Kabanata 5

15.6K 466 103
                                    

Kabanata 5

Mabigat ang aking pakiramdam pagkagising ko. Kinusot ko ang aking mata at dumilat na. Mabilis kong napansin na hindi ito ang kwarto ko kaya napabalikwas ako ng bangon at agad kong tinignan kung may damit pa ako.

Nakahinga ako nang maluwag na makitang wala naman nagalaw sa akin, pinakiramdaman ko rin ang aking sarili at wala naman problema.

Luminga ako sa paligid pero walang tao, nakaawang ang pintuan ng bathroom pero sa palagay ko ay wala rin tao.

Inalala ko ang nangyari kagabi at napasabunot nalang ako sa aking sarili dahil daig ko pa ang lasing!

Napailing ako. 

Bakit ko ba sinabi 'yon lahat sa kanya? At ang kapal ng mukha ko na makatulog habang yakap niya!

I really don't know anymore! Hindi ko na talaga kilala ang sarili ko. Masyado ata akong na-trauma sa mga nangyayari sa buhay ko at hindi na ko nakakapag - isip ng tama.

Unang - una hindi ko dapat sinabi sa kanya ang kwento ng buhay ko. Kahit na niligtas niya ako, hindi pa rin dapat ang ginawa ko dahil parang binigyan ko siya ng responsibilidad na isipin din ang problema ko.

I don't want him to remember me as a toxic person he met at the beach.

Umiling ako dahil at the back of my mind, pinagtatanggol ko rin siya, alam ko kasi na sa saglit na nakasama ko siya, he's not like that and I'm willing to take the risk because I trust him.

Hindi ba ang gulo ko? Damn it!

I know he's a good man, dahil unang - una niligtas niya ko, pangalawa, pinakinggan niya ako without judging me.

Napangiti ako, I really appreciate what he have done for me last night. I love how he listens without comforting me with shallow words. I love how he comforted me just by hugging me because that's what I really need.

Pinagmasdan ko ang paligid and it seems like wala naman talagang may ari ng kwartong ito, wala kasing kahit anong gamit akong nakikita bukod sa gamit ng hotel. I'm sure Landon did this.

Nights With You [ Isla Azul Series #1 ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon