Chapter 1

2 0 0
                                    

JUNGKOOK'S POV

"Okay, boys! It's a wrap. Thank you for your hard work!" Agad na pasasalamat ni PD-nim matapos namin i-shoot ang MV ng bago naming kanta.

"Thank you din PD-nim and to all the staffs that take good care of us during our music video filming. I know that you will will work great to make our Music video nice and be love by our ARMYs." Sagot ni Rapmon hyung, our leader.

"And as token of appreciation po, please take this coffee. It's my treat po sa inyong lahat."

"Uwaaa! Jimin-nie!!! Galante natin dyang pre. Pa-chibog ka din samin maya ah." Ani ni V hyung.

"Yah, yah! Lumayo ka nga sakin. Tawagan mo na lang Hwarang hyungs mo."

"Oo nga! Mas mahal mo naman sila kesa samin diba? Tara na nga Jimin! Laro tayo. Wag natin sali yan." Dagdag ni Jin Hyung. Tsk! Minsan iniisip ko kung sino ba talaga mas bata samin ni Jin hyung eh. Ako ba talaga o sya?

"Tama na nga yan. Naglilinis na sila oh. Uwi na tayo. May reherseal pa tayo bukas. Tsaka, nasan ba si suga hyung?" Saway ni Hobi hyung. HIMALA ATA TO. DI SUMAMA SA TRIP NILA. Ano nakain nito?

"Jungkook-ah!" Napalingon naman ako sa tawag ni V hyung.

"Hyung? Ano yun?" Pinagdadasal ko na sana hindi nya ako uutus---

"Hanapin mo si suga." Ayos ah. Ginawa akong lost and found. Tsk. Matapos sabihin ni Jin hyung yun, bumalik agad sya sa pakikipag lokohan kina Jimin at V hyung.

"Jin hyung! Ikaw na lang maghanap. Ikaw pinakamatanda dito eh." Sabi ko. Kase. Ayoko din, mannn! Golden Maknae ako. Hindi alipin!

"Utos ko, gawa ko. Sumusobra kayo sakin! Ako lagi nagluluto ng ulam natin tapos ganito gagawin nyo sakin. Tsaka bakit mo pinagdidiinan na pinakamatanda ako dito. Tatanda rin kayo mga boyyyyy!"

"Totoo naman hyung! Pag tumanda kami, lalong mas matanda ka na. Hahahaha" pang aasar ko kay Jin hyung

"Wag ka nang kakain ng luto ko!!"

"Okay lang di ko na matiis yung maalat na adobo mo!!!"

"Ahhhh! Chincha! Chincha! Ang ingay nyo. Natutulog ako dito. Tara uwi na." I was jungshook man! Bigla na lang sumulpot si suga hyung at derecho labas.

"Effective pala sigawan natin. Lalabas si suga kung  kelan di na payapa tulog nya. Hahaha" baliw na naman tong si Jin Hyung.

"Tara na guys, we need to rest." Sabi ni manager at lahat kami sumunod sa kanya.

Alam nyo guys, walang wala yung ingay at gulong 'to pag dating sa dorm. Kumbaga, mild pa lang nangyayari dito. Mas riot sa dorm, guys!! Teka eto, pakikilala ko ang aking mga hyungs isa isa. From oldest to youngest.

JIN (Kim Seokjin)

  He's the eldest among the rest of us. Pero acting like he's the youngest haha. He was Born on December 24, 1992 and he's one of the vocalist of BTS from Gwacheon, South Korea. Did I mention to you guys that He is the face of the group. Oo, kaya sobrang umay na kami on and off cam dahil lagi nyang pinagmamalaki na pogi sya. Sya din ang taga luto namin sa dorm at kung di nyo na tatanungin, masarap talaga luto ni hyung. Pwede na nga 'to mag asawa eh.

SUGA (Min Yoongi)

      Suga as in sugar kase kasing puti nya yung asukal. No joke, guys. He is so damn white. He was born on March 9, 1993. Rapper of BTS who came from Daegu, South Korea. A little trivia: kapag may bakasayon kami, di mo makikita na lumalabas si hyung. Mas gusto nya ang matulog. More than 24 hrs nga ata yan natutulog. Napakabait nga ni yoongi hyung eh. Ni libre nya ako sa lamb skewer noon! At doon namin nasimulan ang pagbabalak na mag tayo ng business, lamb skewer restaurant. Ayos diba? Ang mas cool nyan, isa din sya nag p-produce ng kanta namin or mismong mixtape nya. Angas!

J-Hope (Jung Hoseok)
  
     
       Hobi hyung was born on February 18, 1994. He came from Gwangju, South Korea. Rapper and Main Dancer of the group. That's a fact. He named himself J-Hope because he wants to be the source of light and hope to the group and to our ARMYs. He's the best dancer among other members but he hates exercising and working out. If there would be one thing that I want to take from Hobi hyung's personality, siguro yun yung cleanliness nya. He gets easily mad pag may nakikita syang kalat. Lalong lalo na kapag kalat ni Rapmon hyung.

RAPMONSTER (Kim Namjoon)

  
   The leader and rapper of our group. Born on September 12, 1994 in Ilsan, South Korea. This hyung is a genius. He learned english on his own and he already produced plenty of songs, may it be BTS' songs or his own mixtapes. Thanks to Rapmon hyung, nabuo ang kami. But, I will have to remind you guys, tinatawag rin namin syang God of Destruction. Kung di nyo na tatanungin, walang araw na walang nasisira si Hyung. Sometimes, he ends up hurting himself. Tsk tsk.

JIMIN (Park Jimin)

  
    Lead Vocalist and Main Dancer of the group. He was born on October 13, 1995 who came from Busan, South Korea. This hyung has a really nice voice and a great passion in dancing. Actually, he joined Ballet Dancing way back then. Ahh.. this hyung, aminado naman ako na binubully ko sya madalas because of his height that's because it's easy to get along with him. This hyung is really caring. Chincha! He always buy snacks and drinks for us. Mula noong trainees pa lang kami, he is that caring already. We, members, really adore Jimin-ni hyung because of his personality.

V (Kim Taehyung)

Lead dancer, vocalist, and visual. Born on December 30, 1995 in Daegu, South Korea. V hyung has a jolly personality. Alam nyo ba guys noong trainees pa kami, I was so shy. As in sobra. Pero with V hyung's help, I overcomed that shyness in my system. Also, He entered acting in this drama called "Hwarang". Kung di nyo na tatanungin, sobrang proud kami kay V hyung!!! Alam nyo rin ba na sobrang family oriented nyang tao? He always give thanks to his and our parents tuwing may mapapanalunan kaming award. He is that grateful sa mga taong nag mamahal sa kanya, including our fans, ARMYs.

Lastly, I'm Jeon Jungkook. Born on September 3, 1997 in Busan, South Korea. As you all know, tinatawag nila akong "Golden Maknae" dahil raw kayang-kaya kong gawin lahat. Actually, hindi ko din naman alam na I was that gifted to anything. I'm just trying if I can do a task in a properly and as a result, it will end up in a good way. People see me as a strong person. Kahit na ang mga ka-members ko ganyan rin ang tingin. Pero hindi nila alam na minsan ay nalulungkot din ako. Lalo na kapag may mga panahong mag tatalo-talo sila dahil sa sobrang hectic ng schedule at pagod na pagod na sila. Kapag nakikita ko ang ganoong situation, hindi ko mapigilang hindi maiyak. Dahil kaya ko naman gawin lahat sa abot ng aking makakaya. Hindi ko lang talaga gusto makita na nag aaway-away sila.

HA HA HA. SOBRANG DRAMA NA NUN NO? Pero ganyan talaga kami. Sa tagal na naming mag kakasama, tinuturing na naming pamilya ang isa't isa. Sa totoo nga nyan, alam na agad namin kung may problema ang isa sa amin. Pagtutulungan namin na ma-solve ang problemang iyon hanggang sa maging okay na naman muli ang lahat.

Gusto ko pa sanang mag kwento pa ng tungkol sa amin. Kaso kailangan ko nang matulog dahil may promotion pa kami bukas.

Chineck ko muna ang aking cellphone para makita kung mayroong text sakin sina mama at papa. At syempre may inaantay rin akong message galing sa special na tao.

"I miss you :( -Aki" nalungkot ako nang nabasa ko ito dahil maging ako din, nalulumbay na malayo sa kanya. Kaya walang alinlangan, agad din ako nag reply.

"I miss you too. -Jungkook"


For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon