f o u r

1.3K 129 127
                                    


"lai guanlin!!" aawayin ko pa sana si gilagid nang may nag landing na kamay sa table. pawis na pawis si seonho at halos lumuwa na mata niya.

"you're back?!" napatingin sakanya ang mga tao sa canteen perk walang pakielam 'tong pinsan ko.

"bumalik kana nga!!" niyakap niya si guanlin ng mahigpit, kitang-kita ko sa mukha ni guanlin na nasasakal na siya pero hinaplos niya lang ang likod ni seonho na unti-unting lumakas.

"aray, masakit ha" sabi ni seonho na pinakawalan na guanlin ko mula sa yakap niya. napansin ko rin ang presensya ni jihoon na nakatayo lamang at nakangiti. hindi man lang siya nasurpresa na nandito na si guanlin.

o baka naman alam niya na? may lihim silang komunikasyon! baka mamaya sila pa magkatuluyan eh!

"welcome back," nagpalitan ng ngiti si jihoon at guanlin. si seonho naman, pinunasan ang pawis.

"bakit di mo man lang sinabi sakin? akala ko pa naman friends forever tayo guanlin, you hurt mah feelings!" nako po! sabi nang wag sasama Kay daehwi eh! nahahawa na siya!

"quit the drama seonho. I'm already here, no need to hide the truth from jia. you already knew about my 'come back'" napatingin ako kay seonho at napataas ang kilay

"ah, ganun ba? sayang naman yung tubig sa timba na ginawa kong pawis," sabi ni seonho at napatawa naman si jihoon

"nag practice pa siya ng lagay na yan, haha" sabi ni jihoon at napatawa rin si guanlin

"ah ganon? so alam niyong lahat? anong klase kayong kaibigan?" sabi ko sakanila at binagsak ang tinidor na hawak ko

"don't get angry, I asked them to. it was supposed to be a surprise, anyway." sabi ni guanlin at nagkamot ng batok

bakit pag siya na yung nagsasalita, ang bilis lumambot ng puso ko? potek na yan.

"pano ba yan? edi kumpleto na tayo, ako, si jia panget, si guanlin ay si jihoon!" sabi ni seonho

"oh tapos?" tanong ko

"dapat may pangalan squad natin!" suhestyon niya

"ano? wink squad?" suhestuon ni jihoon

"that's just you, jihoon" sabi ni guanlin. nakaisip na sana ako ng magandang pangalan kaso sumingit naman bigla yung sisiw

"alam ko na! chika squad!"

"ang bakla ng pangalan!" sabi ni jihoon at wala namang kaalam-alam si guanlin

"seonho diba sabi ko sa'yo wag kana sasama kay daehwi?"

"may meaning kasi yung chika! short for chicken yun!"

"chicken?" confused na tanong ni guanlin

"oo! si jia yung chicken kasi putak siya ng putak, ako yung gwapong sisiw, si guanlin yung itlog"

"and me?" tanong ni jihoon

"itlog 2. si guanlin itlog 1, ikaw itlog 2. ang galing ko talaga!"

"seryoso ba yan?" tanong ni jihoon

"I have no idea what you're saying," sambit naman ni guanlin

"itulog mo nalang yan, seonho" suhestyon ko

"ah basta! tayo ang chika squad! walang titibag!"

let me | lai guanlinWhere stories live. Discover now