Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

CHAPTER 13

298K 5.5K 166
                                    

Chapter Thirteen

Somber


Matapos gawin ang lahat ng mga test na kailangan ni Papa ay kinausap na kami ng doctor nito tungkol sa kanyang totoong sakit.

"Pulmonary Hypertension."

"P-Po? Pulmonary? Ano po?" Hinawakan ni Mama ng kamay ko. Ang kaninang luha niya ay bumuhos na.

She's been through a lot already. Lalo pa ngayon sa sakit ni Papa. Ang sabi niya ay nagpaalam lang siya sa mga Delaney ng ilang araw at babalik din sa trabaho dahil hindi pa naman namin sigurado ang sakit ni Papa.

Kampante rin kaming hindi ito malala dahil maingat sa katawan ang Papa ko. Pero ngayon... This news...

Hindi ko na alam kung ano'ng mangyayari.

"I believe this is not the first time he fainted. At hindi lang iyon basta simpleng pagkawala ng malay. It was a heart attack. Base sa resulta ng mga test na isinagawa namin ay komplikado na ang kalagayan ng inyong asawa."

"Pero paano po?"

"May Scleroderma ang inyong mister. That is a condition that causes thickened areas of skin and problems with blood vessels." Palipat-lipat ang pagtingin ng doctor sa 'min ni Mama. "Pulmonary hypertension makes the right side of the person's heart work harder than normal to push the blood through, and this will also cause heart failure."

Itinituro niya pa sa isang chart ang mga sinasabi niya para maipaliwanag sa ami nang mabuti ni Mama.

"I'm sorry but we don't have any other choice but to perform a lung transplant."

Sa huling sinabi ng doctor ay iniwan na ako ng aking lakas. I can hear my world shuts in his last word. Wala namang nagawa si Mama kung hindi ang lumuha.

Alam kong matagal nang tinago ni Papa ang sakit niya. He doesn't want to be a burden in our family. Knowing my father, he will do everything just to support us but how can he do that now that he is sick?

Malakas siya. 'Yan lang ang dahilan niya. And I'm stupid enough to believe that!

Matapos naming magdasal ni Mama sa chapel ay dumiretso na ako sa school. Ilang linggo na kaming nasa hospital pero walang araw na hindi ako umiiyak nang patago. Kung siguro'y makahahanap lang ako sa daan ng lungs na ipapalit sa Papa ko ay ibubuhos ko ang natitirang araw ko sa paglalakad.

Napukaw ang tulirong paglalakad ko sa boses ng tumawag sa 'kin.

"Juliana!" Tamad akong lumingon sa aking likuran.

I saw Donovan walking towards my direction. Imbes na huminto ako at hintayin siya ay tinalikuran ko siya at nagpatuloy sa paglalakad. I can hear him running this time.

"Where have you been? Hinintay kita last week," nakangiting sabi niya nang magpantay ang lakad namin.

Nagkibit-balikat lang ako. I'm too pre-occupied by the mixed emotions I'm feeling. And I feel like crying every time I think of Papa.

"Are you okay?" He tried to get my attention.

Tumango lang ako. Inilagay ko ang aking magkabilang kamay sa aking bulsa.

"Did someone tell you how bad you are at lying?" Saglit ko siyang sinulyapan.

"Masama bang maging okay kahit na hindi ka okay?" tanong ko pabalik.

"I don't know how to answer that but if you need a friend, I'm here." He smiled again.

Wow! Kailan pa kami naging magkaibigan? The last thing I clearly remember was his face scolding me, then flirt―I mean, smirking at me tapos ngayon, we're friends?

Under Pleasure ( TBS 1 - Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon