End This War (Fan Fiction)

637 9 2
                                    

This one is edited and it is quite long? I guess. Hindi na kasi ako gumamit ng word count. hehehe

- - - - - - - - - - -

"Love is like photography. You can compare it from different camera techniques. In my case, I can    relate to it more of the long shot and close up technique "

Long Shot (noun)

a camera shot taken at a relatively great distance from the subject and permitting a broad view of a scene.

Ito ay kapag hanggang tingin ka pa lang sakanya sa malayo, hanggang pagoobserba pa lang sa mga kinikilos niya. Yung kapag ang alam mo pa lang sa kanya ay ang mga nalalaman ng karamihan ng nasa paligid at ito rin ay kapag takot ka pang lapitan siya at kilalanin ng husto.

- - -

Malamig na ang panahon noon. Christmas season na rin kasi. Nakatanaw lang ako sa malayo habang hawak-hawak ang SLR na nakasabit sa leeg. Kumukuha ako ng mga litrato ng iba't-ibang bagay. Kailangan ko kasing magsumite ng 50 litrato na pwedeng maidescribe o kung saan ang una mong maiisip pag nakita ay ang pasko.

Lumingun-lingon ako. Kumukuha ng larawan ng iba't-ibang bagay. Iba-ibang anggulo.

Sa isang parte ng kalsada, malapit sa isang Sweets store, napansin kong madaming dumadaan doon. Agad kong pinosisyon ang camera ko sa pinakamagandang anggulo.

Click!

Napabuntong hininga ako pagkatapos. Sana naman maganda na itong nakuha ko.

Madami-dami na rin kasi akong nakuhang mga litrato pero hanggang ngayon, wala ni isang litrato ang nakuntento ako.

Unti-unti kong inangat ang paningin ko sa hawak-hawak. Pagkatingin ko sa litrato, ang unang nakakuha ng atensyon ko ay ang isang bagay sa gitna ng mga nagsasalinsinang tao. Bagay? Hindi pala.

Isang tao. . .

Natulala muna ako ng ilang sandali sa litrato bago mabilis na nagpalinga-linga para hanapin ang babaeng nahagip sa camera ko. Pero kahit anong hanap ko, 'di ko na siya nakita. Wala na siya.

Sayang. . .

Nagpatuloy ang buhay ko na hindi na siya nakadaupang palad pang muli.

Kumukuha ng litrato, sinusumite para sa isang magasin. Gimik, bahay, school. Paulit-ulit.

"Clark, hindi ka pa ba tapos diyan sa kakakuha mo ng litrato? Gutom na ako. Hindi ka pa ba kakain?"

Tanong sa akin ni Erich, kalandian ko noon, nang isang araw na nasa garden ako ng school, kumukuha uli ng mga litrato.

"Mauna ka na dun Erich. Mamaya na 'ko."

Naramdaman ko ang pagkunot ng noo niya.

"Di ka ba nagsasawa Clark? Lagi mo na lang kasama yang SLR mo. Pakasalan mo na kaya?"

Bahagya ko siyang tinitigan pero agad ring inalis. Ipinagpatuloy ko ang pagkuha ng mga litrato at sinabi sa kanyang. . .

"Buti ikaw di pa nagsasawa sa kakalandi saming mga lalake sa school? Magmadre ka na lang kaya?"

Sarkastiko kong sagot sa kanya. Naramdaman ko ang padabog niyang pag-alis.

Lumipas ang umaga at mabilis na dumating ang hapon. Naglalakad ako papuntang susunod na klase nang may marinig akong mga babaeng nagkwekwentuhan. Hindi naman talaga ako dapat lilingon sa kanila pero hindi ko alam kung bakit naaakit ako sa boses ng isa sa kanila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 14, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

End This War (Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon