Diwata
(Baryo Luna)written by; Ding
------------"Nyahahahahahaha! Ikaw ang baliw! Baliw ka. Baliw! Baliw. Ako baliw? Hindi ako baliw. Hahahahaha . Nasaan na si Vaj? Inagaw mo saakin si Vaj. Pinatay mo siya. Pinatay mo siya." sigaw ng babae sa bawat nakakasalubong niya sa daan. Siya si Gracia de Lokaloka. Ang sabi ng karamihan ay loko de amor ang kanyang pagkabaliw, ng dahil sa pag ibig. Ang sabi naman ng iba ay dahil daw sa Diwata.
-------------"Grace, mauna na kami. Bahala ka na dito sa tindahan. Pupunta pa kami ng bayan." sigaw sa kanya ng kanyang ina habang palabas ng pintuan. Hindi na siya sumagot dahil paulit ulit ng ipinagbilin ng kanyang ina ang pagpunta sa bayan. Tumakbo si Grace papuntang bintana ng kanilang maliit na bahay para magpaalam sa lakad niya mamaya.
"Nay! May lakad po kami ni Vaj mamaya. Maaga ko na lang isasara ang tindahan." kumaway lang ang kanyang ina habang naglalakad palayo.
Maagang nag ayus si Grace para sa lakad nila ni Vaj mamaya. Pupunta sila sa sayawan sa kabilang baryo. Ang baryo Burgos. Naglalagay na siya ng pabango sa katawan ng marinig niya ang katok sa pintuan. Naglagay pa ng kaunting kulay sa labi at lumabas na siya ng may munting ngiti sa labi.
"You're so beautiful. Shall we go?" at iginiya na siya ni Vaj palabas sa kanilang munting tahanan. Walang kamalay malay na ang kanyang paghakbang palabas ay magiging sanhi ng kapahamakan.
Dumating sila sa sayawan na my iilang magkapareha na ang nagsasayaw. Iginiya siya ni Vaj sa gitna upang sumayaw. Habang sumasabay sa malamyos na saliw ng tugtugin ay pinagmamasdan ni Grace ang kanyang kasintahan. Si Vaj ay bagong salta sa kanilang lugar, bakasyonita na galing maynila at nagawi sa kanilang tindahan. Nagkataong siya ang tao sa tindahan, ilang ulit pang bumalik si Vaj na pagkalao'y siya ay niligawan. Gwapo at maputi si Vaj, mahilig din itong magsalita ng Ingles. Maraming naiingit ng maging sila ni Vaj.
"Don't look at me like that, it makes me feel to kiss you intensely."
Bigla akong napayuko sa kanyang tinuran. Kahit na kami'y mag dadalawang buwan ng magkasintahan ay hindi pa ako nagpapahalik sa kanya. Alam ko, marami sa mga kababaihan sa aming baryo ay hindi lang halik ang ginagawa ng kanilang nobyo. Gustohin ko man ay nahihiya ako sa kawalan ko ng eksperyensa sa ganoong bagay, marahil si Vaj ay marami ng nahalikang mga dalaga sa maynila, baka mapahiya lang ako.
"Look at me Grace. You don't have to be shy. You are beautiful, really."
Napilitan akong tingnan siya sa mukha ng hawakan niya ang aking baba at marahan itong iangat.
"Please let me kiss you Grace. I know it's your first time to be kissed. Let me be the one to teach you how. Look at me."
Nahihiya man ay tiningnan ko sya sa kanyang mga mata. Sa bahagi ng kanyang gwapong mukha, ang gustong gusto ko ay ang kanyang mga mata. Dahan dahan niyang ibinaba ang kanyang labi. Ipinikit ko ang aking mga mata at hinitay ang paglapat ng aming mga labi.
Ilang sigundo lang ay naramdaman ko ang kanyang malambot na labi. Sa una'y nakalapat lang ito, unti unting gumagalaw at sinasakop ang ibabaw ng aking labi. Nanginginig man ay pilit kong binuksan ang aking mga labi hanggang sa natuto akong sumunod sa bawat galaw niya. Nagtagal ito ng ilang sigundo hanggang sa naramdaman kong marahan siyang lulamayo.
"Let's get out of here."
Wala sa loob na ako'y tumango. Iginiya niya ako palabas sa bakud na nagsilbing maliit na sayawan. Lutang ang isip na sumusunod sa bawat hakbang niya. Nakarating kami sa may kasukalan at madilim na bahagi ng baryo. Wala sa loob na napatigil ako sa paghakbang, natatakot ako sa maaaring kahinatnan ng pangyayari pero may bahagi ng aking pagkatao na gustong malaman ang maaaring mangyari. Unti unti ko ring nararamdam ang pag iinit na nagsimula sa aking mukha at dahan dahang kumakalat sa aking buong katawan na tumutupok sa aking pagkatao.