Chapter 1:

21 1 0
                                    


"I thought-- I mean.. I guess nakilala mo na ang kambal ko, luna" He genuinely smiled at me tyaka tinuro si bryant 2. Kambal? kambal sila? "By the way dude we need to go, pinapatawag tayo ni lola" Kalmado niyang sabi. Pano ako? Naguguluhan ako sa mga nangyayare seriously.

Una sabi nung dalawang babae siya si bryant, pangalawa naniwala ako kaya sumama ako sa kaniya, pangatlo nakipag sayaw pa ko sa kaniya tapos ngayon malalaman ko kambal pala sila? The hell. Bakit hindi ako nagka radar dun? nakakahiya, nakakahiya talaga.

"I'll just explain to you everything maybe next time" Mabilis silang tumakbo at iniwan ako. Anong next time? No way! There's no more next time.

I saw the two wench laughing together while looking at me. Grabe nakakatawa yung ginawa nila sana naman ginalingan pa nila. Kainis.

----

"Shame on you luna. Shame on you." I said while hugging my baby dog chichi. "Nakakahiya ba si mommy, chichi ko?" Okay. ako na ang baliw na kumakausap sa aso "Kasalanan ko ba na Identical sila? tyaka kasalanan ko din ba na di nabanggit sakin ni bryant na may kambal siya?" Sabi ko habang nakikipag harutan kay chichi.

"Arf arf!" Buti pa si chichi naiintindihan ako.

"Hay nako! Basta! Lumipat naman ako dito hindi para isipin ang mga ganong bagay. Lumipat ako dito para patunayan sa parents ko na may dignidad at pangarap ako para sa sarili ko. Diba chichi?" Hay nababaliw na talaga ako. "Arf arf!" Hiniga ko na si chichi sa higaan niya at bumalik na rin sa kama ko.

*Flash back*

"You're a disgraced to our school community Ms. Dela Vega. I need to talk to your parents ASAP!" After what I saw hindi ko na maintindihan ang mga pinag sasabi ni Mrs. juanco. Hindi ko alam kung pano nakuhanan yun ng video.

Lumabas ako ng guidance na bagsak ang mga balikat. Why is this happening to me? All this time bakit ang kaibigan ko pa ang umabuso sa kabaitan ko?

"Luna! Okay ka lang ba?" Grace. "Grace bakit?" Umiwas siya ng tingin "What is that for grace? Why did you do that?! Alam mo na wala akong ginawang mali pero bakit ganon?" I can't stop my tears anymore. "Despite my busy schedule naging bestfriend pa din ako sayo, but you know what? but youvknow what? if you're having your anxious feelings again wag mo na lang akong idamay." I took a deep breathe to calm myself. This is bullsh*t. I treated her like my own sister.

Im about to take my step para umalis pero bigla siya nagsalita. "Kasi naiinggit ako sayo. Everyone here, loves you. They all give you respect and trust habang ako nagiisa at walang nag mamahal." Napalingon ako dahil sa mga salitang binitawan niya.

"What do you call me then? A piece of shit? all of all people ikaw pa. Alam mo bang expelled nako? And perhaps my parents will also kill me dahil sa malalaman nila. Sooner or later masisira na ang reputasyon ko sa paaralan na to at dahil yun sayo... By the way, nice reason." Tuluyan na akong umalis.

*End of flashback*

Get trouble with a philandererTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon