~*~
Banayad na hangin ang dumadampi sa aking makinis na balat. Kasabay ng pag-alon ng aking itim na itim na buhok na hanggang baywang. Samut-saring boses ang maririnig sa paligid. Mapabata man o matanda, may tahol ng aso at asik ng pusa.
Ako ay nakatayo sa ilalim ng punong mangga. Patingin-tingin at ino obserbahan ang mga tao.
Alas-tres na nang hapon ngunit marami parin ang taong namamasyal. Inienjoy ang sariwang hangin at tanawin. May mga pamilya, mag-syota at magbabarkada. Kung aking ilalarawan napakasaya nila, tipong walang problemang dinadala.
Hindi kagaya ko, patong-patong na problema ang aking pinipilit na lutasin. Ay mali, akin lamang iyong tinatakbuhan. Isa akong dakilang duwag at kulang sa lakas ng loob na lutasin ito ng....mag-isa.
Pinunasan ko ang isang butil ng luha na tumakas sa aking kanang mata habang ako'y timitingin sa isang pamilyang nakikipagkulitan sa isat-isa.
Kung normal kaya ako, makakaranas kaya ako ng kasiyahan sa aking puso? Iyong totoong kasiyahan na mararamdaman mo sa piling ng totoong pamilya. Hindi 'yong napipilitan lang silang pakisamahan ka dahil sa awa at kung awa nga ba?
Kahit anong pilit nilang pakisamahan ako, ramamdam ko pa rin ang pandidiri nila sa buong pagkatao ko.
Oo, may bahay akong matutuluyan ngunit para sa akin akoy mas masahol pa sa asong kalye. May pamilya nga akong matatawag ngunit ramdam ko kung gaano kalayo ang distansya ko sa kanila. Sinubukan kong abutin sila ngunit hindi ko magawa dahil sila mismo ang lumalayo sa akin. Na parang bang isang mikyobrong mag dudulot sa kanila ng karamdaman kung ako ay kanilang lalapitan.
Pinilit ko ang aking sariling tanggapin ang trato nila pero hindi ko kayang mag-isa kahit ang katotohanan na ang paulit-ulit na sumasampal sa akin, ang katotohanang akoy nag-iisa na lamang sa mundo.
Bwisit. Ikaw ang dahilan ng lahat ng ito.
Napapikit ako sabay hawak sa ulo ko. Ang sakit! Arghh! Ang sakit!
"Argh! Ayaw na kitang maalala pa!"
Ikaw ang dahilan ng lahat ng ito! Napaluhod ako at napahagulgul kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan. Pero patuloy parin sa pagsakit ang ulo. Parang binibiyak ito sa sobrang sakit.
Wala ng makakapansin at makakatulong sa akin dahil unti- unti naring nawawala ang mga tao sa parke. Katulad ng pagkawala ng mga taong nagmamahal sa akin at nag-mamalasakit.
Kahit sobrang lakas na nang ulan hindi ko kayang sumilong man lang. Mas mainam na rin ito upang matakpan nito ang mag luhang kanina pa umaagos. Medyo nawawala na ang sakit kay napatingin ako sa langit. May mapaglarong ngisi ang namumutawi sa aking labi ngunit mas naging mabagsik ang aking mukha. Patuloy parin sa pag-agos ang aking mga lahu. Luha ng pagdurusa at hinagpis.
"Wala ng makakasakit sa akin kahit sino! Tandaan niyo 'yan!"
Palakas ng palakas ang ulan pati ang aking hagulgul. Ramdam ko ang putik sa aking mga paa at damit ngunit wala akong paki. Dahil wala namang may paki sa akin!
Dahil para sa kanila akoy isang anino lamang, anino ng kadiliman.
"MAGBABAYAD KAYO! MAGBABAYAD KAYO! TANDAAN NIYO 'YAN!"
Sisingilin ko kayo.
~*~
A/N:
Hello! Hope you like it. I wanna hear your thoughts about my story. Lovelots <3.
~AkohCiiMikee