Flow

24 2 0
                                    


"She fooled me, Flow!" He said and laughed like a monster, hindi ko maiwasang makaramdam ng awa para sakanya.

"You're drunk, Darylle. Please stop! You looked like a mess!" Naiinis kong sabi at kinuha ang alak na nasa kamay niya at inilapag ito sa bar counter ng kanilang bahay.

"Yes I am, Flow! Fucking I am!" Natatawang sabi niya pero may luhang tumutulo pababa sakanyang pisngi. "I'm not that enough? I really deserve to be hurt like this?!" Naiiling niyang sabi at pinusan ang kanyang luha gamit ang kanyang kamay.

Hinawakan ko ang kanyang magkabilang pisngi at pinunasan ko ang kanyang luha na bumababa sakanyang pisngi. "You're enough, Darylle. Katunayan nga, labis-labis pa ang isang tulad mo para sakanya. And you don't deserve to be hurt-" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil kumawala siya sa hawak ko at kinuha ang isang baso na nakalapag sa bar counter at binato ito sa pader na nasa gilid namin.

"Then why she fooled me?!" Galit niyang sabi habang ang paningin ay nasa gilid niya, kaya hindi ko nakikita kung lumuluha ba ulit siya.

Hindi ko nasagot ang kanyang tinanong dahil wala akong alam, wala akong alam kung bakit niloko ni Leina si Darylle.

Darylle is so perfect for her, sweet, caring, loving, suportive, selfless, handsome, hot, so kind, so nice, so smart and etc. He's so perfect, and he's perfectly suit to me, wait-what did I say?!

I blushed because of my thought, and sighed. Mukhang wala naman akong pagasa sa bestfriend ko na ito, mukhang hanggang doon nalang ako.

Hinarap niya ako ng mahimasmasan na siya pero nagulat ako ng niyakap niya ako ng mahigpit. Parang kapag kumalas ako ay mababaliw siya. So I hugged him back, tight as his hugged.

"Don't leave me, Leina. Please? I love you." Napunit ang puso ko ng dahil sa narinig ko. Tumingala ako upang hindi tumulo ang aking luha, I really wanted to cry but I hold my tears back. I don't want to cry in front of him.

Humiwalay ako sa yakap niya at hinarap siya. Mapupungay ang kanyang mga mata ng dahil sa kalasingan.

"I'm Flow, not Leina." Nahihirapan kong sabi but I tried to smiled.

"Leina, why did you do this to me?! Wala naman akong ginawang iba pwera lang sa mahalin ka!" Umiiyak na sabi niya. He's wasted, and I felt wasted, too. Even I'm not drunk. His words like a knife its stubbed my heart.

I love my bestfriend, but he loves someone else. Bakit sa dinami-daming lalaking mamahalin ko ay yung taong imposible pang mapa-saakin.

Malungkot akong ngumiti sakanya, at hinawakan ko ang kamay niyang nakapatong sa bar counter.

"Bakit si Leina pa, Darylle? Nandito naman ako?" Tumulo ang isang luha ko hanggang sa sunod-sunod na. "I love you, Darylle. I really am." Sabi ko at humagulgol sa harapan niya.

"I know, Leina. You love me. So please, makipahiwalay ka na sa boyfriend mo ngayon." Lalo ako napahagulgol sa sinabi niya.

"I'm..." Hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil ang hirap-hirap magpigil, ang hirap magpigil ng sakit. "I'm not Leina, Darylle. I'm Flow, you're bestfriend. Please, Darylle." Nangungusap kong sabi.

At parang doon lang siya natauhan. "Flow?" Kumunot ang noo niya at sinapok ang ulo niya bago ngumisi pero nahulog ang luha niya dahil sa pagngisi niya na iyon. "Damn!"

"Please, Darylle. I know you heard my confession, please give me a chance, Darylle. Hindi kita lolokohin, hindi ko gagawin sayo ang ginawa ni Leina." Nagsusumamo kong sabi habang nakatingin ng diretso sakanya.

Umiling-iling siya, kaya sa pag-iling niya na iyon ay lalong nawasak ang puso ko. Damn, may iwawasak pa ba ang puso ko?! Tangina, ubos na ubos na ako.

FLOWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon