Sila { One-Shot }

196 6 4
                                    

"Where do I run? Where do I go? if the safest place that I've been to is with you." - Broken // Keiko Necesario

Una, hindi sila magkakilala.

Una, hindi siya gusto ng best friend , ang pangit daw ng taste ko. Hindi raw niya alam saan ko napulot si Terrence. Natawa pa ako, sinabi ko pa, kahit pangit man siya sa paningin ng best friend ko sa akin hindi.

Maitim kasi talaga siya noon, mahilig kasing tumakbo sa araw, bilad mag damag kakatakbo. Track and Field player kasi, at pag bakasyon umuuwi ng probinsya.

Pinilit ko ang best friend ko noon, sabi ko kilalanin niya. Hindi ba mas maganda pag sang-ayon ang best friend mo sa taong mahal mo?

Noong una, hindi pa nga pumayag yung best friend ko, sabi pa niya, ano naman daw ang paguusapan nila. Hindi nga raw niya matanguan o mangitian man lang sa eskwelahan, eh yung kausapin pa raw niya kaya, kahit sa text lang.

Pinilit ko siya noon, hanggang sa ayun na nga, kinausap na niya. Natuwa siyang kausap ito, sabi kasi niya marami raw silang bagay na napagkakasunduan. Natuwa naman ako.

Hanggang sa, araw-araw kasama na ng mga barakada ni Terrence ang barkada ko, kami nga raw ang pinaka maraming tao sa isang grupo o barkada. Halos labinlima kasi kami, idagdag mo pa yung mga asungot na sumu-sulpot-sulpot lang pag gusto.

Madalas kaming kumakain sa labas pag dating ng uwian, mag kwe-kwentuhan sa mga nangyari sa kanya-kanyang araw, magtatawanan sa mga kapalpakang ginawa ng bawat isa.

Madalas din, mas magkausap sila keysa sa amin ng best friend ko, mas magkasundo nga kasi sila, kami kasi ng best friend ko medyo magkasalungat ang mga gusto, pati na rin kami ni Terrence.

Mag kasundo raw sila sa mga bagay na kinakain nila, sa mga lugar na gusto nilang puntahan, sa pananamit, sa pagu-ugali ng gusto nilang kaibigan o kaya magiging asawa balang araw, at kung anu-ano pang mga bagay na 'di kami magkasundo ni Terrence.

Dumating din yung punto na sabay silang umuuwi, kasi madadaanan ng best friend ko ang bahay nila Terrence habang naglalakad sila pauwi, kaya ayun sabay sila. Ako kasi may service. Oo, aaminin ko nakakaingit din pero best friend ko 'yun eh. 'Yun nalang ang sinasabi ko sa sarili ko.

Halos mag katext din ang dalawa gabi-gabi. Pinaguusapan ang kung anu-anong bagay. Pag tinitingnan ko naman ang cellphone ng best friend ko, parang ang saya ng buong paguusap nila, samantalang sa amin ni Terrence parang ang lamya.

Sila ang magkasundo, partners in crime nga sila kung tutosin. 'yung tipong pakiramdam mo mas may oras pa si Terrence para sa best friend ko keysa sa akin. 'yung tipong habang pagkatapos ng klase eh tatawid na kayo para kumain sa isang kainan na malapit sa eskwelahan niyo, pag lingon mo sila ang magkasabay tapos pag lingon mo ng isa pa, bigla nalang silang nawala ng parang bula.

Tandang-tanda ko pa noon, may ginawa lang ako sandali, pag balik ko hayun wala na raw sila, umalis daw para kumain ng hapunan. Napangiti nalang ako, isang mapait na ngiti kahit alam kong walang nakapansin na apektado ako sa pag-alis nila. Hanggang sa pauwi na ako tska lang sila dumating.

Kasunod pa noon ang walang sawang kulitan nila, sulatan ng ballpen sa mukha, gagantihan, susulatan sa braso, gagantihan. Hanggang sa nagtatawanan sila na parang kanila nalang ang mundo, kahit andun naman kami ng mga kabarkada ko, at ang masaklap? Pag ako ang kumukulit, yung hitsura niya mukhang iritable, pero pag ang best friend ko na natutuwa pa siya.

May binanggit pa ang best friend ko noon, tungkol yata sa klase ng taong hindi mahilig sa mga rides, 'yung tipong handa nilang subukan pero yung taong kasama nila hindi kayang subukan. Sumangayon bigla si Terrence sa sinabi ng best friend ko tska sila nag apir, masama man ang loob ko pero pabiro ko nalang sinabi na kung gusto nila aalis nalang ako, dahil hindi naman ata ako kailangan doon. Natawa naman sila, kahit masakit na sa kalooban ko.

May isang araw noon, tinanong ko siya kung may posibilidad bang magustuhan niya ang best friend ko? Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko, medyo paranoyd na kasi ako noon, feeling ko kasi unti-unti nang lumalayo ang loob niya saakin, kahit sigurado naman akong hindi taksil ang best friend ko, pero tumindig ang balahibo ko sa mga sagot niya. Oo, malaki ang posibilidad na mag kagusto siya.

Gumuho ang mundo ko noong mga oras na 'yun, mas lalo akong naguluhan sa mga dapat kong gawin.

Na hanggang ngayon pag nakikita ko ang mga masasayang bagay na ginagawa nila, napapangiti nalang ako ng mapait, tila'y natutuwa dahil in good terms at close na sila, pero hindi nila alam na pag-uwi ko'y nagmumukmok nalang ako sa isang tabi't umiiyak.

Hindi ko maprangka ang best friend ko, natatakot kasi akong baka magalit siya sa akin, dahil na nga sa alam ko namang hindi niya papatulan si Terrence sa ngayon. Hindi naman kasi ito mahilig mag salita ng tapos, pero alam kong kagaya ni Terrence, malaki ang posibilidad na balang araw sila ang magkatuluyan, sila ang maging maligaya.

Sila { One-Shot }Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon