Instant Coffee at Midnight

143 17 10
                                    

A short horror story

~ MARIA ~

Bumangon ako sa kama ko nang may maamoy akong masangsang na amoy. Tinalian ko ang buhok ko na humaharang sa aking mukha. Saan kaya nanggagaling 'yung masamang amoy na yun? Ah, baka 'yung basura ko rito sa kwarto na hindi ko pa naiilabas para itapon. Puno na nga pala 'yung timba na lalagyan ng basura ko.

Naglakad ako sa kadiliman dito sa aking kwarto papunta sa aking aparador. Natalisod ako sa bagay na nasa lapag at buti nalang dahil nakakapit kaagad ako sa aking kabinet dahil kung hindi, baka kanina pa akong napahalik sa lapag. Ang kalat kasi ng kwarto ko, e.

"Tsk." bulong ko.

Binuksan ko ang aparador ko at kinuha ang paborito kong itim na pantalon. Kahit wala akong nakikita dahil sa kadiliman, ramdam ko na 'yon ang pantalon ko. Isinuot ko nang mabilisan ang aking pantalon at inayos ang sando kong kulay puti. Kinuha ko ang wallet ko sa side table at isinuksok 'yon sa aking pantalon.

Naglakad na ako papunta sa pintuan ng kwarto ko. Kinuha ko ang jacket kong nakasabit sa may knob bago lumabas.

Nakita ko ang oras sa nakasabit na orasan sa sala. 12:46AM. Nakita ko si Lola na nakaupo sa couch at nanunuod ng TV na walang programa. Rinig narinig ang nakakarinding TV sa kabuuan ng bahay. Nilapitan ko s'ya at hinalikan sa pisngi. Sinabi kong lalabas muna ako ng bahay. Naiwan siya roon na nasa ganoong pwesto. Matagal na s'yang may Alzheimer Disease kaya pinapabayaan ko nalang siya sa kahit na anong gustuhin n'yang gawin. Mahirap narin siyang makatulog.

"Hooo.." bulong ko sa aking sarili nang madama ko ang malamig na simoy ng hangin dito sa labas. Sinaraduhan ko ang maganit naming gate.

Kinuha ko ang zipper ng aking pulang jacket at itinaas iyon hanggang sa aking leeg. Inilagay ko ang dalawa kong kamay sa bulsa n'yon at naglakad ng tahimik sa walang katao taong subdivision.

Ganito katahimik ang subdivision kapag ganito nang oras. Dalawa ang school sa subdivision na 'to at ang isa ay halos ilang lakad lang mula sa aming bahay. Natatanaw ko nga ito ngayon dito sa aking kaliwa. May nakita akong bulto ng lalaking tao sa malayo, sa madilim na parte ng daan. Nag-iisa ito. Hindi ko nalang pinansin. Kung itatanong niyo kung bakit hindi ako natatakot, well, bakit ako matatakot? May multo nga sa bahay namin, e. May killer rin akong kilala. S'yempre biro lang.

Nasa Earth St. ang st. ng bahay namin ni Lola. At ang 24HRS na burgeran rito ay sa Galaxy St. Mga three to five minutes na lakaran. Walang problema. Nagugutom narin kasi ako ngayon dahil hindi ako nakakain ng tanghalian kanina. Ang dami ko kasing ginawa at inasikaso ngayong araw na 'to. I'm only nineteen by the way.

Lumiko ako sa isa pang street na medyo maliwanag ang kalsada dahil sa mga ilaw sa mga bahay. Sa isang liko pa, doon na ang Princess Marian.

Pagkaliko ko sa huling likuan para sapitin ang PM, natanaw ko na agad sa aking tayo ang maliwanag na ilaw mula ro'n. Naalala ko ang masarap nilang cheese burger at bigla akong natakam. Naglaway ang loob ng bibig ko. Naalala kong pasalubungan si Lola mamaya. 'Yun ay kung gising pa siya. Hindi niya kasi kinibo 'yung ibinigay kong pagkain kanina sa kan'ya. Minsan nalang din niya ako kausapin kaya medyo nakakalungkot.

All of a sudden, bigla nalang akong napalingon sa likuran ko. May nakita akong isang lalaki na sa tingin ko'y yun ring silhouette ng lalaki kanina. Naka T-shirt siya ng maroon at naka shorts. Gwapo siya at maputi. Marami narin kasi ang ilaw rito sa daang 'to kaya kitang kita ko ang repleksyon niya.

Instant Coffee at MidnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon