Chapter 9

13 1 0
                                    

Jerome's POV

Bakit naman kaya big deal ang pagtawag sa kanya ng Lana? Nacucurious ako. Pero di bale malalaman ko din kung bakit ang mahalaga pinayagan niya ako hahaha

Habang naglalakad kami papuntang room nakasalubong namin yung dalawa naming kaklase isang lalaki at isang babae. Nagulat ako nang biglang banggain nung babae naming kaklase si Lana. Makikita mo talaga na sinadya ni classmate yon.

"Ooppss sorry akala ko walang tao" sabi niya sabay smirk. Hinila naman siya nung kasama niyang lalaki dahil sa ginawa niya.

Si Lana naman walang pakialam  at nagtuloy tuloy lang siya sa paglalakad na parang walang nangyari.

"Lana ayos ka lang?" Tanong ko sa kanya.

"Oui"(yes) tipid niyang sagot sabay upo sa upuan niya.

Sino naman kaya yung babaeng yun? Bakit niya kaya binangga si Lana? At bakit mukhang nainis yung lalaki sa pagbangga si ate? First day ko palang bakit ganito na agad bungad sa akin myghad. Sa sobrang lalim ng iniisip ko hindi ko namalayan nandito na pala ang Prof namin.

"Okay class our lesson for today is blah blah blah blah blah" nakakatamad makinig sa klase.

Halos lahat ng tinuturo nila ngayon napag aralan ko na nung nag aaral pa ako sa France kaya ayos lang kung hindi na ako makikinig hahaha

Lana's POV

Kulang sa pansin talaga yung clown na yon tss. Pasalamat siya wala ako sa mood makipag away kanina kung hindi baka nabara na sa akin yon.

Kailan pa ba magiging masaya ang pag pasok sa clasroom? Tss tinatamad na ako ang bagal ng oras.

"Class before I dismiss you, I just want you to know na may group project kayo. Next week ko sasabihin kung sino ang kagroup niyo at next week ko rin sasabihin kung ano ang project na ipapagawa ko. That's all for today. Class dismiss" sabi ni Sir. Mendez.

Ano nanaman kayang project ang ipapagawa niya?

Buti nalang nagdismiss ni Sir makakauwi na din ako.

"Lana! Tara ngayon manlilibre  sa Jollibee si Bea!" Sigaw ni Ann. Gusto ko ng umuwi pero sayang libre kaya sasama na ako gutom na rin ako.

"K" tipid kong sabi

"Guys una na ako! Bye!" Sabi naman ni Europa. Tss paki ko ba kung aalis kana-_-

"Wait lang Lucas!" Sigaw ni Bea

"Bakit?" Tanong ni Europa habang naglalakad siya palapit sa amin.

"Sama kana sa amin! Para masaya!" Masiglang sabi ni Bea. Wth isasama pa nila yan? Bwiset naman oh ang daldal niyan eh tss

"Saan ba kayo pupunta?" Daming tanong neto fck

"Dami mong tanong kung ayaw mong sumama edi wag tss. Tara na nga" sabi ko sabay lakad papunta dun sa sasakyan kong Ferrari GTC4Lusso.

"Wag mi nalang pansinin yun. Ganon talaga siya hehe ano? Tara na? Treat ni Bea" Rinig kong sabi ni Aly.

"Okay!" Sagot niya "pero teka nagcommute lang ako kanina hindi ko nadala ang sasakyan ko makikisakay nalang ako sa inyo hahaha" tss maglakad ka nalang.

"Sure! Kay Lana ka nalang makisabay" sabi ni Ann. Fck why me?! Sila naman nag aya bakit sa akin pa siya sasabay tss.

"A-ah?" Nauutal niyang sabi.

"Tss pabebe sakay na gutom na ako" sabi ko. I will make sure na hindi kana makikisakay sa akin *smirk*

"O-okay" sabi niya at sumakay na siya sa sasakyan ko.

"Magkita kita nalang tayo sa pinaka malapit na Jollibee dito. D'accord?(Okay?) Sabi ko sa kanila.

"D'accord" sabi naman nila. Habang naka smirk mukhang alam na nila ang plano ko tss.

Pagkastart ko sa engine ng sasakyan ko agad ko itong pinaandar.

Una mabagal palang kaya kampate siya after naming makalabas ng school, binilisan ko ang pagpapatakbo ko.

"SHT LANA FCKIN SLOW DOWN BAKA MAAKSIDENTE TAYO!!" sigaw niya pero parang wala akong narinig sa mga sinabi niya mas lalo ko pang binilisan.

"FCKSHT!!! SLOW DOWN LANA SHT DAMN IT!!!!" sabi niya habang nanginginig sa takot at namumutla na din siya PFFT~

After 10mins ay nakarating na kami sa pinaka malapit na Jollibee.

Bababa na sana ako nang makita ko si Europa. Nakatulala. Maputla ang labi. Nanginginig.

"Pfft HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" sht nakakatawa itsura niya ngayon.

"BUHAY PA AKO!! BUHAY PA AKO!!!" sigaw niya habang ako naman ay tumatawa padin.

"ANONG TINATAWA TAWA MO DYAN HA?! MUNTIK MO NA AKONG PINATAY ANG BILIS MONG MAGPATAKBO FCK" sigaw niya sa akin.

"Oh anyare dyan?" Sabi ni Bea

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA" kapag naaalala ko yung mukha niya kanina natatawa ako lalo.

"WHAT THE HECK" sigaw ng tatlong babae.

"What?" Tanong ko sa kanila. At dun ko palang narealize na ngayon palang ako ulit tumawa ng ganito.

"Tss let's go. Gutom na ako" sabi ko sa kanila sabay balik ng poker face ko.

Ann's POV

Tf?! Ngayon lang ulit tumawa ng ganon si Lana! Napatulala kaming tatlo nung nakita namin siyang tumawa.

"Anong nangyare dun? Tumawa then bigla poker face ulit. Abnormal ba si Lana?" Tanong ni Jerome.

"Anong ginawa mo?!" Tanong ko

"WALA AKONG GINAWA. SIYA ITONG MUNTIK NA AKONG PINATAY SA BILIS NIYANG MAGPATAKBO" sabi niya

"Dapat pala parati kang nakikisabay kay Lana para parati siyang tumatawa ng ganon" sabi ni Bea

"AYAW KO NA HINDI NA AKO SASAK-- SAGLIT LANG BAKIT BA BIG DEAL ANG PAGTAWA NIYA? NGAYON NIYO PALANG SIYA NAKITANG TUMAWA?" pasigaw niyang sabi

"Hinaan mo boses mo pwede ba? Wala ako sa ika pitong bundok!" Sabi ni Bea

"Sorry naman. Bakit ba?" Tanong ulit niya.

"Next time na namin ikukwento tara na baka mabugbog tayo ng wala sa oras gutom pa naman yung tigre" sabi ni Aly at pumunta na kami sa loob ng Jollibee.

Pagkapasok namin nakita naming nakaupo si Lana sa favorite spot namin.

"Tagal" bored niyang sabi

"Sorry na in state of shock kami kanina" sabi ko

"Tss umorder na kayo gutom na ako" makautos to dejoke hahaha

"Anong gusto niyo?" Sabi ni Bea

"Alam mo na yung akin" sabi ni Aly

"1pc chicken coke yung drinks,fries regular at regular burger" sabi ko

"1pc chicken,coke,fries regular at sundae lang sa akin" sabi ni Lucas

"2pcs chicken with extra rice,coke, 2 extra large fries, 2 sundae at 2 yum burger lang" sabi ni Lana. Wtf? Ilan bang linggong hindi kumain to?

"LANG? Wth ilang buwan ka bang hindi kumain?" Tanong ni Bea

"Paki mo ba gutom ako eh. Alis na" bored na sabi niya

"Tulungan na kita bes. Alam mo naman mahal kita HAHAHAHA" sabi ni Aly

"Sama na din ako ayaw kong maging third wheel" sabi ko

"Third wheel mo mukha mo ulul" sabi ni Lana.

At umalis na kami para mag order baka masapak pa ako non kapag hindi pa ako umalis hahahaha

------

Addicted To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon