Andito ako ngayon sa aming salas, nakahiga, nag iisip isip ng mga bagay bagay, iniisip ko ang boyfriend ko, iniisip ko ang mga kaibigan ko, iniisip kung paano ko matatapos lahat ng requirements upang maka enroll, iniisip kung anong isusulat sa kwentong ito. Paano nga ba ako napunta sa kwnentong ito?
Kauuwi ko lamang galing sa aming paaralan. May summer class kami ngayon tungkol sa seminar na pwedeng makatulong sa amin sa hinaharap. Ikatlong araw ng aming seminar ngayon ngunit parang simula pa lamang ng kapaguran namin. Sinabi sa amin lahat lahat ng kailangan naming gawin para makatungtong sa ikaapat na level ng kolehiyo. Diba? Hindi pa kami graduating pero eto kami ngayon, ni hindi na namin alam kung ano ang uunahin. Malamang wala talaga akong mauumpisahan dahil eto ako ngayon nagkukwento ng buhay kong wala namang may paki.
Stop muna ako sa kwentong paaralan. Gusto kong ishare ang nararamdaman ko ngayon towards sa boyfriend ko. 1 taon at 1 buwan na kami at pareho naking naramdamang nagkakasawaan na kami. Ngunit ang sabi nya ay susulusyunan nya iyon. Hindi ko maisip kung ako ba itong nararamdaman kong wala na akong maramdaman sa kanya. Di ko na maramadamang mahal ko siya, na natutuwa ako pag magkikita kami o magkakasama. Hindi ko naman masabi sa kanya ung totoo dahil hindi pa rin ako sigurado. Baka pagsisihan ko sa huli

YOU ARE READING
A year to go..
RandomBilang isang estudyante, sobrang dami nating kailangang gawin o paghirapan para makapagtapos. Hindi lang hirap sa pag aaral, kundi hirap din sa labas ng eskwelahan. Aking ikukwento ang aking journey sa loob ng mga taong aking paghihirap sa labas at...