Derleen's POV
Yung plano ko! Ang galing! Hahahaha. XD
Ganito yun, makikipagkaibigan kami kay Patricia, sasabihin namin na lapitan ng lapitan si Simon tapos, papupuntahin ko yung mga pinsan ko sa school, and pag pumunta na yung mga pinsan ko tapos nakita nila na magkasama sina Simon at Patricia. Ayun! Boom! Patay! Hahaha. Break Up. -,-
Matawagan nga si Jane. Ayoooooo! XD
Calling Friend Jane........
Jane: Problem?
Ako: May plano ako para mapaghiwalay sina Simon at Charlotte!
Jane: Talaga? Ano? Ayieee! Dali sabihin mo!
Ako: Wait. Wag excited masyado. -,-
Ayun kwinento ko na kung anong plano ko. Haha. Masama na kung masama, ganun talaga ang nagagawa ng pagibig. <3
Jane: Sge! Sge! Good! Nice! Kailan tayo magsisimula?
Ako: Bukas! Haha.
Jane: Kailan mo papapuntahin yung mga pinsan mo?
Ako: Bukas!
Jane: Paano naman natin mapaghihiwalay si Ivan at Reyvi?
Ako: Ayun anhg problema! Psh. Ewan ko rin ee. -,-
Jane: Tange! May naisip ako. Diba crush ka naman ni Ivan, narinig natin sa library diba? Pagselosin natin. Hahahaha.
Ako: Sino naman ang gagamitin natin?
Jane: Si Kuya! Kuya ko! Diba may crush din yun sa'yo?
Ako: Hahaha. Agkap talaga iyang kapatid mo. So? Paano natin sasabihin sa kuya mo?
Wait. Diba Grade 6 kami? Yung kuya ni Jane, 1st year pa lang. 1 year lang ang tanda samin. Hihi. XD
Jane: Basta! Ako bahala. Bye! Kakausapin ko lang si kuya. Bye! Bye! Bye!
Call ended.....
Jane's POV
Evil plan. Hahaha. The power of love. XD
Pumasok na ako sa kwarto ni kuya. Sana pumayag siya.
*tok *tok *tok
"Sge. Pasok." -Kuya.
Binuksan ko na yung pinto.
"Hi Kuya." -Ako.
"Oh. Jane? May problema ba?"-Kuya.
"Wala naman po kuya. Kuya, favor?"-Ako.
"Sure baby girl, ano yun?" -Kuya.
"Kasi diba, crush mo si Derleen?" -Ako.
"Ngayon, konti na lang. Bakit?" -Kuya.
"Diba, if you love her, set her free?" -Ako.
"Hahaha. Nuxx naman. Bakit?" -Kuya.
"Yung crush kasi ni Derleen, may gf na. Ang masaklap pa, pinsan niya yung jowa nun. Nagseselos siya, nasasaktan ren. Diba masakit yun. Tulungan mo naman kami." -Ako.
"Nakupo. Sge na nga. Ano bang maitutulong ko?" -Kuya.
"Pagselosin niyo si Ivan." -Ako.
"Paano?" -Kuya.
"Kunwari, kayo na." -Ako.
"Papayag ba si Jane?" -Kuya,
"Oo naman!"-Ako.
"Sge. Kailan simula?" -Kuya.
"Bukas!" -Ako.
"Sgesge." -Kuya.
"Salamat kuya. I love you." -Ako.
"Huo na! I love you too. Duon ka na sa labas, may gagawin pa ako. Baboosh!" -Kuya.
"Sge!" -Ako.
Yoooohooooo! Naitext ko na si Derleen about dun sa mga gagawin bukas, sumang-ayon naman siya. Pag-ibig nga naman. Tsk. -,-
Derleen's POV
Naku! Ngayon nga pala ang start ng plano namin. Ang awkward siguro namin nung kuya ni Jane. Kunwari kami? Haha. Musya! XD
Naitext ako nung kuya ni Jane, si Kian, nasaan daw ako. Sabi ko naglalakad sa corridor. Ayun, pinuntahan niya ako kaya ngayon, sabay kaming maglakad with matching holding hands para daw mas makatotohanan. Psh! XD Sakto namang, dumaan si Ivan. Hala? Ang sama ng tingin niya kay Kian? Anyare. XD
Ivan's POV
Kabuong umaga, badtrp ako. Naglalakad ba naman ako sa corridor, tapos nakasalubong ko sina Kian at Derleen. Magkaholding hands! Pakshet. Bakit ganun? Nagseselos ako. Diba kami na ni Reyvi? Bakit ganito? Mas mahal ko ba si Derleen kaysa kay Reyvi? Anoba! Malas! Kami nga ni Reyvi pero si Derleen pa rin ang mahal ko. Ayokong makaramdam ng ganito. Ouchness sa heart. Wushu </3 Geh. Makikipag break ako kay reyvi at aaminin ko na kay Derleen habang hindi pa huli ang lahat. Ayoko ng ganito. -,-
"Uhmmmm.... Kian, pwede bang saglit lang, kakausapin ko muna si Derleen." -Ako.
"Sge. Derleen, una na ako. Ikaw na bahala jan Ivan ha." -Kian.
Pumunta kami ni Derleen sa garden.
"Derleen, may sasabihin ako sa'yo." -Ako.
Kinakabahan ako! Sht.
"Ano yun Ivan?" -Derleen.
"Kasi Derleen, gusto ko nang makipagbreak kay Reyvi ee." -Ako.
"Hala! Bakit naman?" -Derleen.
"Kasi, iba pala ang mahal ko." -Ako.
"Sino naman?" -Derleen.
"Ikaw!" -Ako.
Tekneneng! Ayun. Naamin ko na. Sht. -,-
"Ako? As in ako?" -Derleen.
"Oo! Mahal kita Derleen. Matagal na." -Ako.
"Mahal din naman kita ee." -Derleen.
"Talaga? Kinikilig ako! Haha. Pero, wait. Kayo ba ni Kian?" -Ako.
"Kian? Sus! Hindi aba!" -Derleen.
"Ee ano yung holding hands kanina?" -Ako.
"May plano kasi kami, papagselosin ka namin. Sa totoo nga, alam ko na may gusto ka sakin dati pa ee. Narinig namin ni Jane yung usapan niyo ni Simon dun sa library." -Derleen.
Ano! Hahaha. Katuwa ee. XD -,-
"Naku! Nakakahiya! Hahaha. Siguro, may plano din kayo kung paano mapagbebreak si Simon at Charlotte noh?" -Ako.
"Hahaha. Meron nga." -Derleen.
"Wag niyo nang ituloy. Ako na bahala dun. May gusto din yun kay Jane ee. Haha." -Ako.
"Hahaha! Salamat." -Derleen.
"No problem. Haha. Pano ba yan, MU tayo? Chos. Hindi muna kita liligawan, when you turn 18, tsaka pa lang. Para makapagfocus muna tayo sa pag-aaral. Basta ha, nakatakda na ako para sayo. Wag mo akong ipagpapalit ha." -Ako.
"Hahaha! Oo naman. Sus. Labyu" -Derleen.
"I love you too Derleen." -Ako.
Sabay na kaming pumasok sa room, mamaya ko na sasabihin kay Simon. Basta, kinikilig ako ngayon. Hahahaha.
__________________________
Malapit nang matapos itong story ko. Lols. Wag po kayong mag alala, gagawa po ulit ako ng bagong story pag tapos na ito. Hahaha.
Bukas na po YATA ulit ang update. Salamat :D

BINABASA MO ANG
My Crush, My Bestfriend and Me
Teen FictionPaano kung yung pinakamamahal mong Bestfriend ay may gusto rin sa pinakamamahal mong tao. Ano kayang mangyayari. Ano nga ba? Read this and find out. Enjoy =))