Prologue

11 0 0
                                    


Falling in love...


Sabi ng iba, ang love, para sa mga tanga lang. Para sa mga nag-hahanap ng sakit sa puso. Para sa mga mahihina. Para sa mga masokista. Para sa mga sadista.


Sabi naman ng iba, ang love, masaya, magaan sa loob. Love daw ang kukumpleto sa'yo.


Pero, ano nga ba kasi ang love?




LOVE? OR FALLING IN LOVE...



It's a mystery...




When? Kung kelan mo mararamdaman? Parang lindol lang 'yan, bigla-bigla nalang. Wala man lang pasabi.



With whom? Puwedeng-puwede ka naman talagang mainlove sa kahit sino. Sa mamang nakasakayan mo sa jeep, nakabangga mo sa overpass, o kaya naman nakachat mo online.



Until when? May love na minsan, natatapos din lalo na kapag hindi talaga para sa'yo...yung tipong iiwan ka nalang na luhaan tapos sisisihin mo nalang yung sarili mo kung bakit ba nagdesisyon ka pang magmahal. Pero meron rin namang pagmamahal na nagtatagal...yung sinasabi nilang forever. Oo, maniwala ka, merong ganung klase ng pagmamahal.



Pero talaga namang masusurprise ka sa pagmamahal na 'to. Bakit?



Kasi nga, hindi mo alam kung kelan ka tatamaan, o kung kanino ka tatamaan.




You may fall in love with the most lovable person in the world. But what's worse than that?


Yung mainlove ka sa mayabang, antipatiko, at higit sa lahat, sa sinumpa mong hindi mo kaiinlove-an kahit kailan. O kumusta naman yun?



Pero kahit ganun, masarap mainlove. Maganda sa puso. Pero sa pagmamahal na 'to, ano kayang kahihinatnan?



"SANA HINDI NALANG KITA NAKILALA."


or...



"IT WAS NICE BUMPING IN TO YOU."?

Nice Bumping In To You (NBITY)Where stories live. Discover now