Pangungulila at Pangamba

4 0 0
                                    

"HINDI NAMAN AKO....."
By : Sianne

Saya? Kilig? Effort? Nasaan na yon?
HINDI NAMAN AKO NABULAG pero bakit HINDI KO NA MAKITA?
HINDI NAMAN AKO NABINGI pero bakit WALA NA KONG MARINIG na matatamis na mga salita?
HINDI NAMAN AKO MANHID pero bakit HINDI KO NA MARAMDAMAN?

Ano ang nangyari sa paglipas ng panahon na tila ba'y pagmamahal unti-unting kumukupas? Na yung dating saya  napalitan ng lungkot, yung kilig nasapawan na ng sakit at yung effort ay tila parang bula na inihip ng hangin at biglang naglaho.

HINDI NAMAN AKO NAGKULANG pero bakit mukhang HINDI PA RIN SAPAT?
HINDI NAMAN AKO NAGKASALA pero bakit ngayon PARA AKONG PINAPARUSAHAN?

Pinipilit kong itatak sa isip ko na HINDI NAMAN AKO NAGKAMALI pero dahil sa mga nangyayari satin mahal naguguluhan ako. Sumasakit ang ulo ko sa kaiisip na sa hinaba ng ating pagsasama ay hahantong tayo sa ganito. Natatakot ako mahal na dumating sa puntong tanungin ka nila kung sino ang mahal mo at isasagot mo ay HINDI NAMAN AKO.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 16, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HINDI NAMAN AKOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon