HaS1

8 2 0
                                    

"Wag kang magpapaloko sa mga kagaya ni reid, kiah. Ayokong makita kang umiiyak dahil sa isang gago. Tama ng nasaktan ako dahil maharot ako pero di ko kakayanin kung makikita kitang nasasaktan. Mas masakit yun saken kiah, tandaan mo yan ha!" Ayan ang laging ipinapaalala sa akin ate kong si kisiah.
Ayaw nya daw akong masaktan. Ayaw nya daw akong magaya sa kanya.

Si reid wilson, sya ang tinutukoy ng kapatid ko. Ang lalaking yun ay sikat dahil sa mga katarantaduhang pinaggagawa nya sa buhay nya.
Typical badboy playboy kind of sht.

Nainlove ang ate ko sa kanya dahil ayun narin nga sa kanila ang lakas ng appeal ng badboy na may pagkamaharot,
at umuwi din syang luhaan kala nya kasi mababago nya yung gago. Gago nga e, di na magbabago yun. Intayin nya nalang karma nya.

Ayan tuloy lonely ako sa munti naming tahanan. Magmomove on daw sya kaya sya lalayo. Pft, patawa.

-------------
"Taena be, tignan mo naman kung pantay yung kulay ng mukha ko. Baka mamaya magmukha akong kahiya hiya sa harap ng bibi reid" Napaikot ang mata ko sa narinig at yumukyok sa desk.
Inanyan, puro nalang reid naririnig ko.
Hello, nasa school kaya kami, andito para matuto hindi para lumandi.

Naiiritang tinakpan ko yung tenga ko dahil sa biglang tiliang naganap. Orayt, pumasok na pala si almighty reid. Sakit sa tenga ng tilian ng mahaharot na to, sarap thumbtax an sa kipay eh, harottt.

Muntik nakong malaglag sa desk ko dahil sa biglang pagsiko saken ng katabi ko.
Eh? May katabi na pala ko, iniangat ko ang ulo ko at tinignan ang umupo sa tabi ko.
Si allison pala, kaibigan ko. May kaibigan naman ako kahit papano, di naman ako super loner y'know.

"Ano?" Asik ko sa kanya sabay tingin ng masama. Ngumuso ito na parang may pinapahiwatig. Tinignan ko ang likuran ko at nakita sa dulong row si almighty (pwe)
Binalik ko ang tingin kay allison at tinignan lang ito sabay taas ng kilay.

Sumandal muna ito at inayos ang upo. "Umuwi na ba si ate kisiah? Nakamove on naba sya sa gago?" Binalik ko ang tingin sa harapan. Dumating narin pala prof. Namin, diko napansin. Huehue
"Ay. Ewan ko sa maharot na yun kung kelan uuwi, hindi pa siguro nakakamove on . Wala pa kong nararamdaman na masamang presensya eh" Sabay kibit ko ng balikat.

Napahigikhik lang ito sa sagot ko at sabay pa kaming napasimangot ng may marinig din kaming hagikgik. Lamnadis, may live show sa last row. May mga malalanding gusto ng mamatay. Tumingin ako kay allison, nakatingin din sya saken. inirapan ko lang ito kung kaya't napatawa ang huli.

"Show some respect Mr. Wilson, wala kayo sa kung saang bar o ano pa man kaya tigilan nyo nayang landian nyo ng Ms. Sasake, intayin nyo ang breaktime dun kayo maglandian." Bleh. Buti nga, landi kase ng hayop. Narinig ko lang itong tumawa ng malakas sabay "Dont worry Maam, I know how to show some respect." Lul. Mamatay kana, mamatay kana!

Tumango lang ang prof. namin at nagsimula ng magdiscuss.
Halos nasa kalagitnaan na ng pagdidiscuss ang prof. ng manigas ang batok ko at biglang kinilabutan.
Sht, tumingin ako sa likod at nakitang matiim na nakatitig saken ang gago.
Ngumisi ito at biglang naglipbite, napatingin din ako sa katabi nya. Kita ko ang talim ng titig nya saken. Minumurder nya na ata ako sa isip nya, tinarayan ko lang ang dalawa sabay nakinig ulit sa prof.

-----------------------
Mabilis na nagsitayuan ang mga kaklase ko ng magbell.
Mga walang manners!

Nanatili akong nakaupo at hinintay na magdismiss si prof. mabait kase ako.

"Okay, Class dismissed. By the way Ms. Mariano, follow me to the faculty room." Nagnod lang ako ng kay Maam prof. Sabay tayo at siksik lahat ng gamit ko sa bag.

"Kita nalang tayo sa cafeteria alli." Nagnod lang din ito sabay flying kiss. Lumabas na ako ng room at tinahak ang daan (naks) papuntang faculty.

Kumatok ako ng tatlong beses at binuksan yung assigned room ni maam prof. Sensya na nakalimutan ko pangalan na maam prof.

"Maam? Si Ms. Mariano po ito? Maam? Yohooo, maa- hmmmp!" Nanlaki ang mata ko ng may tumakip ng bibig ko. Nagpumiglas ako ng bongga dahil sa takot.

Jusq, ayokong makidnap.

"Hmmmmpp. Hmm-"
Tae, ang lakas ng kidnapper ko di ako makatakas.

Tungunu. Bat ba kase madilim? Sabi ko na talaga parang may mali.

"Hmmmpp." Hellppp, alli.

"Shhh. Babe! Its me!"
Nanlalaki ang mata ko ng makilala ang boses. Kahit madilim yung kwarto. Kabisado ko ang boses na yun, may pinalakas ko pa ang pagpiglas.

Tumakbo ako ng makatakas,
At sht. Tangina ang sakit, nauntog ako! Bat kase ako ang dilim.
Nakarinig ako ng mahinang hagikhik at biglang lumiwanag ang paligid.

Naluluhang sinamaan ko ng titig ang tarantado. Tumayo ako at dinuro ito ng lumapit ito saken.
"Lumayo ka sa akin demonyo ka! Minamalas ako pag nasa paligid ka!" Naluluhang sambit ko habang hawak ang noo, ang lakas kaya ng impact ng pagkauntog ko. Lumagabog yung pader eh

"You dont mean it baby. Come here, let me see it!" Malambing ang tono ng boses nito at wala akong pakialam.
" I mean it assface. Aalis nako dito, sinasayang mo lagi oras ko!" Hinawakan ko ang door knob at pinihit ito ng may humawak sa braso ko at isinandal ako ng paglakas lakas sa pader.

"Tangina mo reid! Ang sakit ah, ang sakit talaga tangina. Utak ko nalang meron ako kaya wag mo kong inuuntog kung saan saan! Ang sakit" Maluha luhang angil ko dito. Round two ng untog ko, kabilaan na ang sakit.

Hinimas nito ang ulo ko sabay halik sa tuktok ng buhok ko. Nagpumiglas ako at ng makawala ay
"Wag mo nakong lalapitan. Kahit kelan, kahit kelan reid. Wag na wag ka ng lumapit. Layuan mo na ako assface." Tumalikod ako ng lumapit sa pinto. Hinawakan ang door knob at pinihit para bumukas.

"You know i cant do that kiah. Kahit lumuha ka pa ng dugo, di moko maiiwasan . Di mo rin ako mauutusan na lumayo sayo. Dahil alam mo na ang dahilan."
Mapait akong ngumiti sa harap ng pinto.

"I hate you reid, i hate you so much at dinagdagan mo pa ang galit ko sayo ng sinaktan mo ang kapatid ko!"  Diko na ito hinarap dahil ayokong makita ang mukha nya. Ayoko makita ang lungkot sa kanyang abuhing mata.

Hide and SeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon