Kabanata 1: No Freaking Way!!!

16 1 0
                                    


Click. Click. Click. Pinaglalaruan ko ang isang retractable pen na nasa kamay ko, habang hinihintay na tawagin ang pangalan ko. Umaasang ako ang maswerterng babaeng mapipili upang makapareha ni Conrad Wayne (screen name) sa pelikulang In My Arms. Alam ko baduy, OA, corny, pero fangirl niya ako eh. Nakuha niya ang puso ko nung gumanap siya bilang isang superhero. Pakiramdam ko, ako yung inililigtas niyang babae, siya si Superman ako si Lois Lane. Hindi ko kasi maresist ang tamis ng ngiti niya't nangungusap niyang mata. Matangkad, moreno, Filipino heartthrob kung baga, na kung ikukumpara mo sa iba... Wag na nating ikumpara.

Ang kaso lang, hindi ako baguhang artista. Oo, nagsisimula pa lang, pero sikat na rin. May ilan ngang nag-papicture sa akin pag pasok ko sa Studio 4 ng Alicante Studio Broadcasting Network (ASBN). Gayunpaman, pinagsumikapan kong pumila para sa audition ng leading lady role. Hindi naman ako kagaya ng ibang iti-take for granted ang kasikatan nila. Isa ako sa mga taong nagpupursiging gawin ang bagay na gusto niya hanggang sa maabot ang pangarap. Binilang ko ang mga babaeng nasa unahan ko't napagtanto kong pang 41 pa ako, pero 20 pa lang ang naacomodate.

Hoooo! Lapit na to, konting kembot na lang...

*buzz* *buzz*

Agad kong binunot ang phone sa bulsa ko.

"Stellar!!!" Bungad ni Mona Luisa sa akin, ang manager ko, pagsagot ko pa lang ng telepono. Kaya nilayo ko ang phone sandali sa tenga ko sabay alis sa pila upang walang makarinig sa dakdak niya. Agad ko rin namang ibinalik sa tenga ang phone ng makarating na ako sa dulo ng hallway. "Di ba, sinabi ko sayo na wag mo nang pangaraping gumanap para makapareha niya. Hindi kayo para sa isa't isa."

"Hindi ko naman po siya aasawahin eh, mag o-audition lang po ako sa isang lead role. Hindi mo po ba talaga ako susuportahan lalo na't nan-

"Alam kong nandyan ka, nakapila sa gitna ng mga babaeng desperado para sa posisyong sa pangarap lang nila makukuha." Huminga ako ng malalim, naiinis sa kanya, dahil eto na naman siya. Dini-discourage ako imbis na suportahan na lang dahil malaking porsyentong makapasok ako dito, kahit hindi lead role, dahil nga medyo kilala na rin naman ako. Inalis ko muna sa isipan yun, at hinayaan na lang siya sa kung anong sasabihin niya.

"Pero, makinig ka sakin." Mas mahinahon niyang pagpapaliwanag. "Kung hindi ka nag-walk out kahapon, wala ka dyan ngayon."

"Sinabi ko na po na ayoko nang gumawa ng album ngayon, lalo na't maraming mas magagaling na singers sa akin. Sigurado na akong mahal ko na ang pag-arte at ito ang pagsusumikapan ko."

"Again, alam ko. Kaya nga Star may i-ooffer ako sayo." Bigla akong naging interesado. "Actually, may nag-offer sa akin na kuhanin ka for a big role."

"Talaga po? Sino? Saan po? Anong gagawin? Anong pangalan ng pelikula? Kailangan ko na bang magpaayos? Nasaan ang script??? Kailangan masaulo ko yun para mapakita ko sa kanilang deserving ako kahit na pinili pa nila ako. Ayokong isipin nila na hindi ako para sa role..." Ang dami ko pang nais sabihin, ngunit nagkabuhol-buhol na ang mga ideya sa isipan ko.

Napatawa si Mona Luisa sa reaksyon ko. "Okay. Meet me sa pavillion at 12."

Pinutol niya na ang linya bago pa ako makapagtanong, kaya napayapos na lang ako sa aking sarili, pinipigil magtalon-talon sa tuwa't gumawa ng eksena. Sa wakas, may nagka-interes sa akin. Nilingon ko ang pila't napansing nasa number 30 na. Ngumiti ako't umalis sa kinatatayuan ko.

Makalipas ang ilang oras, dumating ako sa Pavillion ng mas maaga sa inaasahang oras. Pagkapasok ko sa gate ng garden nakabunggo ko ang isang lalaki.

 Pagkapasok ko sa gate ng garden nakabunggo ko ang isang lalaki

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Pasensya na miss. Nasaktan ka ba?" Malambing niyang tanong, o isipan ko lang ang nag-imbento nun, ng makita ko kung sino ang nakabanggaan ko.

"Co-conrad Wayne?" Sabi ko ng medyo nauutal at napangiti siya habang tinutulungan akong makatayo ng ayos.

"Ako nga. At ikaw..." Napakunot ang noo niya sa pag-iisip sa pangalan ko. Alam niya ang pangalan ko. Ayiiiieee... Hay. Syempre alam niya. Dahil artista din ako gaya niya. "Ikaw si Star. Napanuod ko ang shows mo at hanga ako sa boses mo. It's a pleasure to meet you."

Inabot niya ang kamay niya at nagkamayan kami. Ang lambot ng mga kamay niya at amoy ko sa lapit ng distansya namin ang mabangong mint cologne niya.

"My pleasure as well." Sagot ko ng may malaking ngiti.

Tumingin siya sa relo niya't sinabing, "Kailangan ko ng umalis. See you around." Sabi niya sabay kindat sa akin.

Oh my G!!! Kinindatan at nakamayan ko si Conrad my love. Nasa langit na yata ako.

Pinanood kong umalis ang van niya bago ako tumuloy sa loob. Inaassist ako ng isang waiter kung saan may reserved seat sa gitna, na may pinakamagandang spot sa garden restaurant ito.

Naghintay ako ng ilang minuto at tsaka dumating si Mona Luisa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Naghintay ako ng ilang minuto at tsaka dumating si Mona Luisa. Bumeso siya sa akin bago umupo kaharap ko. Medyo may pagkainipin ako kaya tinanong ko si Mona Luisa tungkol sa detalye ng trabaho ko. Kung sino ang makakatrabaho ko, ang tema ng pelikula, ngunit ayaw niyang sabihin. Kaya nag-check na lang muna ako ng instagram at si Mona Luisa ay nagorder na ng pagkain.

"Parating na yun. Konting tiis na lang." Nakangiting sabi niya at parang naramdaman kong may ibang ibig sabihin ang ngiti niya.

Ilang minuto pa ang lumipas at wala pa rin sila. Tiningnan ko ang oras at 14 minutes late na ang kameeting namin. Naunahan pa sila ng pagkain dumating.

Huminga ako ng malalim para iwas tensyon, nang...

"O, nandyan na sila." Sabay kaming tumayo ni Mona Luisa, habang pinlatsa ng kamay ko ang gusot sa yellow dress ko. Inilabas ko ang pinakamagandang ngiti ko sabay harap.

Pakiramdam ko bumagsak ng limampung talampakan ang puso ko, ang bagsak kong buhok ay kumulot ang dulo, at hindi ako makapagsalita sabay na rin ng pagtanggal ng aking ngiti.

"Star, meet Dominic Alicante. Siya ang makakasama mo sa proyektong ito."

Parang halos hindi ko na narinig ang pakilala ni Mona Luisa at napatitig na lang ako sa lalaking nasa unahan ko.

NO FREAKING WAY!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 24, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

On Cam OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon