Challenge # 19

101K 4.1K 1.1K
                                    


More and more

Rocheta's

"He's too little..."

I don't know how many times I've said that while looking at my baby inside the incubator. Hindi ko rin alam kung ilang beses kobg pinahid ang luha ko dahil awang-awa ako sa anak ko habang nakatingin sa kanya. Paulit-ulit kong iniisip na napakaliit niya pa para maramdaman ang mga bagay na ito. Hindi siya dapat nasasaktan. Hindi dapat siya nandito. He should be inside of me, waiting for his moment pero heto na siya. Naninilaw pa nga ang balat niya. Nasabi ni Tita na may jaundice ang baby ko.

"He's too little..." Napahikbi pa ako. Nakaupo ako sa wheelchair habang nakatingin sa baby ko. Wala akong pamilyang kasama. Wala rin si Oliver dahil kailangan niyang magpahinga dahil sa mga gunshot na nakuha niya dahil kay Red. Isang lingo na rin ang nakalipas noon, pero hindi gumaling-galing ang sugat ni Oliver dahil palagi siyang nandito pagkatapos kung ano-ano pang naririnig niya mula kay Tatay.

"He's really little..." I am crying now. Nagulat ako nang maramdaman kong may humawak sa balikat ko. Paglingon ko ay naroon na si Ollie. Naka-hospital gown, mask at gloves pa. He sighed.

"Yes, he's very little but when he gets better he's gonna be so fat because I am going to feed him everything he wants. Tapos kapag sixteen na siya, sasabay ko na siyang mag-gym. He's gonna have the body of a warrior and the face of a god. I promise you that. Tapos lahat ng magiging anak natin, malusog. Hindi na mauulit ito, Rocheta Grace."

Pinisil niya ang mga balikat ko. Nakakagaan ng loob ang mga sinabi niya sa akin. Oliver is a goodman, despite of the things he did in his past, he's changed now and it's something that he should be proud of. Ramdam ko rin naman ang sincerity ng mga sinasabi niya. Siguro nga mahal niya ako, palagi rin naman niyang sinasabi pero hindi pa ako sumasagot – hindi dahil sa ayoko sa kanya at wala akong nararamdaman pero kasi hindi ko alam kung tama na baa ng panahon para sabihin din iyon. I haven't sorted my feeling yet but there's definitely something there.

"Thank you." I whispered to him.

"No, thank you. For giving me such and exquisite gift. Pero dapat na tayong bumalik sa kwarto mo kasi kailangan mong mapahinga, Love. Let's go." Hinatak niya ang wheelchair ko. Hindi ko gustong umalis. Ayokong iwanan si Baby Atlas kasi baka malungkot siya. Gusto kong maramdaman niya ang presensya ko. Saka isa pa, pakiramdam ko, nami-miss ko nang marami si Baby Atlas.


Pagdating namin sa silid ko ay inalalayan naman ako ni Oliver para makabalik sa kama. He's very attentive to me kaya hindi talaga malayong may maramdaman ako sa kanya.

"Kamusta na si Salve at iyong anak ninyo?" I asked him.

"Hindi naman akin iyong bata." Malumanay na wika niya. "You see, my cousin, Achilles loves playing Sherlock. He knows everything and he had Odelone tested. Anak si Odelone ng nanay ni Salve sa ibang lalaki but Salve's father adopted the kid. He has HCM."


"Pero sabi ni Red, anak mo daw iyon? So, he lied?"

"Red will do everything to get you back to his life. He loves you, Magkapareho lang kaming dalawa. Marumi rin siyang lumaro. Kahit naman kasi Azul ang apelyido niya, it will never change the fact that he has Consunji blood in his veins." He sighed. Hinawakan niya ang kamay ko. "Rocheta, tapatin mo ako, mahal mo pa ba si Red hanggang ngayon? Is that why you never told me you love me? Dahil ba kay Red? May mga pagkakataon na pakiramdam ko mahal mo na ako – the way you look at me, the way you treat me but then, maiisip ko si Red, na baka mahal mo pa siya... Mahal mo pa ba siya?"

Once moreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon