si mommy kung wala na ako? Sino nalang ang kasama niya dito sa mundo?

Kahit gaano ko pa gustuhin na tulungan sila, hindi ko parin talaga kayang sukuan ang aking buhay at ang mommy ko. Ako nalang ang meron siya tapos mawawala pa? Hindi pwede 'yun.

I am Mia Verzosa, and I am a Ghost Detector.






~•*•~
Author's Note:

To be honest, hindi ko po talaga forte ang pagsusulat ng mga nakakatakot na story kasi more on romance ako alam niyo yun hahahaha. Pero gagawin ko yung best ko to give creepy scenes. Actually, half romance at half horror ang theme ng Ghost Detector, Mia. Kaya welcome lahat ng mga gustong mag basa ng horror story at romance <3 Sana suportahan niyo 'to ahe hahahahaha ayun, love lots!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 14, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ghost Detector, MiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon