Maganda
Yan ang una kong naisip nung makita ko siya
First impression kumbaga.
Yung mga mata, yung mga ngiti niya . .
Napakaganda
Bagay na bagay din sa kanya ang mahaba niyang buhok.
Noong una hinahangaan ko lang siya. Pero habang tumatagal lalo pang nadagdagan ang nararamdaman ko para sa kanya
Isang araw, natagpuan ko na lang ang sarili ko na naghihintay sa kanya sa Sakayan.
Kung saan ko siya unang nakita.
~~~~~~~~~~~~~
"Bayad po"
Simple. Napakasimple niya.
Inabot ko yung bayad niya.
"Manong bayad daw po" sabi ko
"Saan ho yung bente?" -Manong
"San daw po yung bente?" sabi ko kahit alam ko naman talaga kung saan siya bababa.
"Diyan lang ho sa --------"sabi niya.
Pagkatapos nun ay inabot ko yung sukli niya.
Napansin ko na parang di siya mapakali. Meron pang isang tao ang nasa pagitan namin.
Bumaba na yung tao. Sa wakas makakatabi ko na rin siya.
Pero kasunod noon ay pumara na rin agad siya.Siguro nga may nakalimutan lang siya. Siguro nga sadyang pinaglalayo lang kami ng tadhana.
Sabay ng pagharurot ng jeep, napansin ko na naiwan niya ang isang notebook.
KRYSTAL
Diary niya ata yun eh.
Ang ganda ng pangalan niya bagay na bagay sa kanya.
Bumaba na rin ako para habulin sana siya pero nakasakay na rin pala siya pabalik.
-------------------
Araw araw hinihintay ko siya sa sakayan.
Naghihintay na baka doon ulit siya sasakay. Nagbabakasali na baka doon ko ulit siya makikita.
Pero makalipas na rin siguro ang ilang linggo, nakita ko na rin siya. Nagtiyaga akong maghintay sa kanya ng ganoon katagal. Gusto ko na ring maisuli sa kanya yung diary niya. Gusto ko na ring makilala niya ko.
"Miss sayo to, diba?"sabay abot sa kanya ng diary. Nakita ko sa mukha niya na gulat na gulat siya.
"Huwag kang mag-alala harmless ako, di naman kita kakainin." biro ko. Nakita ko na napangiti siya. Ang ganda niya.
"Gusto ko lang sanang isoli sayo to . . .KRYSTAL right?" diretsuhang tanong ko sa kanya.
"Aahh yes, You are??" tanong niya rin sa akin. Start na to Kyle.
"Kyle Dylan"tugon ko naman.
"Salamat Dylan kasi sinoli mo yung diary ko. Di mo lang alam kung gaano to kaimportante sa akin."sabi niya. Napansin ko naman ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha niya.
"Ito na lang kasi yung natitira kong alaala sa mga magulang ko"Nalungkot ako. Kahit hindi niya pa sinasabi yung nangyari, feeling ko napakasakit non.
BINABASA MO ANG
A Jeepney Love Story
Teen FictionWuushhuuu pang-ilang one-shot pa lng... Pls paki-vote po yung story tnx.. *puppy eyes* ^_^