Chapter 2

19 1 0
                                    


"THE FAITHFUL COINCIDENCE"


JOSEPH's POV:

"Hali na kayu bilis, Papalapit na sila takbo!" natataranta kung wika habang mabilis na tumatakbo,

Ni kunting lingon ay hindi ko ginawa , Dahil natatakot lang akong maabutan nila kami, ako yung pinakauna na kalaunan ay napansin kung andun na pala ako sa may pinakadulo, Pinilit kung tumakbo ng napakabilis peru huli na, Hindi na ako nakaabot sa mga kasamahan ko, naabutan na nila ako sabay punit nito sa balat ko gamit ang kanilang matatalim na ngipin upang ma kuha ang mga lamang loob ko, Sigaw ako ng sigaw ngunit hindi ako nilingon ni isa sa mga kasamahan ko na nakaukit sa kanilang mukha ang takot at pagsisisi.


.....................


Bad trip panaginip lang pala, kung ano tuloy ang napapaginipan ko dahil sa mga nilalaro ko, Gamer kasi ako, Pro level at lapitin ng mga chix at kung minsan mga peking chix, Gwapo kasi ako at yun lang ang tanging description na babagay sa tulad ko,

Kinuha kona ang polka ko na nakatakip sa aking mata, Nakita ko silang mahimbing na natutulog at parang mga anghel kung matulog at biglang may nagsalita sa speaker ng eroplano.

"GOOD DAY PASSENGERS, LADIES AND GENTLEMAN, THIS IS YOUR CAPTAIN SPEAKING PLEASE PREPARE YOURSELF FOR OUR LANDING AFTER A COUPLE OF MINUTES, THANK YOU AND HAVE A GOOD DAY."

Napatingin ako sa wrist watch ko at nakita kung 9:00 AM na pala, Napahaba siguro ako ng idlip, Dinig na dinig ko pa nga ang music sa headset si Kyle na andito lang sa tabi ko naalala ko tuloy ang pagmamakaawa niyang pa utangin sya ng pera sapagkat kakapusin daw talaga sya,hahayz pambihirang unggoy kung pinsan palibhasa kasi baby ng mga magulang niya haha, since siya lang ang nag iisang anak nito, At ayun sa wakas gumising na rin mula sa pag kakaidlip nito.

"Anong oras na?" maikling tugon nito na halatang inaantok pa, Sabay kuha ng headset nya.

"9:08" maikling sagot ko sabay pasok ng kamay ko sa bulsa ko.

"Ahh Good morning!"  Bati ng pinsan kung si Cherry na kakagising lang.

"Ahhhhhh ang sarap ng tulog ko, parang ako!" Nasasarapang sinabi ni Rey na ikinatawa namin ni Cherry.

"Pwee, Masarap ka ba?" Tugon ni Barbie na halatang narinig ang kanyang pinsan na naging dahilan ng pag ka gising nito.

"Cheeee!" ganti nito sa kanyang pinsan.

"Bro, kanina kapa ba gising? Nagtatakang tanong ni Kyle sa akin.

"Ah hindi naman gaano ka tagal parang sabay lang tayo." sagot ko.

"Ahh ganun ba." maikling diin nito sa sagot ko.

"By the way bat ang tahimik tahimik ng pinsan kong pinakagwapo?" Pagtatakang tanong ni Cherry sa akin.

"Ahh wala to-." sabay naming nabigkas ni Kyle ang katagang iyun na ikinahinto nila, Sabay titig ko kay Kyle na parang na hamon ako kung sino talaga ang mas gwapo sa amin.

"Mga feelingero!" pang aasar ni Cherry dito sa amin na ikina kunot ng noo ko.

<<< AFTER AN HOUR AGO >>>

Nakababa na kami ngayun sa may Airport,Nakuha narin namin ang nga bagahe at back pack namin, Hahanap nalang kami ng bus papuntang Cagayan at doon maghahanap ng bangka para makapunta na kami sa pinaka masayang bakasyonan sa buong mundo at para narin makapag pahinga sa pamamagitan ng isang island hoping at party kasama ang mga iba't-ibang chix doon na naka two piece lang, sa MALL ISLAND!

Virus 101 QuarantineWhere stories live. Discover now