Huling Sayaw

87 1 0
                                    

Please play the video sa baba para mas dama mo.

Ito na ang ating huling sandali
Hindi na tayo magkakamali
Kase wala ng bukas
Sulitin natin ito na ang wakas

'Hindi na kita mahal.' Alam ko.
Alam ko ng di mo na ako mahal bago mo pa sabihin ito.
Pinaghandaan ko na to, pero hindi ko inaasahan na sobrang sakit pala nito na kahit ang mga hinanda kong emosyon sa araw na sasabihin mo 'to ay di ko maipakita.
Ito na ba? Ito na ba ang dulo ng storya nating dalawa?

Kailangan na yata nating umuwi

Napangiti ako ng mapait.
Alam kong mukha akong tanga sa harap mo.
Umiiyak pero nagpipilit na ngumiti sa harapan mo na para bang hindi masakit ang mga salitang sinabi mo. Na para bang walang mawawalang malaking bagay sa buhay ko.

Hawakan mo aking kamay
Bago tayo mag hiwalay
Lahat lahat ibibigay, lahat lahat

Pero teka nga lang.
Bago tayo maghiwalay ay hayaan mo muna akong alalahanin ang ating masasayang araw.
Hayaan mo muna akong balikan ang mga alaalang parang kailan lang.

Paalam sating huling sayaw
May dulo pala ang langit

Hayaan mo muna akong magpaalam sa mga alaalang kasama ka na pinahalagahan ko kaysa sa sarili ko.
Mga alaala na akala ko'y nasa langit na ako dahil sa sobrang galak na nararamdaman.
Dahil pagkatapos ng sandaling to, alam ko, parang nasa impyerno na ang puso.

Kaya't sabay tayong bibitaw
Sa ating huling sayaw

Pero wag kang mag-alala na hahabulin at gagambalain pa kita.
Dahil sa pagsuko mo, susuko na rin ako.

Di namalayan na malalim na ang gabi
Pero ayoko sanang mag madali

Ilang oras na ba tayo ditong nakatayo?
Ilang oras ka na bang nakatitig sa'kin na para bang ako'y isang aso nawawala.
"Pwede bang gawin natin ang mga ginagawa natin sa huling pagkakataon?"
Kahit alam kong naguguluhan ka ay pumayag ka pa rin.

Kay tamis, kay sarap

Nagpunta punta tayo sa park kung saan tayo unang nagkita.
Naalala mo pa ba kung paano kita ipinagtanggol sa mga umaaway sayo nung bata pa tayo?
"Ikaw ang lalaki pero bakit ganun? Mas lampa ka pa sakin."
Tumawa ka ng malakas at ginulo ang buhok ko.
Napangiti ako sa mga alaala na yon.

Ngunit ito na ang huli
Kailangan na yata nating umuwi

"Baka hinahanap ka na sa inyo, gumagabi na."
Napatingin ako sayo at naalala ko na naman ang mga sakit na pilit kong tinatago.
Hanggang dito na lang ba tayo?

Hawakan mo aking kamay
Bago tayo mag hiwalay
Lahat lahat ibibigay, lahat lahat

"Sige" ayan ang sagot mo ng tanungin kita kung pwede mo bang hawakan ang aking kamay palabas ng park.
Gusto kong gawin to sa huling pagkakataon, parang karaniwan araw lang para satin dalawa.

Paalam sating huling sayaw
May dulo pala ang langit
Kaya't sabay tayong bibitaw
Sa ating huling sayaw

Ako na ang bumitaw sayo ng lumabas tayo park.
Handa na ako.
Handa na akong pakawalan ka.
Alam kong mas sasaya ka sa kanya.

Paalam sating huling sayaw
May dulo pala ang langit
Kaya't sabay tayong bibitaw
Sa ating huling sayaw,

"Grasya" napangiti ako sa tawag mo.
Gusto kitang lingunin pero mali.
Hindi na dapat ako lumingon.
Hindi na ako lumingon pabalik sayo dahil mas lalo lang akong mahihirapang iwan ka.

Paalam sating huling sayaw
May dulo pala ang langit
Kaya't sabay tayong bibitaw
Sa ating huling sayaw

"Grasya" Napangiti ako.
Tagalog ng pangalan ko na ginagamit mo para makuha ang atensyon ko.
Isa sa mga alaala na kailangan ko nga ibaon sa limot.

Huling Sayaw. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon