"Ab initio"
From the beginning
--
SAQUIH has been searching for something. Hindi niya maiwasan na mapatingin sa labas ng kanilang bahay. Kanina pa kasi siya may hinahanap na hindi naman niya matandaan.
"Saquih! Ang gulo mo naman" her friend said.
She heavily sighed. Napaupo na lamang siya sa sofa na malapit sa kanya. Hindi niya na kakayanin pa ang paikot-ikot para lang mahanap ang bagay na hindi naman niya mahanap-hanap.
"I need that thing. Bigay iyon ng isang taong importante sakin" she said to her friend.
"Baka naman namisplace mo lang? Or naitapon mo na"
Nagulat si Saquih sa sinabi ng kaibigan niyang si Karin. Natawa na lang ito sa kanya and for the second time bumuntong-hininga ulit si Saquih. It was her most precious thing na nanggaling sa isang tao na hindi na niya maalala. So it can't be lost.
"Anyway Saquih, I was reading this book for the second time"
Napatingin si Saquih kay Karin na ipinapakita nito ang libro na nag ngangalang 'The Mystic'. Ang librong ito ay isa sa pinakasikat na libro sa buong mundo. It was published 5 years ago pero hanggang ngayon ay sikat pa rin ito. Sikat din ito dahil ang author ay never pang nagpakita even sa mga booksigning sa iba't-ibang bansa.
"Napaka mystery kasi e. Tapos walang masyadong romance" Karin said. Tuwang-tuwa ito habang nagkwekwento kay Saquih.
Saquih stayed listening but she can't forget the amulet that 'someone' gave to her. She can't stay silent or do nothing so she stands up again.
"Hahanapin mo na naman iyong amulet?" Karin handed the book to her.
Napatingin si Saquih sa libro na nasa kamay niya. "What? Anong gagawin ko?"
Saquih saw that Karin smiled to her. "I'm going to find it. Ako na lang, kanina ka pa kasi naghahanap e. Pahinga ka muna riyan"
Saquih wanted to speak but she was insisted just to sit down on the sofa. So she sitted and she looked at Karin who is looking for her amulet. Saquih smiled to the thought na kahit gaganyan-ganyan si Karin, she's still the best friend to her. Simula bata pa lang sila ni Karin ay magkasama na sila. Karin's grandfather took care of her kaya nang mawalay ito sa kanilang dalawa ay laki ng hirap ang dinanas nila. Saquih has no family, lumaki siya noong una sa lansangan at doon siya natagpuan ng lolo ni Karin. Kaya she found her home sa pamilya nito.
"Saquih! I found it" Saquih heard Karin shouting at the room. Kaya bigla-bigla na lamang siyang tumayo at pumunta sa kinaroroonan nito.
Napangiti si Saquih sa hawak ni Karin. Binigay nito ito sa kanya at ngumiti rin.
"Mainam talaga ako maghanap sa mga bagay-bagay"
Napatawa si Saquih sa sinabi ni Karin. It was true. Mas malakas ang instinct din nito sa kanya. Kahit sa panonood ng mga nobela's sa tv ay nahuhulaan na kaagad nito ang mangyayari.
"Karin oras na pala ng part time job ko"
Tumango si Karin at nag ayos na si Saquih para sa trabaho niya mamaya. Pareho sila ni Karin na nagtratrabaho, ngunit day off nito at siya ay hindi. Laging gabi ang kanyang trabaho. Sa isang restaurant siya nagtratrabaho bilang isang dishwasher. Mahirap ang trabahong ginagawa niya ngunit sa hirap na iyon hindi pa rin siya nagpapatalo para na rin kasi iyon sa kanilang kinabukasan.
Pagkatapos mag ayos ni Saquih sa kanyang sarili ay nagpaalam na siya kay Karin. Sinabihan ni Saquih si Karin na mag iingat ito dahil bukas pa siya uuwi. Binilinan niya ulit ito ng paulit-ulit. Hindi na siya masyadong nagtagal at umalis na kaagad siya baka kasi maabutan siya ng boss na wala doon sa kitchen.
She drove her bicycle fast as cheetah. Kahit hindi man totoo ay ginawa niya pa ring bilisan ang pagpapadyak sa kanyang bisikleta. Nang makarating siya sa pinagtratrabahuan dumiretso siya sa may likod nito at sinumulan na niyang magtrabaho.
"Tapos na shift mo, pwede ka ng umuwi"
Tumingin si Saquih sa kanyang boss na nag aayos ng mga gamit sa table nito. Her boss is not that kind pero alam ni Saquih na may tinatago rin itong bait. Hindi naman gaano kalupit ang kanyang boss sadyang strikto lang ito sa mga bagay.
Lumabas si Saquih sa opisina nito at pumunta na siya sa mga locker na katabi lang nito. Pagkaayos niya sa kanyang sarili nakita niyang umaga na pala at mas lalong dumami ang mga costumer. Nagtext siya kay Karin na pauwi na siya ngunit wala siyang natanggap na reply dito. Hinayaan na lang muna niya baka may ginagawa lang ito kaya hindi siya nareplyan kaagad. Hinanda na niya ang kanyang bisikleta at umuwi na rin siya.
Pagkakita ni Saquih sa bahay ay nagtaka kaagad siya nang makita niyang nakabukas ang kanilang gate at ang kanilang front door sa bahay. Dali-dali siyang pumasok at hinanap si Karin ngunit laking gulat niya nang makita niya ito. Bumalot ang kaba sa kanyang katawan nang makita niya si Karin na nakahandusay na lamang sa sahig at parang hindi na humihinga. Bigla niya itong nilapitan at hinawakan ang kamay.
"Karin! Gumising ka. Anong nangyari? Karin"
Ngunit hindi pa rin nagmulat ang mga mata ni Karin. Hindi malaman ni Saquih ang gagawin sa kaibigan, hindi siya mapakali. Hindi niya alam kung saan kukuha ng lakas but all she can do is pray. Pray for a miracle.
"No one can save her even you"
Saquih looked everywhere. May narinig kasi siyang nagsalita sa malapit sa kanila.
"Lumabas ka kung sino ka! Ikaw ang may gawa nito sa kaibigan ko diba?!"
A black shadow appeared in her front. Nag hugis tao ito at nakita ni Saquih ang lalaking nakaitim. She can't say anything. Walang lumabas sa bibig ni Saquih.
"I din'd do it to your friend but I knew who did that"
Saquih looked at his dark eyes. It can devour your whole self.
"S-sino? At bakit ka naririto?"
The man came closer to her bit by bit. Lumuhod ito sa kanya para makapantay siya. Hindi ito ngumiti like sa mga napapanood at nababasa niya sa mga ganitong scenes. It felt like nasa isa siyang taping but she knew it's not because her friend is dying.
"Sumama ka sakin, don't ask me now or your friend will die"
Saquih nodded. Tumayo ang lalaki at narinig niyang may sinasabi ito. Saquih looked at the man in her front at may lumabas na iba't-ibang kulay sa paligid nila. It was beautiful, indeed. She hold the hands of her friend and looked at the man again as it was casting a spell.
Life of beginning from the chain of order, create a road.
"Where are we going?" Saquih asked.
"Ad astra"
Bago lamunin ng nakakasilaw na sikat mula sa harapan nila, she was shocked when Saquih saw the man looked at him na para bang may something ang tingin nito.
--
A/N: short lang po ako magsulat every chap. Kung nasa mood minsan, swertehan lang, and yung pag e-english ko minsan hindi tama. Kaya I'm sorry xD but anw thank you for reading this chapter. Hope you will love it as I love it, too. And last, next chapter wouldn't be my pov.
Ad astra- To the stars
Saquih is pronounced by SAH-Kee