Adan's Narration
inayos ko na mga gamit ko, napunasan ko narin sa eyeglass ko para bukas
tapos narin ako mag-rosaryo at mas lalong minimemorize ko nanaman ang linya ko para sa pagtatapat ko bukas
5 buwan ko narin kasing isinasaulo ang linyang sasabihin ko kay Eva para hindi ko makalimutan
"magtatapat na talaga ako bukas" sabi ko habang nakahawak sa tapat ng diddib ko
___
[kinaumagahan]
Maaga akong nagising at pumunta ng school
dahil bukod sa ako ang nagbubukas ng library ay aabangan ko pa si Evangeline
"Aga natin ngayon ah! oh eto yung assignment ko, dapat tapos na yan mamaya" biglang may umakbay saakin kasabay ng pagkalampag ng mga notebooks niya sa mesa
paglingon ko
"Kaw pala Judas" sabi ko sabay ayos ng mga notebook niya
"sabi ko naman sayo na it's Jude! wag mo na akong tawagin Judas, okay pre?"
nga pala, Si judas, isa sa mga kaibigan ko, actually dalawa sila
Baka nagtataka kayo kung panu ko naging kaibigan tong si Judas?
Di ko rin alam.
"yung request mo din pala" inilapag din niya ang dalawang picture ni Eva na nakuhanan niya kahapon
"salamat Judas! :)"
"ungas to! Jude nga e!"
mabilis kong kinuha yung mga pictures, baka kasi may makakita pa, kaming tatlo lang kasi ang nakaka-alam na gusto ko si Eva
"tae ka pre, kung umamin ka na kaya? halos 2 taon mo na atang pinagpapatansiyahan yang si Evangeline, naawa naman ako sa sarili ko, ako na ang nagmumukhang admirer niya sa pagkuha lang ng stolen pictures niya, pasalamat ka hindi pa ako nahuhuli ng boyfriend niyan. Ang alam ko nakapatay na yun. Akalain mo buwis buhay pala ang lagay ko sa pagkuha lang ng pictures niyang minamahal mo. hahaha"
minsan talaga pang-asar tong si Judas, buti nalang I'm a nice guy kaya di ko nalang iniintindi pinagsasabi niya
basta ang mahalaga, MY PICTURE NANAMAN AKO NI EVA! wohooo
"mamaya, aamin na ako"
"putcha, halos dalawang taon mo narin yang sinasabi, hanglupet mo talaga"
"natatakot kasi akong ma-busted"
"naks! natatakot kang mabusted? Ungas! malamang busted ka niyan! may boyfriend kaya yang pinagpapantasyahan mo. at sa tingin ko walang balak maghiwalay yang dalawa. pero atleast nasabi mo di ba? kaya umamin kana!" binatukan niya ako sabay lakad paalis ng library
"nga pala! okay narin palang wag kang umamin para may taga-gawa ako ng assignment. hahaha" pahabol niya
oo nga pala nakalimutan kong sabihin na, kapalit ng pictures ni Evangeline ay ang pag-gawa ko ng mga assignments, projects at paper works. alila kung baga
___
*knock knock*
napatingin ako sa kumatok
ang adik naman kasi dahil bukas naman yung pinto pero kumatok pa. haha
pagtingin ko
si E-E-Eva-Evangeline O///O
BINABASA MO ANG
Courting Evangeline
AventuraDi ba si Eva ay para kay Adan? pero bat na kay Aehas siya? ----Samahan natin Si Adan sa kanyang pagpapakatanga just to court eva a.k.a EVANGELINE [chos]