Angela's POV
"Ano ba naman 'yan, Chloe?!" inis na sigaw ni Kyla.
Binilisan ni Kyla ang lakad niya kaya naiwan kami ni Chloe sa harap ng Math Garden. Tahimik na ang school dahil 6pm na. Umuwi na siguro ang mga estudyante. Kataka-taka nga dahil pati ang mga school guard ay wala na rin. Dati kasi ay hanggang 7pm ang duty nila. Sinisigurado walang estudyante ang maiiwang naggagala-gala sa loob ng school.
Kung papaano kami nakapasok dito, 'yun ay dahil inakyat namin ang bakod ng school. Dalawang metro lang ang taas noon kaya nakuha naming akyatin nang walang kakaba-kaba.
My phone suddenly vibrated. Hinanap ko iyon sa bulsa at kinuha.
1 message received (6:13pm)
The message was from Kiefer. Agad ko iyong binuksan habang nakasunod kay Chloe. Nasa pinaka-unahan si Kyla at nasa likod naman niya si Chloe.
From: Kiefer
Chloe, nasaan kayo? --- K. S.
Nag-type agad ako ng message, saying we're on our way to the the haunted CR at saka ko muling ibinulsa ang phone.
Maya-maya pa ay nakarating na agad kami sa nasabing haunted CR. Hindi ko pa alam kung ano ang nasa loob nun. Wala ring pumapasok sa loob nito dahil bukod sa nakakatakot ay medyo masangsang din ang amoy kahit nasa labas ka lang.
"Sinong papasok?" tanong ni Chloe habang hawak ang kaisa-isang flashlight na dala namin.
"Hindi ako ah!" sagot ko naman rito.
Umiling-iling naman sa aming dalawa si Kyla habang inaakyat ang tatlong baitang na hagdan tungo sa terrace ng naturang CR. Susyal naman nito at may terrace pa. Pero kung sabagay, hindi rin naman namin alam kung CR nga ba 'to. Malalaman namin 'yan kapag napasok namin ang loob.
We followed her to the small terrace. Napatakip kami sa ilong naming lahat nang lumakas ang masangsang na amoy.
"Ohmygosh!" tili ni Kyla nang may biglang dumaang maliit na daga sa bandang paanan niya. Buti na lang ay naka-rubber shoes siya. Sa aming tatlong babae, si Kyla ang pinakamatapang pagdating sa ganito. Pero hindi maitatanggi, siya rin ang pinakamaarte.
"Dapat kasi sinama na natin sila Alfie e." reklamo ni Chloe.
"Aba! Sino bang nagmadaling pumunta rito? E 'di ba bukas ang usapan dahil Friday bukas?" inis ko namang sagot.
HIndi na kumibo ang dalawa kong kasama. Lumapit si Kyla para suriin 'yung doorknob kung mabubuksan kaso naka-lock iyon. Kung nandito lang sana si Alfie, mabubuksan namin iyon. Magaling 'yun magbukas ng mga ganito. Feeling ko nga minsan dati siyang akyat-bahay e.
Yayayain ko na dapat silang umalis nang maramdaman kong parang may nakatingin sa akin. Mabilis akong lumingon sa kaliwa ko para makita kung meron ngang nakatingin sa akin ngunit wala naman akong nakita kundi dilim.
"Guys, tara na." medyo kabado kong aya sa mga ito. Kaso, Kyla and Chloe were too busy looking at the doorknob kaya lumapit na rin ako.
"Ano 'yan?" though the answer was obvious, I needed them to clarify my hunch.
Lumingon sa akin si Kyla, "It's blood."
Tinignan ko iyon. Oo nga. Dugo iyon na natuyo na sa doorknob. Mabilis kong kinuha ang pack ng tissue na nasa backpack ko at saka iniabot kay Kyla.
"You have to clean your hand." sabi ko rito. Kinuha niya naman ito at saka nagpunas ng kamay.
Chloe moved to the side para mas makita ko ang doorknob. Hindi ba sila nagtataka kung bakit may dugo rito? Kinuha ko ang cell phone ko at pinicturan ang doorknob. Lumikha ito ng ingay at liwanag dahil sa flash. Ang flashlight naman ni Chloe ay nakatutok sa hagdan ng haunted CR.
"Ahh!" nagulat kami nang biglang mabitawan ni Chloe ang flashlight na hawak. Mabilis itong pinulot ni Kyla dahil mas malapit ito sa kanya nang mahulog. Si Chloe ay napaupo sa sahig habang mabilis ang paghinga.
"Bakit, Chloe?" tarantang tanong ni Kyla pero hindi sumagot si Chloe.
"May nakita ka ba?" tanong ko rito ngunit hindi rin ito sumagot. Sa halip, ikinuyom niya ang kanang palad niya ng isang beses, pagkatapos ay lumikha ng O-shape mula rito, pagkatapos ay ikinuyom niya ulit ang palad niya. SOS. Pagkatapos nun ay itinapat niya ang hintuturo sa labi niya, "Ssshhh"
Mabilis akong kumapit kay Kyla. Natakot pa ako lalo nang patayin ni Chloe 'yung flashlight at tumayo. Nagtabi-tabi kami sa may bandang pintuan ng haunted CR habang nakaharap sa hagdan. Ako ang nasa gitna habang nasa kaliwa ko si Chloe at sa kanan naman ay si Kyla. I saw Kyla finding something in her bag. Maya-maya pa ay inilabas niya na ang tatlong pepper spray at isa-isang iniabot sa amin. Mahigpit kong hiwakan ang kamay nilang dalawa. I was nervous and scared at the same time. Hindi ko inakalang mararanasan ko ito ngayon.
My phone rang kaya nataranta ako. Binitawan ko ang kamay ni Kyla at agad kinuha ang phone sa bulsa ng palda ko.
Joseph calling...
Napatingin sina Chloe sa cell phone ko. Mabilis niya itong kinuha sa akin at pinindot ang answer button. Hinayaan namin siyang kausapin si Joseph at ipaliwanag ang sitwasyon namin. Sana ay mapuntahan nila kami agad.
"Malapit na raw sila." Chloe said before handing me my phone.
6:22pm na. Wala pa sila sa gate. Baka abutin sila ng ten minutes bago marating ang kinaroroonan namin. Kung sa gate 4 naman sila dumaan ay mas mabilis.
Kinabahan ako lalo ng may magbato ng bato sa pwesto namin. Sunod-sunod. Tahimik lang kaming tatlo. Kahit si Kyla ay tinamaan din ng takot. Walang nagsasalita sa amin. Pati ang paghinga namin ay pigil na pigil sa takot na marinig kami ng killer. Maya-maya pa, tatlong pigura ang nakita naming papalit sa pwesto namin.
We didn't have to ready our pepper spray dahil pamilyar ang mga mukha nito kahit madilim. It was Kiefer, Joseph and Alfie. Binuksan ni Chloe ang flashlight na hawak at saka itinutok sa pwesto ng mga ito. They're five meters away from us. Dahan-dahan lang silang naglalakad palapit sa amin...but something is wrong. They're holding knives.
"I'm pretty sure those aren't our friends." sabi ni Kyla.
Kaya bago pa man sila makalapit, agad kaming bumaba ng haunted CR. Halos tatlong metro pa ang layo nila sa amin. Lumiko kami sa kanan at saka nagtatakbo. Palingon-lingon ako sa likod habang tumatakbo pero hindi naman nila kami hinahabol. Dahan-dahan pa rin ang lakad nila pero sigurado akong sinusundan nila kami.
Sampung metro ang layo namin sa kanila nang huminto muna kami para huminga. Nasa tapat kami ng main canteen. Kung hindi sila Kiefer iyon, sino ang mga iyon? Bakit kamukhang-kamukha nila? Tumakbo muli kami nang mapansin naming bumibilis ang lakad nila. My phone was ringing pati ang kanila. HIndi namin alam kung sasagutin muna ba namin iyon o magpapatuloy sa paglalakad. In the end, sinagot namin iyon kahit pa nahihirapan kami sa backpack at pepper spray naming dala.
"It's Alfie." sabi ni Chloe at saka iyon sinagot.
"Joseph here." sabi naman ni Kyla.
I looked at my phone.
Kiefer calling...
Sinagot ko iyon agad sa pagaakalang malilinawan ako sa nangyayari but I was wrong. Wala akong narinig kundi ang paghinga nito na tila pagod na pagod.
"Hello?" alanganin kong sagot. Hindi ito sumagot at saka pinatay ang tawag.
I looked at my company. Dismayado rin sila at confused. Siguro ay hindi rin sila sinagot ng caller. Ni hindi nga kami sigurado kung mga kaibigan namin iyon.
"Malapit na sila! Bilis!" sabay takbo ni Chloe.
Sumunod kami ni Kyla at binilisan ang pagtakbo. Tuloy-tuloy lang. Kumaliwa naman kami ngayon pagkatapos ay nagpatuloy sa pagtakbo. Nahirapan pa kami dahil hindi steady ang paghawak ng flashlight ni Chloe kaya hindi namin makita ang dinadaanan namin. Ang alam ko lang, nasa bandang clinic na kami.
Nagpahinga kami saglit sa tapat ng clinic. Lumingon ako sa likod ko para hanapin ang tatlong pigura na humahabol sa amin kanina. Nakahinga ako nang maluwag nang wala akong nakita. I thought we were safe...nang may biglang nagtakip ng bibig ko at nagdala sa aming tatlo sa loob ng clinic.
BINABASA MO ANG
Who's the Killer?
Mystery / ThrillerR-16 Plagiarism is a crime. Do not distribute without my consent.