Prologue
Courting Evangeline #
"Eva! pwede ba kitang ligawan kahit ayaw mo?" pasigaw kong sabi habang nakayuko at pinipigilang maihi sa pants ko
nagro-rosaryo narin ako sa utak ko at nananalangin sa napakaraming santo
hindi dahil sa takot akong bustedin ni Eva dahil expected ko na yun
takot lang akong pagtawanan at mabugbug ng boyfriend niya na kasalukuyang nasa tabi niya at naka-akbay pa
"hahaha" -Aehas
"ang kapal naman ng mukha ng Nerd na yan"
"ibang klase talaga kagandahan ni evangeline. hahaha"
"ang lakas naman ng loob niya"
tulad ng inaasahan ko, nagtawan na nga ang mga taong nasa paligid ko lalo na ang boyfriend niya at siguro pati si Eva
Nagsimula narin akong maihi sa pants ko, kasabay ng pagtulo ng mga luha ko
sh*t, bat kasi ngayon ko pa naisipan umamin?
bat kasi sa harap pa ng boyfriend niya at napapalibutan pa ng maraming tao? T_T
At bat kasi hindi ako gwapo, matalino, masex appeal at kasing sikat ng boyfriend niyang si Aehas
At bat kasi si Evangeline pa ang tinitibok ng puso ko?
"tumahimik ka nga" medjo nagulat pa ako ng magsalita si Evangeline
shit, lalong tumulo luha ko, siguradong ipapahiya niya na ako, lalo pa't sinabi niyang tumahimik ako
"oh ba't ako babe? natutuwa lang ako diyang sa Nerd Admirer mo. hahaha" --Aehas
"tsssh .. hoy ikaw lalaking makapal ang mukha"--Eva
pakiramdam ko, magco-colapse na ako ngayon, medjo lumalabo narin kasi paningin ko, pero sa tingin ko dahil lang to sa tuloy tuloy na pagbuhos ng mga luha ko
"hoy! wag kang yumuyuko kapag may kumakausap sayo!" naramdaman ko ang mga kamay ni Eva sa baba ko
di ko alam kung magagalit ako dahil sinisigawan at pinapahiya na niya ako o Matutuwa dahil sa wakas nahawakan niya ako, yung tipong sinadya talaga, dati rati kasi swerte ko nalang kapag nagkakabunggo kami sa hallway na sinasadya ko naman
"pa-pasensha n--" hindi ko na naituloy pa sasabihin ko ng maramdaman ko ang dahan dahang pagbagsak ko sa sahig kasabay ng tuluyang pagkawala ng paningin ko.
_______
20 votes before the 1st chapter? :) pers time ko mag-bigay ng qouta sa story ko . para kasing ang common niya kaya gusto kong malaman kong may magbabasa :D
BINABASA MO ANG
Courting Evangeline
AdventureDi ba si Eva ay para kay Adan? pero bat na kay Aehas siya? ----Samahan natin Si Adan sa kanyang pagpapakatanga just to court eva a.k.a EVANGELINE [chos]