IHR VI

19 5 0
                                    


Cheonsa pov 


"Gusto mo dito na ako magturo sayo ng Hangul?" Jaegi asked me. 



Nandito Kami ngayon sa Plaza sa harap ng Academy namin. Madaming puno at students. Andito lang Kami sa bench at nakaupo lang.



"But let's eat muna. Okay? Because I heard my tummy has a dinausaur na." Bulong ko sa kanya ngumiti naman sya sa akin at ginulo ang buhok ko na parang aso.



"Yes Binibini. Halika na." Sagot nya sa akin at ngumiti. Shocks! Totoo ba to? Nagagwapuhan ako sa kanya.



Hinawakan nya yung kamay ko habang naglalakad. Gosh! Holding hands While walking ang peg nya. Tapos kapag lilingon sya ngingiti pa. Kung yelo ako, matagal na akong tunaw. Ang pogi nya pala eh. Tsk. Kakatingin sa kanya Hindi ko Alam na napadpad na pala Kami sa isang restaurant na Hindi ko lang Alam kung Korean kasi nalang pangalan parang nakasulat na pang korean. Ganern!


"Binibini. Ikaw umorder ha? Tuturuan kita." Sabi nya habang nakangiti. Tumango nalang ako sa kanya. Nakakainis naman! Bat ang pogi nya. Pagtingin ko nandito na Kami sa pinto ng Restau. May nakabantay dito sa labas ah. "Binibini, sabihin mo sa kanya.'Du myeong iyo'. Bilis!" Bulong ni Jaegi.



"Du myeong iyo." Sabi ko sa lalaking parang sa chowking na kulay red lahat. Sumunod Kami sa kanya. Ang ganda sa loob. Maraming nagdedate, Maraming PDA. Nagyayakapan, Nagholding hands, nagsusubuan. Yan yung mga nakita ko sa loob. Gosh! Bakit ganito pa Kami pumunta ni Jaegi.



"Yeoki." Sabi nya tapos tinuro yung upuang parang nasa kwarto ka na may kurtina. Ganern. Umupo na kami sa tinurong upuan ng lalaki.



"Jaegi. Anong ibig sabihin ng 'Du myeong iyo'?"



"Ang ibig sabihin nun ay 'I'd like table for two please'. Tapos yung 'Yeoki' naman 'Here'."



"Ah Ok."



Lumapit yung isang lalaki sa table namin.



"Cheonsa. Sabihin mo sa kanya. Menyupan jom boyeojuseyo."Bulong sa akin ni Jaegi at napatingin sa lalaking napatayo.



"Menyu-- Ano ulit?"Bulong ko sa kanya.



"Ang sabi ko 'Menyupan jom boyeojuseyo'."bulong ulit sa akin. Tumango nalang ako sa kanya at sinabi sa waiter kung ano ang sinabi ni Jaegi."Ang ibig sabihin ng sinabi ko kanina ay 'Can We have a menu'." Napa-ahh nalang ako sa kanya. Dumating narin yung waiter na may dalang menu. "Ako na ang oorder ha?"Bulong nya sa akin tapos tumingin sa waiter." Dul bap keureut, Dul Selleodeu, Dul dakkoki and dul orenjijuseu." Turo nya sa Waiter.



"Kwaenchanayo,Sir"sabi ng waiter tapos umalis na.



"Ano-ano in-order mo?"tanong ko sa kanya.



"Rice bowl, Chicken, Salad, and Orange Juice lang. May gusto ka bang ipadagdag?"tanong nya sa akin.



"Wala naman. Diet ako." I said the smiled at him. I heard him chuckle. Gusto ko sanang tanungin kung Bakit sya tumawa eh. Pero nandyan na pala yung waiter. Pati yung nga pagkain naming dalawa.



"Ah. Oo nga pala Cheonsa. Yung nga ituturo ko sayo. Nga numbers muna kase yun yata ang pinaka madali eh." Sabi nya habang kumakain laming dalawa.



"Ok. San tayo magaaral?"tanong Ko sa kanya.



"Sa dorm nyo nalang. Anong oras narin kasi." sabi nya akin tapos Tumingin sa Wrist watch nya.



"OK."pagsang ayon ko sa kanya. Pagkatapos ng usapan namin biglang kaming tumahimik habang kumakain. Mabilis kaming kumaing dalawa siguro parehas talaga kaming gutom. Pagkatapos namin kumain pumunta na Kami parehas sa dorm namin ng makasalubong Kami nila Nuri at Jangmi. Sila na kasi ang laging magkasama eh. Nakita nila kami sa elevator pagkabukas nito. Nakita din nalang hawak ni Jaegi yung kamay ko kaya ngumiti ng ngiting aso si Nuri.



"Nice one, Pare. HHWW ha?" Sabi ni Nuri.Napabitaw tuloy si Jaegi at Alam kong namula rin yung mukha ko.

Im her Rebound [OnGoing]Where stories live. Discover now