Prologue

426 14 1
                                    

What happens when a Creature from Heaven meets a Creature from the Ocean? What if these creatures meets a Creature from Outerspace? Will there be a three way battle or two sides will join force to fight a common enemy? Then what if other creatures join the mix?

START OF THE STORY

Si Kiefer, isang pilyong Arkanghel na naparusahan at napunta sa lupa. Si Alyssa, isang Sirenang pumunta sa lupa para sa isang misyon. Pagtatagpuin nang pagkakataon. Pinagtagpo ba sila para sa isa't-isa? O pagkakataon din ang maghihiwalay sa kanila?

KIEFER'S POV

Nagkakasiyahan kami nang mga kasamahan kong anghel nang biglang lumitaw sa harap namin si San Miguel.

San Miguel: Kief may sasabihin ako sayo.

Kiefer: Ano po yun mahal na San Miguel?

San Miguel: Hindi natutuwa ang panginoon sa mga pinag-gagawa mo at nang mga kasamahan mo.

Kiefer: Po? A-ano pong ibig niyong sabihin?

San Miguel: Gusto n'yang matuto kayo mula sa inyong mga kalukuhan. Paparusahan niya kayo at ipapadala sa lupa, doon ay kailangan niyong patunayan na karapat-dapat kayong makabalik dito sa langit.

Kiefer: Po?

San Miguel: Maninirahan kayo dun bilang normal na tao.

Kiefer: Ibig sabihin po ba nun ay tatanggalan niyo kami ng kapangyarihan at kakayahan?

San Miguel: Hindi naman, pero hindi niyo pwedeng gamitin ang mga kapangyarihan niyo kung kailan niyo gusto. Gagamitin niyo lang yan kung talagang kinakailangan. Tandaan niyo hindi niyo pwedeng ilabas ang halo at nga pakpak niyo sa harapan nang marami. Kung susuway kayo ay mapipilitan akong tanggalan kayo ng kapangyarihan at kung di pa rin kayo matutoto ay hindi na kayo maaring makabalikdito sa langit . Ingatan niyo ring wag maputol ang mga pakpak niyo dahil kung mapuputol ito ay hindi niyo na rin mailalabas ang inyong halo at tuluyan na kayong magiging normal na tao. Ibig sabihin nun ay wala na kayong kapangyarihan at mga mortal na kayo, maaaring mamatay o mapatay.

Kiefer: Kailan po kami ipapadala sa lupa?

San Miguel: Bukas na bukas, kaya ihanda niyo na ang inyong mga sarili.

Pagkatapos n'yang sabihin yun ay umalis na siya at naiwan kaming tulala.

Von: Paano na paps?

Kevin: Oo nga paps. Wala pa naman tayong experience kung paano mamuhay sa lupa.

Nico: Kung bakit kasi hinahayaan natin ang mga kalukuhan nitong si Kief eh.

Kiefer: Hoy Nico kahit kailan walang pumilit sayong sumama sa amin ha.

Baser: Pwede wag tayong magsisihan dahil kahit anong gawin natin eh tauhan lang tayo nitong si paps Kief. Mga hamak na sundalong anghel lang tayo at arkanghel siya.

Kiefer: Wag kayong mag-alala, kailan ko ba kayo pinabayaan? Basta magkakasama tayong lima ay madali lang natin 'tong malalagpasan.

ALYSSA'S POV

Sobrang saya namin dahil ligtas na nakabalik ang kaibigan naming si Laura mula sa lupa. Pumunta kasi siya dun dahil pangarap n'yang makahalubilo ang mga tao.

Alyssa: Ano Lau kumusta ang experience mo sa lupa.

Laura: Ang saya dun Ly at hindi ako nagsisising pumunta ako doon. Balak ko pa ngang bumalik dun at dun na manirahan.

Alyssa: Talaga? Sama mo naman ako Lau.

Laura: Sige bah. Mabuti nga yun at may makakasama ako.

Denden: Teka teka besh, so iiwan niyo kami?

Amy: Hindi na magiging masaya dito kung wala kayo mga besh.

Ella: Oo nga, ang mabuti pa eh sumama na lang kami sa inyo. Sama sama tayo g lima dun.

Laura: Okay sige pero kailangan nating may matitirhan dun. Tsaka kailangang mahanap natin ang kabebe nang Ateneo.

Alyssa: Aanhin naman natin yun?

Laura: Dudurugin natin yun nang pinong-pino at ihalo sa langis ng balyena at tsaka natin ipapahid sa mga paa natin.

Alyssa: Anong mangyayari pagkatapos?

Laura: Tuluyan na tayong magiging tunay na tao. Hindi na natin kakailanganin ang blue pearl para gawing paa ang ating mga buntot at hindi na tayo mangangambang magiging buntot ang mga paa natin pag nabasa ng tubig alat habang nasa lupa tayo.

Alyssa: Pero ibig sabihin ba nun eh mawawala na rin ang ating mga kapangyarihan?

Laura: Oo, yun ang magiging sakripisyo natin kapalit ng pagiging tunay na tao.

Alyssa: Okay sige pero kailan naman tayo aalis?

Laura: Bukas na bukas ay aalis na tayo kaya kailangan na nating maghanda. Okay ba kayo dun mga besh?

Beshies: Okay na okay besh.

A/N

Ano ang mangyayari sa lupa?

Abangan...............

UNCOMMON ENCOUNTERSWhere stories live. Discover now