Not Today 19
---
"TANGINA SHIRI! BILISAN MO NA!"
"HAYOP NA TO! MAGHINTAY KA HYPAE!"
"MALE-LATE NA TAYO! ALAS TRES BUBUKSAN YUNG GATES PARA MAKAPASOK TAYO! ANONG ORAS NA?!" sigaw ni Hypae sakin.
"Punyeta ka uy, alas otso palang ng umaga. Hindi ka naman halatang exited ka no?" sabi ko, sarcastically.
"Okay na yun, mas maaga mas masaya!" sinamaan ko lang sya ng tingin.
"Oy kayong dalawa jan! Kanina pa kami naghihintay dito. Ano na?" sabi ni Choco pagkapasok na pagkapasok sa room namin kasunod nya ang nakasimangot na si Tween.
"Tween? Problema mo?" tanong ko sa kanya.
"Wala. Mga punyeta kasi kayo, puro kayo may lablayp. Eh ako? Si J-hope oppa nalang ang pag-asa ko." madrama nyang sabi.
"Anong lablayp? Sus! Loyal ako kay Namjoon oppa ko!" sabi ni Choco.
"Hala! Kay Jin Oppa lang ako! Ayan si Shiri meron, asawa na nga nya eh." sabi ni Hypae.
[ A/N: I know, i know. #hyung line Hehehe ]
"Shut up. Alam mo namang wala lang yun diba? Hindi ko nga sya kilala eh."
"Sus! Shut up! Alam na namin wag mo ng i-deny!" sabi ni Choco.
"Sabin--"
"Ay inda! Mauuna na ako sa inyo!" sabat ni Tween at naunang lumabas. Sumunod narin yung dalawa habang tumatawa.
Langya.
+++
Ilang oras kaming naghintay at sa wakas nakapasok rin kami. Habang naghihintay na magsimula, makikita mo kung gaano ka-exited ang mga tao dito. Sigaw here. Sigaw there. Sigaw everywhere. Pero di mo sila masisisi, walang pakialaman eh. May makikita karing halos maiyak na, alam na kung bakit.
Sa haba ng hinintay namin, halos magkatulog na ako, sabihin nyo nga, ganito ba talaga katagal maghintay? Kung kinaya nilang maghintay ng mas matagal pa dito, aba wag mo 'ko asahang magpapakapagod na maghintay kasama ka, malamang sa malamang gugulin ko pa ang oras ko sa bagay na gusto ko. Pero dahil nga pinilit ako ng mga lokong to, ano pa bang magagawa ko?
Maraming oras na ang lumipas ng bigla nalang namatay yung mga ilaw. Punyeta, hindi naman siguro to parang lights out no?
Nagsilabasan na yung mga members at nag-perform kasama nun ang nakakabinging sigawan ng mga people.
"ARMYs!" sigaw ng isa sa kanila pagkatapos nilang magperform, probably yung leader nila yun. Yung matangkad na may dimples. Nakakadagdag points ang dimples, alam nyo ba yun?
"Nag enjoy ba kayooooo!?" gaya ng karamihan, sumigaw ang mga people bilang sagot. Ako ba nag-enjoy? Ewan, ano sa tingin nyo?
Lumalakad lakad sila sa platform at kumaway kaway na parang mga ewan. Meron namang nagpapacute at nakikipag-interact sa ilan. Dahil nga VIP tong nakuha naming seat, halata namang malapit kami sa kanila no? Hindi naman as in sobrang lapit, tama lang para makita ng maayos ang pagmumukha nila.
They all been interacting with their fans, laughing with their fans and such. Hindi na ako magtataka kung mabinge nalang ako bigla ng dis-oras dahil sa sigawan ng mga nakapaligid sakin.
I've been taking some pictures with my camera for my blog, maganda narin kasi tong concept para sa susunod kong article. Until something-- no, someone caught my attention. He's been looking at me through my camera. Why is he looking at me? Wait, is he looking at me? I don't want to assume so I've taken back my sight on were it supposed to be, to my camera, of course.
"Annyeong!" narinig kong sabi ng isa sa kanila.
"Hahaha! Napapagod na ba kayo guys?"tanong nung isa sa members nila.
"No! Hindi! Diba ARMYs!?" nagsigawan namang ang mga people ng sagot nila.
I did not pay attention to what they're saying, 'cause I'm not interested, simple as that.
"Aigoo.. Hindi nya siguro ako kilala." but that one line got my attention.
"Sinong nya? Kilala ba namin nyan?" hindi sumagot yung lalaki. Isang mahinang tawa lang ang lumabas sa bibig nya. I know this guy, sya yung tumingin sakin kanina na ewan ko kung talagang tiningnan ako o nag-assume lang ako.
"Hindi nya rin sigurado tayo kilala." natawang sabi nya. Nag-react ang mga tao, kung ano anong ingay ang naririnig ko pero i did not pay my attention to them.
"Sino ba yan Suga hyung? Nandito ba sya ngayon?" pero gaya kanina, tawa lang ang sagot nya.
"Oh! Na gets ko na hahaha!"
Nawalan na ako ng interest kaya naman binalik ko ang atensyon ko sa pagkakalikut sa camera ko. Ganito ako lagi, nawawalan ng interest sa mga bagay na alam kong hindi na exiting.
"Meron bang nagngangalang Shiri dito!?"
I suddenly looked at them, teka, Shiri ang pangalan ko diba? Pero okay wala akong pake.
Nakita ko ring tumingin sakin ang mga kaibigan ko. I just shrugged and mouthed 'what? I didn't do anything'
"Shiri! Nandito ka ba?" tanong nung medyo maliit na guy.
"Hanap ka ni Suga hyung!" natatawa pa nyang dagdag.
I heard gasps, halatang nagulat ang madlang peeps dahil sa pinagsasabi nila. Tuloy parin ang pangungulit ng kaibigan ko sakin, halatang kinikilig ang mga depungal. Bakit sa dinami dami ng tao ay kapangalan ko pa ang napagdiskitahan neto?
Asan na ba kasi ang identical twin ng pangalan ko? Wer na u? Dito na me.
Meron ng sumisigaw na sila daw yung Shiri na hinahanap nila, di ko alam na marami pala akong kapangalan? Pero parang walang pake tong mga naghahanap.Nagsimula ng magsihiyawan ang mga tao ng biglang lumakad palapit sa pwesto namin yung 'Suga', yan ba yung pangalan nya? Cool, parang asukal.
"Sa pagkaka-alam ko, nandito sa parte na to si Shiri." nakangiting sabi nya habang nakatingin sa pwesto namin. Ewan ko kung assuming ba ako o ano pero bakit parang sakin sya nakatingin?
+++
vote and comment guys :))
BINABASA MO ANG
Not Today || m.yoongi
Short Story' bts_twt liked your tweet! ' "bts? who dat?" - Shiri +++ 『bangtanshitchat #1 m.yoongi 』 Tagalog. Fanfiction ©2017