dedicated to sa aking bezzy candice dahil mahal na mahal ko siya at siya ang aking forever bestfriend since birth....haha xD :*
Sa gitna ng dagat ay may isang malaki at mataas na coral reef, sa tuktok ng coral reef na iyon ay may isang napakagandang sirena. Kumakanta ito, napakaganda ng tinig, animoy nangaakit. Siya si Ariel, ang little mermaid. Pero wala siyang kinalaman sa kwento na ito, dahil naalala ko lamang siya sa kadahilanang nakita ko siya kanina na nalulunod.
OK balik na sa kwento… ^0^
Sa isang sulok ng kwarto, ay busy-ing busy ang isang batang babae sa pag-gawa ng isang bracelet. Nahahati sa dalawang kulay ang mga beads ng bracelet, black and red.
“Ayan natapos ko na rin sa wakas!!! Yehey!!! “ ^0^ aniya.
“AMBYYY!!!! Tara na dali! Sige ka! Gusto mo bang hindi na natin abutan sila re-o???” sigaw ng kanyang ina na dali-daling pumapasok sa kanyang silid.
(A/N- btw… “re-o” is pronounce as “rio”..yun lamang.. :)))
“opo mommy… ayan na po.. ^____^” sagot ng batang si amby sa kanyang mommy.
Lumabas nang kanyang silid ang mag-mommy, at tumungo na sa garahe, kung saan naghihintay ang kanyang daddy Alexander.
“Tara na mga beautiful ladies.. :)))” sabi ni Alexander sakanyang mag-ina.
At umalis na nga sila patungong airport. Walang kaalam-alam ang batang si amby na aalis na ang kaibigan niyang si re-o papuntang Amerika. Ang tanging alam lamang niya eh aalis ang mga ito at babalik din kaagad.
Pagdating nila sa airport ay nandun na nga ang kanyang Tita Candice at Tito Vielle kasama ang nag-iisa nitong anak na kanyang boy-bestfriend na si re-o.
Nang magkita ang dalawang bata, ay nagsimula ng maghabulan ang mga ito sa buong waiting area ng airport. Habang ang kanila namang mga mommy at daddy ay nagkwentuhan.
Kaya nakapasok ang pamilya ni Amby dito ay dahil ang nagmamay-ari ng airport na ito ay ang pamilya nila re-o… Kaya may special access sila roon.
Matalik na magkaibigan si Kryzel (mommy ni amby) at Candice (mommy ni re-o). Simula Kinder hanggang college eh mag-bestfriends na ang dalawa. Kaya naman ng magkaroon na sila ng asawa at anak ay naging instant bestfriends din ang mga anak nila. Kung lagi ba naman kasi silang magkasama eh!
***Passengers going to San Francisco, California please be ready. You will be boarding the plane in just a couple of minutes, Thankyou. ***
Nang marinig iyon nina Kryzel at Candice ay lumapit na sila sa dalawang bata.
“Amby, its time for you to say goodbye to re-o na… :)” Kryzel gave amby a weak smile. Nalulungkot din kasi ito sapagkat malalayo siya sa kanyang bestfriend na si Candice.
BINABASA MO ANG
Never Fall Inlove with a Gang-nova
Teen FictionSometimes, you try not to care. No matter how much you do, because sometimes, you mean nothing to someone who means everything to you. Sabi nila, wag daw ma-i-inlove sa isang gang-nova, dahil masasaktan ka lang daw…Hmm? Ano nga ba ang ibig sabihin n...