HER
"Naku, shocks! Mabahong socks! Late na ata ako! Pagagalitan ako nito ni Miss Cordova, eh!" nagmamadali akong tumakbo papuntang paradahan ng jeep nang biglang may sumigaw mula sa likuran ko. Ay teka lang, ako nga pala si...
"Maria Majarlika Blanca C. Altarejos, BSED 4 - English!"
There, napakilala na ako ni Tatay nang wala sa oras. Nagtinginan naman ang mga tao sa paradahan at natawa sa Tatay ko na tinalo pa si Darna sa pagsigaw.
"Maligo ka nga muna at tanggalin mo ang nagdikit-dikit mong muta bago ka pumasok sa paaralan! Ke aga-aga, nagma-marathon ka na naman," suhestiyon ni Tatay.
Alam kong may dalawang tanong na bumabagabag sa inyo ngayon:
Una, kung bakit ganoon ang pangalan ko. Si Nanay kasi ay Filipino teacher at isinabuhay na yata niya ito. Galing ang napakaganda kong pangalan kay Majar Altarejos, isang pulis at si Maria Angelika Cortez-Altarejos. Tapos, maputing-maputi talaga ako nang pinanganak ako kaya dinagdagan pa nila ng Blanca.
Yup, hirap na hirap ako sa exams 'di lang dahil mahaba ang pangalan ko kundi hindi ko rin kadalasan alam ang sagot.
At pangalawa, bakit siya nagsisisigaw? Well, hindi naman siya nag-a-audition para sa restaging ng Tarzan o naka-beast mode ngayon. Pwedeng nakalunok siya ng megaphone o pinaglihi sa barker dyan sa may paradahan. Paano ba namang hindi siya magsisisigaw, eh kasi naman, ngayon ko lang napansin na alas-kwatro palang ng umaga. Tatlong oras pa bago magsimula ang klase ko. At ang malala pa nito, ay tumakbo pala ako na naka-boxer shorts at sando lang.
Nakita tuloy ako ng isang binatilyo na halatang naalimpungatan dahil kay Tatay. At nagulat dahil sa tanawin na nakita nito. Magandang tanawin, to be specific. Napaka-conceited ko talaga, este, honest pala.
"Tatay naman, eh..." nahihiya kong tugon habang magkaakbay kami na pumasok sa bahay.
Ulitin ko lang bago ako matulog, ha? My name is Maria Majarlika Blanca C. Altarejos, representing San Diego Street! Ako nga pala ay isang practice teacher sa Comprehensive Institute for Arts and Technology High School o mas kilala sa pangalang CIATHS. Nagtuturo ako ng English subjects from Grade VII-Grade IX. At kung papalarin, ga-graduate na ako next year.
Hindi na lang pala ako matutulog, kakain na lang ako tutal nakahanda na rin naman ang mesa at masyado na akong excited para matulog.
"Oh, bigyan na ng malasadong itlog 'yang si Maja Blanca!" pang-aasar ng aming kuyang si Mark Kisig o Marki na ginayapa si Kuya Will habang iniaabot sa akin ang isang plato ng
malasadong itlog na alam niyang paborito ko. Nakita siguro ako ng unggoy na kumakaripas ng takbo kanina. Pambihira, hindi man lang ako in-orient na maaga pa para sa drama-rama sa hapon."Achee, kung makatakbo ka naman, parang hinahabol ka ni Kuya Yu. Ayun tuloy, nanalo ka, ginalingan mo kasi!" dagdag pa ng bunso naming kapatid na si Maria Lakambini o Bambini kung tawagin namin habang inaabot naman sa akin ang isang garapon ng atsara na kapares ng itlog at sinangag ko.
Oo nga pala, hindi lang ako ang isinumpa ng mga magulang namin. Pati rin mga kapatid ko ay walang kawala.
"Eh kung kayo kaya ang gawin kong agahan kasi nagugutom na ako?!" panindak ko sa dalawa habang hawak-hawak ang tinidor at bread knife na hindi ko naman alam kung saan ko gagamitin.
Ngunit tawanan lang ang iginanti ng mga asungot sa banta ko sa kanila.
"Paano ka naman makakapag-almusal kung inuuna mo pang tumakbo papunta kila Yuri, Maria Majarlika?" at talagang kinampihan pa ni Nanay 'yung dalawa.
Si Yuri, Yuri Andrade nga pala, 'yung tinutukoy nila Nanay? Ay, huwag na nating pag-aksayahan ng tinta 'yung taong 'yun dito.
Gusto niyo talaga ng kakaibang species palagi, ano? 'Yun bang tipong pa-extinct na kasi mapapatay ko na...
YOU ARE READING
To Get Her
ChickLitCircle of Friends kung tawagin ng anim na magkakaibigan and barkadahan nila. Lahat sila at may pagkakapareho, sa pangalan (lahat kasi sila at may Maria); sa propesyon (lahat guro) at pag-ibig. Pero maging magkakaibigan pa din kaya sila kung malaman...