Chapter 23 (Fully-recovered)

57 3 0
                                    

Pag-gising ko nag online agad ako , ang dami palang nag like at bumati sakin .. nag like ng picture at nag comment.

Dali-dali na akong naghanda at pumasok sa school.

Pag dating ko sa school ..........

"Okey Na." -Rhem

"Grabe ka .. naka-pogi-points ka sa kanya." -Mark

"Pa-burger ka naman." -Trisha

"Wag na kayong maingay , nandyan na si Ma'am." -ako

Dali-dali namang nag si-upo yung mga ka-klase ko nung dumating si Ma'am Rina.

"Ok Class magkakaroon tayo ng pangkatang gawain para sa pag ha-handa sa Recognition Day sa Biyernes (Friday)" -Ma'am Rina "Okay ganto gagawin natin.. gagawa tayo ng groupings para mas madali.." 

"Group 1 - Left side ng court"

"Group 2 - Center"

"Group 3 - Right Side"

"Group 4 - Stage"

"And Group 5 - Center Floor, Nagambagan na ang PTA Officers para sa mga gagastusin para sa design. Okey na intindihan ninyo ba?" -Ma'am Rina

"Yes Ma'am" -buong klase

"Okey Good. Now let's talk about our topic yesterday." -Ma'am Rina

Anu daw ? magkakaroon ng Recognition eihh malamang wala ako dyan.

"Katamad kaya yun." -Trisha

"Ou nga." -pagsang-ayon ni Kim kay Trisha.

"Wag nga kayong maingay na kikinig ako." -Rhem 

"Pffft.." -ako

Hahaha nakikinig pala si Rhem aba good boy. Itutuloy ko ba yung plano ko bukas? Depende :))

Pagkatapos mag turo ni Ma'am Rina, pinapunta na kami sa bawat lugar na paglilinisan namin. Buti na lang group 1 ako , kasi maliit lang nmn yung left side ng court... Pagkalinis namin ay umakyat na rin kami sa classroom , grabe ka pagod tapos nun isang lecture na lang at uwian na....... Kahit gabi na nagtext ako kay Hana na pupunta ako sa bahay nila.

1 new message...

Hana: Wait tanong ko muna kay Mama kung pwede, Bakit ka ba pupunta dito?

Reply

Clarence: Kasi nakalimutan mo yung panyo at payong mo sa bahay .. nung birthday ko.

1 new message...

Hana: Ok na pumayag na si Mama , ayy oo nga pala .... anung oras ka pupunta?

Reply

Clarence: Paguwi ko dadaan ako dyan sa inyo.

1 new message...

Hana: Ok .. thanks :))

1 new message...

Clarence: No problem basta ikaw :))

At yun bago ako umuwi ay dumaan muna ako kela Hana. Pinauna ko na sila Rhem kasi baka gabihin sila sa pag uwi. Nung nasa tapat na ako ng bahay nila Hana , bigla namang bumuhos ng malakas ang ulan. Malas !!

"Ui basang-basa kana pumasok ka muna sa loob." -Hana

"Hindi na saglit lang naman ako eihh." -ako

"Ihjo , pumasok ka muna baka magka-sakit ka pa." -Mama ni Hana. at yun pumasok na nga ako sa bahay nila Hana , grabe nakakahiya para akong basang sisiw eihh... Buti na lang binigyan nila ako ng tuwalya... tapos tinanong nako ng mama ni Hana ng kung ano-ano. Na hotseat ako pre.. Bigla akong nagkalakas ng loob na sabihin sa mama ni Hana na.......

"Ate .. opo friend niya ako po ako pe....pero mahigit pa po doon eihh ma.....mahal ko po ang anak nyo , pwede po ba akong manligaw?" -ako ... grabe nasabi ko talaga yun sa mama nya? hindi ba to panaginip ? Imagination lang ba toh?

Parang napanganga yung mama niya , tapos si Hana biglang tumingin sakin at napangiti.. ewan pati yung mama niya tinignan sya nung sinabi ko yun.

"By the way, ako nga pala si Elsa Costanza mama ni Hana , talaga bang totooka sa nararamdaman mo ihjo?" -Ate Elsa

"Opo..." 

"Si Han ang magdedesisyon kung papasa ka sakanya .. sige papayagan na kita , pero ayoko nang nag bibigay ka ng kung ano-ano kasi parehas lang kayong estudyante. Ok ba yon?" -Ate Elsa

"Opo" 

At yon habang naguusap kami ng Mama ni Hana ay unti-unti namang tumila na ang ulan. Pagtingin ko naman sa relo ko ay 9:00 PM na !! patay ako neto.

"Ayy ate Elsa uwi na po ako , baka pagalitan po ako ni Mama." 

"Ayy sige ihjo .. mag iingat ka sa daan ha." -Ate Elsa

"Hatid na kita." -Hana

"Hindi wag na , sige alis na po ako." 

"Ingat" -Hana na may kasamang ngiti sa labi.

Mabuti at nakauwi ako ng ligtas. Pagkatapos ng mga nangyare... nagpalit agad ako ng damit at natulog na , kasi nakakapagod na eihh at least nakapagpaalam na ako sa mama ni Hana.. Ok yon... Nyeiii :))

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Mr. BustedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon