My Vague Girl

78 3 2
                                    

"Para sayo oh"

Napalingon si Nicole sa kanyang likuran upang alamin kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Nakita niya ang isang batang lalaki na nakangiti sa kanya, may hawak-hawak itong dilaw na bulaklak at iniaabot sa kanya. Binitawan niya ang hawak na bato na noon sana'y ibabato niya sa dagat, kinuha niya ang bulaklak na ibinibigay sa kanya. Pinagmasdan niya ang bulaklak na iyon bago muling tingnan ang batang lalaki na umupo na sa kanyang tabi.

"Bakit mo ko binigyan ng flower Peter?" mababakas sa maamo at bata nitong mukha ang pagtataka. Tinitigan niya ang batang lalaki na nakatanaw pa rin sa dagat.

"Binigay ko yan sa'yo dahil maganda ka, tulad ng bulaklak na yan," anito at binalingan ng bata ngunit magandang ngiti ang batang babae.

"Salamat ha, dito sa flower, ikaw pa lang kasi ang nagbibigay sakin ng bulaklak bukod kina Mommy at Daddy, sabi kasi jila, special daw ang isang tao kapag may nagbigay ng flowers sa kanya," sambit ni Nicole habang nilalaro sa mga kamay ang hawak na bulaklak.

"Special ka naman eh, para sakin."

"Bakit ako special para sa'yo? Di nga kita kilala eh."

"Malalaman mo din, nagustuhan mo ba yan?"

"Oo naman, favorite color ko 'to eh, yellow."

"Akin na nga yan," kinuha nito ang bulaklak at inilagay sa kaliwang tainga ng batang babae. "Ayan, mas maganda ka ngayon." wika niya habang inaalis sa mukha ng batang babae ang mga hibla gn buhok na tinatangay ng hangin sa dalampasigan.

"Para kang si kuya ko. Siya nga pala, anong name mo? Ako nga pala si Nic-Nic, 8 years old na ko." natatawang iniabot nito ang kanang kamay sa kausap.

Nakangiting iniabot rin iyon ng batang lalaki. "Ako si Tom, 9 years old na ko. Nagbakasyon kami ng family ko dito, sa inyo yung resort diba?"

"Ah, opo."

"Oh bakit mo ko ino-opo?"

"Kasi kuya kita, mas matand ka sakn, kaya kuya kita." natatawang tugon nito. Npangiti rin si Tom.

"Aalis na pala kami bukas, babalik na kami sa Manila," anito sabay humiga sa puting buhangin ng dalampasigan. Humiga rin si Nicole sa tabi niya.

"Babalik ka pa?"

Nilingon ni Tom ang katabi na noo'y tahimik na nakatingin sa langit.

"Syempre babalik ako. Babalikan kita. Save yourself for me, paglaki natin, magiging tao at pakakasalan kita. Hintayin mo ko ha?"

"Basta babalik ka."

"Pangako yan, sana pagbalik ko, nasa sa'yo pa rin yang bulaklak na yan, ok ba yun?"

Tumango na lamang si Nicole. Sandaling namayani ang katahimikan hanggang sa magsalita si Tom.

"Halika na nga, ihahatid na kita sa inyo, maggagabi na oh, medyo malamig na rin."

Nilingon siya ni Nicole. Kahit ngayon niya pa lang ito nakita at nakilala, pakiramdam niya ay ligtas siya kapag kasama ito. "Tara?" nakangiting wika nito.

Tumayo silang dalawa, pinagpag ang mga buhanging kumapit sa kanilang katawan at nagsimula na silang maglakad pabalik sa lugar na pinanggalingan nila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 12, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Vague GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon