Genre: teen fiction, romance, kagagahan. hahahaha.
--
Wala akong karapatan magalit at magselos kasi pare niya lang naman ako. Leche siya. Babae ako. I just can’t help but fall.
--x
Nag-iisa ako sa room ngayon at nagtatype ng one shot sa mobile ko. I was interrupted nung may tumawag sa’kin na pamilyar na boses. “PARE!” Napalingon ako sa direksyon kung san nanggaling yung boses. Isa lang naman ang tumatawag sa’kin ng pare sa buong campus eh. Syempre sino pa ba? Edi yung kaibigan kong magaling na nakangiti. One thing I despise the most about him is his smile. Nakakainis. Nakakainlove. Everything’s cool in having a guy bestfriend. Well… until you fell for one, I guess?
“O pare? Anong kailangan mo?” tanong ko pabalik sakanya. Napangiti siya at alam kong may nakatago sa likod niya. Ako naman, pilit na sinisilip kung ano man yung nakatago sa likod niya. Matangkad kasi ‘tong si Pare eh. Ang hirap niyang abutin. Parang ngayon, ang hirap niya paring abutin kahit malapit na siya. Parang pagmahal mo ang isang taong hindi alam ang nararamdaman mo. Yung kapag nainlove ka sa best friend mo pero di mo masabi-sabi. Nakakaleche.
Ngumiti naman ako nung napasuko na siya sa kakatalon ko. May nakatago palang flowers. Tulips. Favorite ko. Nakakaasar. Naiinlove nanaman ako.
“P-para sa’kin?” nauutal kong tanong kay Eric Knight. Eto nanaman tayo. Kahit ganito ako, kinikilig parin naman ako eh. Lalo na sakanya. Sakanya lang naman, eh.
Napakamot siya at sumagot, “Hindi. Sakanya.” Sabi niya at nginuso ang babaeng nasa harapan at sumasayaw pa. Leche bakit ba kailangan niyang sumayaw sa ganitong oras? ‘To namang kaibigan ko, tuwang tuwa. Nagseselos rin naman ako. “ Bigay mo kay Joy,” sabi niya at agad namang nawala ang ngiti ko. Pero alam kong wala akong karapatang sumimangot. Kaibigan ako eh. Umasa nanaman ako.
“A-ah! Tama. Kay Joy. Sabi ko nga eh. Bye na, pare. Lagay mo na lang diyan yung flowers. Bigay ko na lang mamaya,” sabi ko at pilit na ngumiti. He tapped my back and went away too. I sighed. I just wasted a chance that I need to take. What else is new, anyways? Ako ang namili na umasa. Ngayong alam kong pare na lang niya ako. Wala akong magagawa. Iba na kasi ang gusto niya.
I sighed once more as my gaze locked on the flowers. Asar. Gusto ko sanang punitin yung mga petals tapos ipalamon kay Joy pero wala eh. Hindi pwede. Para kasi to sa bestfriend ko.
Manhid na kung manhid… nagmahal lang ako.
--x
“PARE!” Yan nanaman tayo eh. Lumingon ako at nakita ko siyang kumakaway. I smiled and waved back. Tumakbo siya papunta sa’kin at ginulo ang buhok ko. Kumunot naman agad ang noo ko kaya siya natawa. His laugh is the best melody in the world. Nakakakilig na nakakainis. Nakakainis dahil nahuhulog ako ng mas malalim kapag ngumingiti siya. Leche.
“A-ano nanaman ba?” kunwaring naiirita kong tanong.
“Alam mo ba kung anong araw ngayon?” tanong niya sa’kin. Tinaasan ko siya ng kilay at nagtanong, “Ano nga ba?” Napasimangot naman siya. I cen feel the whole zoo on my stomach now. Ayan nanaman yang ngiti na yan eh.
“Ganito na lang. Simula ngayong araw, anong araw na magiging sa Friday?” sabi niya sa’kin at ngumiti na muli. Binelatan ko siya at sinabing, “Ano bang pakielam ko kung anong araw?” At least kasama kita.
“Pare! Napakasama ng ugali mo. Sabihin mo na lang kasi!” sabi niya sakin at hinawakan ang balikat ko. Yan nanaman tayo, pare eh. Kinikilig ako.
“Eh kung hindi ko alam? Pano ko sasabihin?” na mahal kita? Sobra? Pero di ko naman kayang masabi kasi ang alam ko, pare mo lang ako.
BINABASA MO ANG
This Could Be Our Story
Teen FictionOne shots: Hoy pare, Star, Her Name was Lee, Skinny Love, Just Another Love Letter, Jerkmeo & Juliet, Just Friends (( some are contest entries ; tragic + fluff + creepiness ))