10 year old letter (true story)

548 24 18
  • Dedicated to to my dearest father in heaven
                                    

=============================================================================

"Deng, gising!!gising!! uy!!" rinig kong sabi sa akin ng tita ko habang pinipilit akong gisingin mula sa aking pagkakatulog....

"hhmmm......teka lang,,, 5 minutes pa...." tawad ko pa sa kanya.... aga aga pa kaya.......

"deng, gumising ka na........" tuloy pading pag alog sa akin ng tita ko.... ok. talo na ako.... umupo ako sa kama,, at kinusot ang mga mata ko..... nakita ko namang nakapalibot silang lahat sa kwarto ko... mga namumugtong mga mata... mga namumulang mga pisngi..... parang...may......

"tita??? anong problema???

"deng... ang tatay mo...wala na..... wala si kuya ed..."  sabi sa akin ng tita ko habang nakahawak siya sa mga balikat ko....

mga salitang hindi ko matanggap...hindi kaya ng puso ko..... 

mga salitang parang unti-unting sinasaksak ang pagkatao ko.....

tumigil ang mundo.... hindi ko lubos maisip .. na ang ama ko, bestfriend ko, tutor ko, supporter ko, kalaro ko, kaibigan ko, tumayong ama at ina sa akin ng kuya ko.. ay...... WALA NA..

naramdaman ko na niyakap ako ng tita ko habang umiiyak siya.... at ako naman.... naramdaman ko nalang na unti unting tumutulo ang mga luha sa aking mga mata....

----------------graduation -----------------------------

"let us welcome andrea yasmin gomez for her speech" sabi ng teacher ko na emcee sa aming graduation..... valedictorian ako tay......sana nandito ka....

/palakpakan/

fast forward...sa part ng aking tatay.

" tay, eto na ako..... eto na yung inaasam asam mo... lahat ng paghihirap natin tay, valedictorian na ako oh?? bakit ngayon ka pa nawala??? lahat ng award ko tay, alay ko sa iyo..sana proud ka sa akin... "

nagpalakpakan ang mga tao... may mga naiiyak.. pagbaba ko sa stage, madaming kumamay sa akin.. mga kaibigan ng tatay ko, yumakap sa akin ang tita ko... pero wala ang nanay ko nuong graduation ko... nasa ibang bansa kasi siya..isang OFW.....

leukemia ang kinamatay ng tatay ko... 7 years din siyang pinahirapan ng sakit niya...ngunit.. isa lang ang masasabi ko... kahit na unti unti siyang pinapatay ng sakit niya.. hindi niya kami pinabayaan ng kuya ko... special child din ang kuya ko.. parang baby lang ang utak niya.. pero physically, tumatanda siya... pero hindi kami sinukuan ng papa ko... 

/flashback sa ospital/

"nak, may ikukwento ako sayo...." sabi sa akin ng tatay ko habang hinihimas ko ang buhok niya habang katabi siya sa pagtulog.... pampatulog kasi niya iyon...

"ano yon tay??"

"lagi mong tatandaan na mahal kayo ng tatay ha???? alam mo ba.. nuong pagdating ko sa singapore... akala ko mamamatay na ako... naramdaman ko, unti unti ng humihiwalay yung kaluluwa ko sa katawan ko... pero alam mo ba anong nakita ko???"

"ano po yun??"

"nakita ko yung mukha niyo ng kuya mo.. sabi ko.lalaban pa ako.. basta pag wala na ako ,alagaan mo ang kuya mo ha??"

sa mga sinasabi sa akin ng tatay ko.... hindi ko maiwasan ang umiyak..... nakita ko lahat ng paghihirap niya... unti unti na siyang nabubulag.... nakalbo narin siya dahil sa gamot...kulay dugo na ang ihi niya... ngunit  sobrang humanga ako sa katatagan ng aking ama. ang pananampalataya niya ay hindi mo ma ku-kwestyon... hindi niya tinatanong ang Diyos kung bakit ganito bakit ganyan.. ang lagi lang niyang sinasabi....

"anak. hindi ka bibigyan ng hamon ni Lord na hindi mo kaya... aja!" -

isang rason narin ito kung bakit masaya narin siguro ako at natapos na ang paghihirap niya....

/end of flash back/

==== feb.2011=====

"ang gara naman, wala akong magawa!!!!"  sabi ko habang nakasalamapak ako sa sahig..

"mangalikot ka muna diyan sa cabinet, baka may mahagilap ka...." sabi sa akin ng lola ko... oh diba?? ang ganda ng advice sa akin... sige.. makapangalikot nga muna...

kinalikot ko ang  cabinet ng mama ko. tae note. yes.. ng mama ko.. wala naman siya sa pilipinas eh.xDD hindiu niya malalaman....

nakita ko ang mga gamit ng tatay ko...

wallet niya..... na puno ng picture namin ng kapatid ko......

at isang sulat....

sa yellow paper... neatly folded.. hindi pa nagagalaw....

at dahil makulit ako... binasa ko ang sulat...

                                                                                                                                                    Oct.10, 2001

To my Dearest Daughter Andrea,

                   nawa'y mabasa mo ang sulat kong ito na nasa mabuti kang kalagayan. sumulat ako sa iyo upang masabi ko ang lahat ng nais kong ibilin, alam mo naman na hindi ko hawak ang buhay ko. tnaging si Jesus lang ang may alam kung hanggang kelan tayo dito sa lupa, marahil kapag binabasa mo na itong sulat ko ay wala na ako sa tabi mo, pero hinding hindi kayo mawawala sa puso ko. gusto ko itago mo tong sulat na ito o kaya i pa xerox mo para hindi mawala. at parati mong basahin, hanggang sa lumaki ka na. ito lang ang tangi kong maiiwan sa iyo anak pero higit pa ito sa materyal na  bagay. sana ay wag kang magtampo kay Jesus kung hindi niya natupad ang hiling mo anak na gumaling ako, kasi may dahilan si JESUS kung bakit nangyari ito. Tulad mo mahal ako at mahal ko kayo. ganoon din si Jesus MAHAL DIN NIYA AKO NANG HIGIT NA PAGMAMAHAL. tulad ko diba, mahal ko kayo ni kuya Nikki. ganoon din siya at higit pa ang pagmamahal nya sa lahat ng kanyang nilikha. sana maging masaya ka para sa akin kasi masaya na ako sa piling ni Jesus. Marahil ay hindi mo pa ito maintindihan sa ngayon, pero paglaki mo ay lubos mo ng maiintindihan ang lahat ng bilin ko sa iyo. kaya anak, ingatan mo ang sulat na ito at parati mong babasahin tuwing maaalala mo ako at may suliranin ka. at dalangin ko na samahan ka ni Jesus sa lahat ng sandalihanggang sa dumating ang oras na muli tayong magkakasama sa piling ni Jesus. kaya magpakatatag ka anak. alam kong kaya mong lagpasan ang lahat ng ito. Diba mana ka sa akin? at kung mana ka kay tatay, dapat matatag ka at pag nakilala mo na ng lubos si jesus ay walang pagsubok at kasawian na makakapanaig sa iyo anak. basta't kasama mo si Lord at kailan man ay hindi ka niya pababayaan. anak gawin mong makabuluhan ang iyong buhay. sorry  kung hindi ko maibigay sa iyo ang lahat ng gusto mo. sorry sa mga pagkukulang ni tatay. kung napapalo man kita ay hindi nangangahulugan na di kita mahal o galit ako sa iyo kundi gusto kita itama at gusto kong lumaki kang mabuting bata. sorry anak kung sa labis na pagaalala ni tatay sa iyong kalusugan ay naalisan na kita ng oras sa paglalaro at pagiging bata mo. pero ang masasabi ko lang ay nagpapasalamat ako at ibinigay kayo ni Jesus sa akin. kayo ang kayamanan ko dito sa lupa. kayo andrea, ang nagpadama na mayaman ako dito sa lupa, at  kailan man ay hindi ako naghangad ng makalupang bagay, dahil ako ay mayaman dahil sa inyo ni;a kuya at nanay. Uulitin ko anak. MAHAL NA MAHAL KO KAYO HIGIT SA AKING BUHAY. ANDREA ikaw nang bahala sa kuya nikki ha... mahalin mo siya gaya ng pagmamahal ko sa iyo.. at sa nanay mo...

I LOVE YOU ANAK.

I LOVE  YOU THERESA AT NIKKI

 nawa'y  magkita kita tayo nila kuya at nanay..

pagkatapos mabasa ay naiyak na lamang ako. at nagpasalamat sa iniwang pamana sa akin..

isang sulat na inabot ng sampung taon...para lang mapasa akin.

====================================================

VOTE.LIKE AND COMMENT

10 year old letter (true story)Where stories live. Discover now