Chapter 2 - NEW HOUSE

1 0 0
                                    

Nakarating na sila sa bahay.

Malaki at maganda kahit medyo luma na. 

"Bahay to dati ng lolo at lola nyo." Sabi ng mommy nila, napatango nalang silang kambal.

Binuhat na ng kanilang ama ang mga gamit at tumulong narin silang mag buhat. 

Tumingin si Hani sa bintana, may babaeng nakaputi at nakangiti sa kanila.

Kinawayan nya ito, ang ganda ng mukha nito pero parang nakakakilabot ang ngiti, "Sinong kinakawayan mo Hani?" Tanong sakanya ng kanyang kambal.

"Yung babaeng maganda, andoon sa taas sa may bintana." Ngunit ng ituro nya ang babae ay wala na ito. "Wala naman ah? Baka guni-guni molang yun, tara na nga." Hinila na ni Ana si Hani.

"Pero may babae talaga doon!" pagpupumilit nya pero hindi sya inintindi ng kapatid nya.

Ng makapasok na sila sa loob ay napaka luma na talaga, pero maganda at elegante. 

Biglang kinilabutan si Ana. 

"Maganda pero parang nakakatakot." Bulong nya kay Hani.

"Nakakatakot ka dyan, ang ganda kaya. Tska ang daming tao oh!" Sabi ni Hani, pero nagtataka si Ana. 

Paanong maraming tao? Sa isip ni Ana. Pero ang nakikita nya lang nya mga lumang gamit at ang mommy at daddy nya lang.

Napailing na lang sya, baka tinatakot lang sya ng kambal nya. 

"Ana! Hani! Tara na sa kwarto nyo!"

Umakyat sila sa second floor kung nasaan ang Mommy nila, na nag aayos ng gamit. 

"Dito ang kwarto nyong dalawa ah? Sige na kayo na magtuloy dito." 

Iniwanan na sila ng kanilang mommy sa isang malaki at lumang kwarto. "Ang laki no Ana?" kalbit sakanya ni Hani na nakatayo sa may salamin. "Ang ganda dito, mas maraming friends."

Nagtaka ulit si Ana, maraming friends? "Bat mo naman nasabi? Eh parang ang lalayo ng mga kapitbahay natin dito?" 

"Basta, tara na ayusin na natin to."

Nagtaka si Ana sa kinikilos ng kanyang kakambal, pero tinulungan nya lang itong mag ayos ng gamit nila.

Napatingin sya sa salamin, nakakabit ito sa kabinet na sobrang luma na.

Biglang tumaas ang balahibo nya ng may parang dumaan sa likuran nya, hindi na lamang nya ito pinansin, baka kase guni-guni lamang nya iyon.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 05, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE TWIN SISTER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon