"Tama na po Mang Enteng!"

64.4K 235 25
                                    

Animo’y umaagos na tubig ang lakas ng hangin sa aking pagtakbo. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at muntik na akong madapa. Napakadilim ng paligid at pasulyap-sulyap ako sa aking likod. “Sinusundan pa kaya ako ni Mang Enteng? Sana hindi na niya ako naabutan. Sana’y maligaw na lamang siya sa kakahuyan at hindi na makita pa.

Ngunit ako’y nagkamali. Isang kamay ang yumakap sa akin ng mahigpit at isa naman ang tumakip sa aking bibig. “Diba sinabi ko sayo na wag kang makulit? Sandali lang tayo halika sumama ka sa akin.” Tuwang tuwa si Mang Enteng habang hinihila niya ako sa mas madilim pang bahagi ng lugar na kinatatayuan namin.

“Tama na po Mang Enteng! Ayoko na. Tama na po.” Kahit sumigaw at magmaka awa ako ng paulit-ulit, alam kong hindi niya ako pakikinggan. Amoy na amoy ko ang hininga niya. Halatang nakainom siya at napansin ko rin ang mga dala niyang wallet, bimpo at swiss knife sa bulsa niya.

Wala tayong gagawing masama Nene” pero tawa parin siya ng tawa sabay halik sa aking pisngi. Hindi ako makatakas sa yakap at wala akong ibang magawa kung hindi magdasal na sana’y buhay pa ako kinabukasan.

Hinalikan niya ako sa leeg at hinawakan ang aking dibdib. Tinanggal niya ang kanyang damit sabay tulak sa akin sa lupa. “Kaya ko pang tumakbo, makakatakas pa ako” Sinipa ko siya sa mukha at sinubukan kong umariba sa pagtakbo, pero huli na pala ang lahat.

Dumudugo ang tagiliran ko at napansin kong nakatusok ang swiss knife na dala niya rito. Napakasakit pala at tila nauubusan na ako ng hininga sa katatakbo at kaiiyak ko. Sinabunutan niya ako at binangga ang ulo ko sa lupa. Nahilo ako at hindi ko na alam kung kaya ko pang gumalaw. Gusto ko na lamang humiga sa kinalalagyan ko at sumuko dahil wala na akong magagawa.

Hinubad niya ang duster na suot ko at muli’y hinalikan niya ako sa leeg. Tila nagmanhid ang buo kong katawan at hindi ko na nararamdaman pa ang pangba-baboy na ginagawa niya sa akin. Nakatitig na lamang ako sa mga bituin sa langit. “Dito lang pala matatapos ang lahat. Sana’y maging ligtas ang pamilya ko at sana’y huwag mangyari sa kanila ang nagaganap sa akin ngayon.

Umihip ang malakas na hangin. Para bang may bumulong sa akin na “Humihinga ka pa. Alam mong makakatakas ka pa sa impyernong ito”. Isang malaking bato ang tila bumulaga sa aking tabi. “Bakit ba hindi ko ito nakita kanina?

Heto ako Nene, ipukpok mo ako sa ulo ng hayop na yan. Napakabigat pero sinubukan kong kunin para ibato kay Mang Enteng. Ngunit bago mangyari ang pinaplano ko ay nahuli na niya agad ako sa akto.

Anong pinaplano mo ha? Papatayin mo ako? Papatayin muna kita! Hindi mo ako maisusumbong sa tatay mo!” Hinugot niya ang swiss knife  na nakatusok sa tagiliran ko at pinagsa-saksak niya ang tiyan ko ng paulit-ulit. Isa? Dalawa? Lima? Hindi ko na mabilang pa dahil sakit na lamang ang gumuguhit sa utak ko.

Hindi tumigil ang pagsaksak niya ngunit bumalik ang pangmamanhid ng katawan ko. Napatingin nalang ako sa langit, dumaloy sa aking pisngi ang mga luha sa aking mata, at ang lahat ng nakikita ko ay kinain na ng kadiliman.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 22, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"Tama na po Mang Enteng!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon