Ganti

4.3K 97 0
                                    

Chapter 5

Nag umpisa ng mag saliksik ang tatlo kung ano ang misteryo na bumabalot sa pag kamatay ng mga kaibigan nila. Naalala ni Jane na bumili sila sa isang souvenir shop ng mga accesories. 

Sa araw na yun  umuwi sila ng Cavite at tutuklasin nila kung ano ang pakay ng  anino ng babae na pumapatay.

Noong nakarating na sila doon ay wala na ang shop. Na pag alaman nilang kusa itong nasunog pero nakaligtas ang isa sa may ari na si Eden. Natunton nila kung saan nakatira si Eden.

Noong natagpuan nila ang bahay ni Eden ay kinausap nila ito. Habang nag ki-kwento si Eden sa kanilang tatlo ay umiiyak sya.

Mag mula noong umuwi ang asawa nyang si Ted na maraming dalang gamit ay nag duda na sya kung saan galing ang mga yun. Na pag alaman nya kay Ted sa huling hininga nito na sinabi nyang may mga gamit ang babaeng mahaba ang buhok na nasa isang bag na sya ding naibenta sa souvenir shop nila.

Humingi ng tawad si Ted kay Eden sa ginawa nitong pagnakaw ng mga gamit sa mga babaeng naisasakay nya sa taxi nito. Nag kamali sya ng ninakawan nya ang isang babaeng mahaba ang buhok na hindi maaninag ang mukha.

Ibinalik nila Jane ang mga pinamili nilang gamit kay Eden at nilagay nila ito sa isang maliit na baol saka ibinaon sa lupa. Humingi ng tawad si Eden sa tatlo sa mga nangyari sa mga kaibigan nila.

Umalis na ang tatlo at bumalik sila sa Hotel. Doon na sila nag palipas ng gabi dahil ayaw nila mag biyahe sa gabi.

Panatag si Jane na hindi na sila magagambala ng anino ng babae na yun dahil naipag dasal na nila ang katahimikan nito at na balik pa nila ang mga gamit nya.


GantiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon