1

272 9 0
                                    


Nandito ako ngayon sa bahay nila Ricci. Simula nung grade one kami,hindi na kami mapaghiwalay netong si ricci.

At dahil sa pagiging bestfriends naming dalawa, naging close na rin ang pamilya namin.

Hindi rin gaanong mahigpit sa akin ang parents ko dahil alam naman nila na madalas kong kasama si ricci at alam nilang hindi talaga kami mapaghiwalay sa isa't isa.

Madalas lang kami tumatambay sa bahay nila or sa bahay namin. Paminsan-minsan lang kami tumatambay sa bahay ng aming ibang barkada.

"Hey." Tawag sa akin ni ricci.

"What?" Tanong ko sa kanya.

"Fortnite tayo." Pang aaya niya. Wala na tong magawa. Madalas naman kasi kami naglalaro ng video games dahil yung na yung laro namin nung bata pa kami.

Hindi na bago yon sa akin dahil kami rin sa bahay ng aking mga kapatid na si kuya Rhys at kuya Saito, naglalaro din. I'm not used to being girly. Bata palang ako, alam ko na kung anong gusto ko. Mga bagay na halos gusto lahat ng lalake. Kagaya ng basketball, videogames at football. 

I am playing basketball pero hindi ako varsity. There are many coaches na offered me to study in their school para maging part ako ng varsity. But i declined them. Yes. I am contented with all i have right now. Plus, i just want to focus sa academics ko ngayon, dahil ricci and i are grade 12 students. 

We're going to take college exams in a few months plus, gusto ko makapasa ng UP dahil pangarap ko talaga mag take ng Economics don. And si Ricci? Siguro baka UP rin dahil I know gusto niya mag take ng Business Management sa UP. But depende parin sa kanya if itutuloy niya yung basketball career niya sa college.

"Victory Royale!" Sigaw ni ricci.

Ganto nalang parati laro namin sa fortnite. Parati kaming nakaka victory royale.

We were screaming because we're happy. It's almost our 30th time? I guess. 20 more and makakapasok na kami sa Fortnite team dito sa Philippines kung saan pwede kami makipag laban international.

"We finally made it!" Nakipag apir naman sa akin si ricci.

Grabe! Can't believe na 20 more and we're part na!!

"So we have 20 more." Sabi ni Ricci.

"C'mon' tara isaw tayo." Pangaaya ko. "Don't worry. Libre ko na. Alam kong may pinagiipunan ka." Yup, may pinagiipunan to. Dream niya kasi makanood ng NBA game. Well ako rin naman.

Pupunta kasi Los Angeles Lakers dito at Philadelphia 76ers. Since favorite niya ang lakers. Todo ipon naman siya para makakuha ng front seat sa moa.

Ngumiti naman ng malapad si ricci at niyakap ako ng mahigpit. "The best ka talaga!" Lumabas na kami at pumunta na kami sa paborito naming bbq house.


Nandito na kami sa barbeque house na parati naming pinupuntahan namin ni Ricci. Bang's barbecue house. The best yung bbq at yung isaw dito. Nakakaiba yung timpla at yung aroma kaya nagustuhan namin ni Ricci. Even though na located to sa Espanya, medy kaya naman lakarin for 10 minutes dito sa tinitirahan namin ni Ricci sa tondo.

Since nag aaral kami sa La Salle, hindi na kami pinag condo or pinag dorm ng parents namin. Sabi nila, ilang stations away lang naman ang la salle sa amin kaya we jut use train papunta don.

Pero kapag naka pasa ako ng Up, doon nalang ako ipagdodorm or ipag cocondo ng parents ko.

HABANG kumakain kami ni ricci, napakatahimik naming dalawa. Siguro gutom na gutom lang talaga tong si Ricci. Or na miss niya lang tong isaw.

Nakisakay nalang ako sa pagiging tahimik niya. Sige, silent treatment pala ah. Oh ayan ibibigay ko yan sayo.

"Therese, tibo ka ba?" Biglang salita ni ricci.

Nabilaukan naman ako sa sinabi niya. Ubo naman ako ng ubo, lumapit naman siya sa akin at inabot niya ang isang basong tubig.

Grabe naman siya oh. Magtatanong na nga lang biglaan pa.

"Grabe naman 'cci! Magtatanong ka na nga lang biglaan pa." Pinalo ko siya sa braso.

"You know, i am just wondering. Wala ka pang ina amin sa akin na kung sino yung crush mo."

Sabi ni ricci matter of factly.

Seriously tama siya. Wala pa akong sinasabi kung sino crush ko. Wala pa akong first crush. Honestly, focused lang talaga ako sa studies ko at sa family and friends ko. I have no time in those things like yung pagkakacrush. Ang boring ng buhay ko but i can survive without having a crush.

"Ricci, alam mo naman buhay ko diba? Basketball, studies, videogames, family and friends lang ang takbo ng buhay ko diba?" natatawang sabi ko kay ricci. 

"what the heck? ganyan ka parin hanggang ngayon?" natatawang sabi ni ricci. 

"hayaan mo na ako 'cci. Masyado akong dedicated maka pasok sa UP. Alam mo naman, gusto ko mabawasan yung gastos sa bahay." Sabi ko sa kanya. 

Even though afford talaga namin yung tuition fee sa up, gusto ko parin na scholar ako. Iba parin yung tunog at dating kapag scholar ng UP. Also, I wanted to prove to myself na kayang- kaya ko naman makakuha ng scholarship sa up.

"Sa sobrang sipag mo mag aral, naka limutan mo na mag ka crush." Sabi ni ricci.

"So what's the issue of walang crush? Does it make you less attractive?" Inirapan ko si ricci. 

Eto lang kasi pambato niya sa akin. Yun lang naman ang wala ako na meron siya. But when it comes to intelligence, meron rin siya non. Both of us ay parating nasa dean's lister list. Kaya, we cannot label each other as bobo or tanga though. 

"Ewan ko sayo, therese." Umiwas ng tingin si ricci. -

Tumingin ako sa phone ko at 7 pm a pala. Shoot! May meeting pa student council ng shs bukas! Hindi pa ako nakakagawa ng plan for this upcoming school year!

"Huy ricci! let's go!" Nagmamadaling sabi ko kay ricci.

"Bakit?" Hinawakan ko ang kamay niya at umalis na kami sa bbq house. "Hindi ko pa nagagawa yung ideal plans ko as President sa sc." Tatakbo na sana kami ni Ricci pauwi pero may tumawag sa kanya. 

"Ricci!"

"Michelle...." ricci whispered.



~°~

Sino kaya si Michelle sa buhay ni Ricci?

Comment down your thoughts.

Don't forget to vote!

xoxx, 

ralphcu





Best Friend || Ricci RiveroWhere stories live. Discover now