Hide and Seek

7 3 0
                                    

Manloloko o magpapaloko

Isa sa dalawang salita na yan ang magiging papel mo pag pumasok ka sa isang relasyon.

Sa panahon ngayon hindi kana makakahanap ng lalaking seseryoso sayo O babaeng seseryohan ka.
Pag madami kang naloko para kang isang dyos na hinahangaan

At isa si Reid Wilson sa hinahangaan na yun.
Madaming gustong maging kagaya nya, o maging isa sa babaeng lolokohin nya.

Ewan ko ba sa mga tao ngayon kung makasamba sa kanya kala mo sya ang gumawa ng mundo.

Pero lahat ng tao may 'haters' at isa ako sa mga 'haters' ng tarantadong malandi na reid na yan.

Sya ang dahilan kung bakit nasaktan ang kapatid ko, kung bakit halos malugmok na sa depresyon ang ate ko. Galit ako sa kanya, galit ako sa pagkatao nya kaya gagawin ko ang lahat para hindi magtagpo ang landas namin.

Dahil sa tuwing tumitingin ang sa kanyang abuhing mata, pakiramdam ko magiging isa din ako sa babaeng sinaktan nya.

At iyon ang kinatatakutan ko, ayokong masaktan.

Hide and SeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon