"Tris?" Tanong ng hubad na version ni Ian. Di masyadong hubad... naka-shorts pa naman. Nakapa-ekis ang mga kamay nya sa katawan nya. Kala mo macho-macho, buto-buto naman.
Napansin ko parang di s'ya mapakali. Di s'ya makatingin nang deretcho sa'kin, tapos tumitingin sa paligid nya, sa likod, kung saan-saan.
"Natatae ka ba?" Tanong ko. Yung mukha n'ya kasi eh, parang natatae.
"Ah... h-hindi naman"
"Ah..." sagot ko.
"Nga pala--"
"Tris. Uhm... ano"
"Ano?"
"Ano... uhm..."
"Bat ka nga pala meron nito?" Bigla naman syang napapikit sa deretchong tanong ko... at namutla.
Dahan-dahan akong lumapit sa naka-kagat labing si Ian, papikit-pikit at nakatingin sa kaliwa, habang hawak-hawak ko ang bra.
"Bakla ka ba?"
"Ahehehehehe"
"Ahahahhahahaha"
"Ahahahahhaha
"Ahahhhahahahahaha"
Sabay naming tawa. Para s'yang tangke ng hangin na biglang nabuksan. Nawala bigla ang pagkaputla n'ya, at parang nakahinga s'ya nang maluwag.
"Sisteret, sorry. Tagal ko na ring tinatago sa'yo 'to, baka kasi magalit ka eh. Inggit lang talaga ako sa beauty mo"
Nice try.
"May perlas ng silanganan ka pala mo ba't ngayon mo lang sinabi! Edi sana nag-shopping pa tayong dalawa di ba, mag-iimprove pa taste mo sa bra kapag sinama mo ako"
"Ahah hah hah hah hah hahh"
"Ah hah hah hah hahhah"
"Ahahahahahahahahahahhah"
"HAHAHAHAHAHAHAHAHA"
Sabay naming tawa.
"Kaw talaga sis, dapat di ka na nag-abala" sabi n'ya habang nagboboses bakla, sabay sarado ng pinto sa kwarto habang nilalagay ko ang mga pinamili ko sa sofa, at nililigpit ang mga nagkalat na damit.
"Nag-alala ako eh, kala ko naman may sakit ka, namamakla ka lang palang bakla ka"
"Sorry sis" lumapit sya sa'kin sabay beso.
"Ikaw na muna bahala rito sa mga pinamili ko, kailangan ko na kasing umalis eh. Akin na 'to ha" kumuha ako ng isang orange at saka nagpaalam.
***
Binabalatan ko ang orange na kinuha ko habang nasa daan. Wala na 'kong pake kung may magalit dahil nagkakalat ako. Naramdaman ko ring parang nag-iinit na ang mga mata ko at pagkatapos non, bigla na lang tumulo ang mga luha ko sa orange.
"Wala na... hindi na masarap 'yung orange"
Nilugay ko ang kulot kong buhok para hindi masyadong halata na inuuhog na ako. May park malapit sa condo ni Ian, kaya naupo muna ako sa bakal na upuan malapit sa sidewalk.
Hindi ko na napigilan. Humagulgol ako nang malakas--malakas na malakas. Alam kong pinagtitinginan na ako ng mga tao, pero ewan, hindi ko alam kung wala akong pake, o nanghihingi lang ako ng simpatya.
Yumuko ako at niyakap ang sarili ko, habang tinatapik ko ang likuran ko.
Ang totoo n'yan, alam ko ang nangyari. Hindi bakla si Dal o ano. Sana nga totoo nalang na bakla si Dal, pero hindi eh. Nakita ko yung ibang gamit ng babae na nagkalat sa sala.
"Kasalanan 'to ng orange... ang hirap kasi balatan eh..." bulong ko habang sinisinghot ang uhog sa ilong ko.
Siguro bobo ako sa ibang bagay. Siguro nga bobo ako sa pag-aaral, pero isa lang ang maipagmamalaki ko; hindi ako tanga. Itinaguyod at itinataguyod ko na ang sarili ko nang mag-isa all these years, alam ko na kung paano humarap sa mundo; pero hindi sa pagkawala ng mga taong mahal ko.
Gusto ko s'yang sampalin, suntukin, sipain, o patayin kanina, pero kahit ano wala akong nagawa. Lahat ng nasa isip ko ay nanatiling nasa isip lang. Natatakot ako na baka masayang 'yung anim na taon sa isang iglap.
Pero hindi ako si cinderella mo, na titiisin ang sakit,magbubulag-bulagan.
"'Wag ka lang magpapahuli sa'kin, Dal. Bubuhusan ko ng Muriatic Acid 'yang mga ano n'yo." Bulong ko sa sarili sabay kain ng orange.
"Pst"
*sniff*
*pst*
*sniff*
"Masarap pa ba?" Lumingon ako sa pagkakarinig ng boses ni Ken.
"Bakit ka nandito?"
Tinabihan n'ya ako at saka inakap. Normal na sa'min 'tong dalawa, dahil para na rin kaming magkapatid.
"Tagapagligtas ako ng mga umiiyak na panget--"
Sinalpakan ko s'ya ng maliit na piraso ng orange para manahimik.
"Masarap pa naman eh! Wag ka na umiyak. Grabe ang kalat mo. Buti na lang nasa likod mo ako kanina nung nagkakalat ka--"
I glared at him, kaya bigla s'yang napatigil.
"Ang ganda mo pa rin kahit umiiyak"
Bigla akong kinabahan sa pinagsasabi n'ya. Ay hindi, kilqbot ata 'yung tawag dito?
"Tumigil ka, tumigil ka tumigil ka tumigil ka"
Pinaghahampas ko s'ya ng pouch ko. Langyang 'to!
"Umuwi na tayo--"
BINABASA MO ANG
Barking Up The Wrong Tree
Teen FictionA story about a woman who wants to get revenge to her ex boyfriend who cheated at her by having one-night-stand with another girl. Revenge went wrong NOT when she fall in love with the person she wanted to retaliate with; but when she finally knew t...