MOVE ON !!

2 0 0
                                    

Ang saya ma-inlove part ito ng kabataan na hinding hindi natin malilimutan. Minsan masaya minsan may sakit na mararamdaman, hindi natin alam ano ang mga susunod na mangyayari. Pero bakit kailangan pa nating masaktan ? bakit kailangan pa nating maging malungkot? Bakit kailangan pang umiyak?

May mga bagay sa mundo na hindi talaga natin maipapa-liwanag, hindi naman kasi tayo mang huhula na kayang mag predict ng mga bagay bagay. Pero, naranasan mo na din ba ang mainlove? Yung tipong ang saya saya niyo tapos bigla na lang magbabago ang lahat sa hindi mo maipaliwanag na rason. Ang hirap punong puno ng sakit at sama ng loob ang dibdib mo hangang umabot ka sa punto ng buhay mo na alam ang gagawin mo kung hindi umiyak, umiyak na lang ng umiyak hangang sa malimutan mo ang lahat ng sakit.

Nung maging kayo , tuwing gabi halos hindi mawawala ang pangalan niya sa inbox mo , lagi kayong mag-kausap na hangang sa hindi na kaya ng mga mata niyo sa sobrang antok. Tuwing uuwi ka galing school/trabaho lagi siyang andiyan para sunduin ka at ihatid sa inyo. Sa araw ng monthsary niyo lagi na lang siyang may dalang mga regalo. Pero bakit ganun , bakit biglang may nagbago bakit parang nag iba sya ,hindi na siya nagtetext sayo tulad ng dati. Hindi ka na niya sinusundo sa tuwing uuwi ka, hindi na rin siya nagpaparamdam tuwing monthsary niyo hangang sa malalaman mo na lang may iba na pala siya at lahat ng mga bagay na ginagawa nya sayo noon sa iba na nya ginagawa ngayon ang mga bagay na para sayo sa iba na nya binibigay at oras at atensyon nya sa iba na napupunta.

Ang sakit na akala mo may mali sayo akala mo kasalanan mo, isip ka ng isip ano ba ang nagawa mo ? may nasabi ka ba na kinagalit nya ? may nagawa ka ba na hindi nya nagustuhan? Ano ba ang mali.
sobrang daming tanong ang tumatakbo sa isipan mo, mga bagay na hindi mo maipaliwanag. Bakit? Punong puno ng mga bakit ang isip mo, ano ba ang rason ano ba ang nangyari?

Siya ba ang mali? O baka naman kasi pareho kayong mali. Baka naman kasi nasaktan mo siya kaya ka sinaktan. Minsan nagagalit tayo pero hindi pa natin alam ang tunay na dahilan, dahil nasaktan tayo kaya pinuno natin ng galit ang puso natin. Isinara natin ang puso natin sa mga bagay bagay dahil sa lahat ng sakit na nangyari sa atin. Pero hindi kaya may rason talaga ? hindi lang tayo nagtanong hindi lang natin inintindi ang isa't isa.

BOYS, bakit? Ano ba ang reason at ginawa natin iyon. Bakit kailangan pang ligawan kung iiwanan at papalitan rin naman. Bakit kailangan pang pasayahin kung sasaktan din naman, hindi ba niya kayo pinasaya ? tuwing may basketball game ka andun siya para icheer ka tuwing may problema ka andun siya para icomfort ka? Bakit kailangan siyang saktan , sa lahat ng ginawa nya kulang pa ba ang lahat. Kung nagkaroon ka ng problema sa kanya bakit hindi mo sinabi at iniwan mo siya na nag iisip kung ano ba ang ginawa niya kung ano ba ang mali para iwan mo siya. Iniwan mo siya na ang daming tanong sa isip nya , ang o.a na ba? Ang o.a na ba ng love story niyo para sayo ? nababaduyan ka na ba sa mga I LOVE YOU nya? Ayaw mo na bang panoorin nya ang mga game mo ? bakit kailangan iwan mo siya na alam mong masasaktan mo siya? Paano kung ikaw naman ang makaranas ng lahat ng sakit at sama ng loob na ginawa mo sa kanya? Paano kung ikaw naman ang umasa at maiwanang madaming tanong.
minahal mo ba sya? Kung oo, pwes bakit? Ano ang dahilan para saktan siya. Sabi ninyong mga lalaki hindi naman dapat lahat ng sisi eh para sa inyo, hindi naman dapat lahat kayo na lang ang may kasalanan. Pero paano ninyo maipapa-liwanag ang mga ginawa nyo para masabing hindi lang naman kayo ang may kasalanan. Masasabi mo ba na hindi kasalanan ang pang babae? Masasabi mo ba na boring ka lang kaya ginawa mo iyon? Kung napagod ka sa kanya dapat pinaliwanag mo ang sarili mo, dapat hindi mo sya sinaktan. Dahil tulad ng nanay mo may puso din siya na isang babae na nagmahal sayo. Babae lang kasi sya na nasasaktan, babae lang naman kasi siya na dapat pinahalagahan mo sana imbis sinaktan mo. Dapat kinilala mo muna syang Mabuti bago mo niligawan para hindi na kayo umabot sa puntong magkaka sakitan. Minsan kasi hindi naman kailangan na maging kayo agad para masabing nagustuhan mo siya sana kinaibigan mo na lang muna. May nagbago ba sa kanya kaya nagbago ka rin bigla at iniwan sya? Hindi mo pa sya ganun kakilala dapat hindi mo niligawan agad, dahil ba nagandahan ka lang kaya gusto mo na agad ? dahil ba nabaitan ka lang ? o dahil ba may something lang. kung ayaw naman pala nating masisi sa mga pagkaka-maling ginawa natin dapat sa una pa lang hindi na tayo pumasok sa sitwasyon na hindi naman pala tayo sigurado. Hindi na dapat natin pinaasa para walang umasa , dahil kung sa kapatid mong babae at sa nanay mo nangyari ang mga bagay na ito hindi bat masasaktan din sila? At masasaktan ka din para sa kanila to the point na magagalit ka sa kapwa mo lalaki dahil sa ginawa sa kanila. Pero ano ang karapatan mong magalit , kung ikaw mismo nanakit ng babae na tulad nila. May mga bagay sa mundo na dapat pag isipan bago gawan ng aksyon at may mga bagay na dapat sinigurado para walang nasasaktan. Ngayon tignan mo ang sarili mo sa salamin at tanungin, deserving ka bang mahalin? Karapat dapat ka bang tawaging mabuting anak ng nanay mo? Dapat bang tumakbo sayo ang kapatid mong babae kapag sinaktan siya ng boyfriend nya. Sana hindi mo na kailangan pang tanungin ang mga bagay na yan sarili mo. At sana hindi mo na kailangan gawin ang mga bagay na makaka sakit ka lang ng ibang tao. Kung gusto mong igalang ka nila bilang isang lalaki matuto kang gumalang sa isang babae. Mahalin mo siya tulad ng pagmamahal sayo ng nanay mo at kung pagod ka magpaalam ka sa kanya na hindi mo siya kailangan pang saktan siguro magagalit sya sayo at iiyak . pero mas maganda nang nagpaalam ka na alam mong nagsasabi ka ng totoo kesa iwanan mo siyang may sakit sa puso nya.

GIRLS, ang sakit noh ? parang naguho ang mundo natin dahil sa lahat ng sakit na ginawa nya sayo. Puno ng tanong ang isip mo,pero natanong mo na din ba ang sarili mo kung bakit ba? Baka naman kasi minsan may mali talaga , hindi natin pwedeng sabihin na hindi meant to be na hindi naman kasi destiny dahil nangyari ang lahat ayon sa kagustuhan din lang naman natin. Mga desisyon na hindi pinag isipan pina-kilig ka at niligawan sinagot mo na siya kasi pinasaya ka nya. Pero kinilala mo na ba siya? Inalam mo ba kung sasaktan ka lang nya o sinagot mo lang kasi nagpaka-tanga ka. Ang sakit bang masabihan ng tanga? Tumakbo ka sa mga kaibigan mo para umiyak dahil sinaktan ka niya pero pinagalitan ka lang nila. Baka naman kasi masyado ka lang nagmadali, masyado mo lang binigay ang lahat lahat kaya ngayon nasasaktan ka. May mga bagay lang kasi na kailangan pag isipan muna bago gumagawa ng disisyon. Lahat ng tao sa mundo may pagkaka maling nagawa, lahat nasasaktan dahil sa maling disisyon na ginagawa mahirap at masakit pero hindi tayo pwede magalit. Actually , wala tayong karapatang magalit dahil naboo ang mga desisyon iyon dahil sa atin. Bakit ka ba iniwan? Hindi kaya masyado ka ng naging istrikto sa kanya , na sa tuwing may lakad sila ng mga barkada nya ay hindi ka pumapayag sa tuwing may basketball game sya lagi kang andun hindi para icheer sya kundi para siguraduhin na walang babaeng didikit sa kanya. Baka naman kasi gusto mo kayo na lang dalawa baka kasi napagod sya dahil gusto nya rin maging masaya kasama ang barkada nya, baka kasi gusto nya din mapag isa kaya napagod sya. May bagay talaga minsan na nagiging maka sarili tayo dahil sa takot. Minsan ng dahil sa takot na maiwan nagagawa natin ang mga bagay na nakaka-sakal na. minsan may gagawin pala sya pero demanding ka at gusto mo sunduin ka pa nya minsan gusto mo magka text kayo hangang sa di nyo na kaya dahil sa antok. Admit it girls minsan may kasalanan din talaga tayo kaya sila nakaka gawa ng mga bagay na ikaka sira ng relasyon nyo. Minsan nasa atin din talaga ang problema, ang daming paliwanag ang gusto natin marinig galing sa kanila mga bagay na minsan unfair na din para sa kanila oo totoo unfair na din minsan tayo kasi hindi natin pinapakingan yung nasa loob nila kasi busy tayong pakingan yung nasa loob natin. Minsan kakaisip ng mga bagay na isisisi sa kanila hindi na natin nakikita na dapat din pala tayong sisihin. Hindi masisira ang isang relasyon kung wala tayong ginagawa na ikakasira nito. Baka kasi hindi lang isang tao ang may kasalanan baka naman kasi pareho lang tayong nagkaka mali kaya tayo nasasaktan. Masakit oo pero kailangan natin tangapin dahil hindi tayo masasaktan kung hindi tayo nagmamahal.

Sa lahat ng tao na nagmahal, nasaktan, umasa, nagpaasa , nabigo at napagod cheer up normal yan, walang nagmamahal ang hindi nasasaktan. Gifted pa din tayo dahil binigyan tayo ng kasalanan para itama at binigyan tayo ng taong mamahalin para matuto. Kung nasaktan ka, congrats isa ka ng tunay na tanga ! tangang nagmahal. pero hindi mo kailangang maging tanga habang buhay dahil pwede ka naman maging masaya pwede ka naman mag move on. Umiyak ka dahil sa kanya dahil hindi naman sila ang taong para sayo baka naman kasi nagmadali ka lang talaga kaya napunta ka sa taong hindi para sayo. Baka naman kasi hindi ka lang makuntento kaya ngayon nasasaktan ka. Okay lang yan love lang yan tao ka , kaya mo yan ! ikaw pa ba?

Siguro nga may mga bagay na nagawa natin na pinag sisihan na natin kaya nga ngayon dapat mag MOVE ON na lang tayo dahil wala naman magagawa ang mga iyak at pagmu-mokmok mo. Hindi ka matutulungan ng mga bagay na yan dahil tanging ang sarili mo lang makaka tulong sayo, bumangon ka at harapin ang bukas. Malay mo bukas iba na ang kapalarang naghihintay sayo malay mo bukas may bagong oportunidad na ang nag-aabang sayo.

Nasaktan ka pero tandaan mo na lahat ng sakit na nararamdaman mo ay pansamantala lang , lahat ng yan hindi magtatagal. Bukas makalawa masaya ka na ulit at tatawanan mo lang ang lahat nagkamali ka sa taong hindi karapat dapat para sayo.

Kahapon umiiyak ka , ngayon tumayo ka at kalimutan ang lahat upang bukas masaya ka na at tinatawanan na lang lahat. At dun mo masasabi na naka MOVE ON KA NA AT MASAYA salamat at dumating sya natuto ka maging matatag. Salamat at dumating sya nalaman mo na na ang buhay hindi laging umaayon sa gusto mong mangyari at salamat dahil sa pagdating nya naging matatag ka para harapin ang hamon ng buhay.

Salamat sa sakit matatag ka na at tumatawa....

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 15, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Move on !Where stories live. Discover now