AUTHOR'S POV
Habang tumatagal ay mas lalong nagkakalapit sina Kief at Ly. Parati silang magkasama kahit saan man mapunta, mula sa pagpasok sa trabaho hanggang sa pag-uwi at maging sa gimikan ay magkasama sila. Hindi na sila mapaghihiwalay sa isa't-isa. Pero hindi lang sila ang naging magkalapit, maging sina Von at Lau ay naging malapit din sa isa't-isa. Katunayan, ang hindi alam ng nakakarami ay magkrelasyon na ang dalawa ngunit inililihim lang nila sa iba sa dahilang supervisor ni Von si Lau at maaaring magdulot ito ng issue sa Convergys kung saan silang lahat nagtratrabaho. Sa kaso naman nina Kief at Ly ay nasa mutual understanding or exclusively dating stage pa lang silang dalawa. Ayaw pa kasi ni Ly na maging pormal na silang magkarelasyon ni Kief. Naniniwala kasi si Ly na mas magiging matibay ang isang relasyon kung may mahaba itong panahon sa ligawan. Sang-ayon naman dito si Kief para rin daw mas magkakilala pa silang dalawa. Isang gabi, kakauwi lang nina Kief at Ly mula sa date nila.
Kiefer: Ly nag-enjoy ka ba?
Alyssa: Basta ikaw ang kasama ko Kief, nag-eenjoy talaga ako.
Kiefer: Ahmmm Ly.
Alyssa: Yes Kief, ano yun?
Kiefer: Kasi medyo matagal na kasi tayong M.U. gusto ko sanang...
Alyssa: Gusto mo sanang ano?
Kiefer: Gusto ko sanang ano...
Alyssa: Ano?
Kiefer: Kasi ano...
Alyssa: Ano nga?
Kiefer: Gusto ko sanang naging pormal na ang relasyon natin.
Alyssa: Gusto mong maging official couple na tayo?
Kiefer: Kung papayag ka. Kung handa ka nang maging official couple na tayo.
Alyssa: Well mahaba-haba na rin naman ang hinihintay mo so siguro oras na rin para maging pormal na ang relasyon nating dalawa.
Kiefer: Talaga? So tayo na officially?
Alyssa: Bakit? Ayaw mo?
Kiefer: Siyempre Ly gusto, gustong-gusto. I promise that you won't regret this.
Alyssa: Please don't hurt me Kief ha?
Kiefer: Hinding-hindi Ly, mahal na mahal kita.
Alyssa: Mahal na mahal din kita Kief. Kaya susugal ako sayo.
At pormal nilang sinelyohan ang kanilang relasyon ng isang matamis at puno ng pagmamahal na halik sa labi.
"Diyos na mahabagin."
FATHER JETT'S POV
Malalim na ang gabi kaya lumabas ako para i-check sa Cervini at Eliazo kung nasa loob na ba ang mga boarder ko. Nung nasa gitna na ako ng Cervini at Eliazo ay nadatnan kong naghahalikan sina Kief at Ly.
Father Jett: Diyos na mahabagin.
Kiefer: Nako Father, kayo pala.
Alyssa: Pasensya na po, kung nakita niyo po kaming ganon.
Father Jett: Okay lang hijo, hija. Nabigla lang talaga ako sa nadatnan ko, pero sana sa susunod ay gawin niyo yang mga bagay na ganyan sa mas pribadong lugar.
Kiefer: Opo father, masusunod po.
Alyssa: Pasensiya na po talaga ulit father.
Father Jett: Wala ba kayong pasok?
Kiefer: Day off po namin kaya lumabas kami sandali.
Alyssa: Sabay kasi kaming dalawa ng day off.
Father Jett: Oh s'ya sige matutulog na ako at may maaga pa akong misa bukas. Magsimba kayo ha at nang magkaroon ng basbas ng panginoon ang kung ano nang namamagitan sa inyo.
KiefLy: Sige po father, makakaasa po kayong sabay kaming magsisimba bukas.
Father: Oh s'ya, paki-lock na lang ang pinto ng Cervini at Eliazo pagkapasok niyong dalawa ha. Magpahinga na rin kayo.
KiefLy: Opo father. Goodnight po.
Father: Goodnight mga anak.
Pagkapasok ko sa sa loob ng silid ko ay napaisip ako. "Bakit nangyayari ang lahat ng ito?", "Alam kong nandito ang isang Arkanghel at mga kasamahan n'yang mga Sundalong Anghel bilang parusa sa kanila at para rin matuto ng leksyon at hindi na umulit sa mga kasalanan nila.", "Alam ko ring nandirito ang mga Mandirigmang Sirena para sa Kabebe ng Ateneo na nasa aking pangangalaga at itinago sa likod ng altar sa loob ng Church of Gesu. Para tuluyan na silang maging normal na tao dito sa lupa.", "Pero bakit nasa iisang lugar silang lahat?", "Ano ang rason sa pagkakamabutihan nina Kief at Ly, tsaka nina Von at Lau?", "Ano rason sa likod ng lahat na pangyayaring ito?"
A/N
Ano nga ba ang rason sa lahat ng ito?
Mabubunyag na ba ang katauhan ni lang sampo?
Nagkataon lang ba na nasa iisang lugar silang sampo?
O sinadya ito ng pagkakataon?
Abangan...............
YOU ARE READING
UNCOMMON ENCOUNTERS
FantasyWhat happens when a Creature from Heaven meets a Creature from the Ocean? What if these creatures meets a Creature from the Outerspace? Will there be a three way battle or two sides will join force to fight a common enemy? Then what if other creatur...