You and She

442 8 2
                                    

Sa buhay, hindi talaga maiiwasang mainlove ang isang tao. Yung iba nga, meron pang mga nalalaman na "love at first sight", "butterflies in stomach" at "my heart skips a beat". Pero paano kung nafall ka sa isang taong di na pwede? Yung taken na. Yung ang alam mo'y meron nang iba, na imposible na maging kayo. Na dahil don tumigil ka na sa kapapantasya mo sa kanya, natigil na yung "You and I" na dati ay pinapangarap mo na masabi sa kanya. Hayz, ang gulo talaga ng buhay noh? Pero dapat, marunong ka mag-intay, dapat may self-control ka din. Anyway, let the story begin!

Ashley POV

"Hayz, ang ganda talaga niya. Ang bait na, talented pa. Kaya ang daming nagkakagusto sa kanya eh."

Hi! Ako nga pala si Ashley Jane Asilo isang hamak na mag-aaral sa La Monreal Academy. At eto ako ngayon, nagtitingin ng pictures sa instagram. Ang ganda talaga nitong kaklase kong ito na si Sharmea Salvador, nakakinggit.

"ASHLEY! 6:00 na, pumasok ka na! Tama na muna yang kakatweet o kung anuman diyan sa cellphone mo!" -Ay eto na si mama, sumisigaw na. Kailangan ko na umalis at pumunta sa school, baka malate na naman ako, lagot na naman ako sa teacher namin.

"Opo ma! Aalis na po, pakiss na nga!"

"Osige, ingat"

------------------------------------------------------------------------------------------

Sa School

"Uy Ash!"

"Uy bro! May updates ka?"

Eto nga pala ang bestfriend ko na si Shane Chu, siya ay may lahing Chinese at "bro" ang tawagan namin. Parehas kaming 3rd year student. May pagkaboyish ang galaw nitong bestfriend kong ito eh.

"Wala eh, ikaw ba meron?"

"Wala din pero may sasabihin ako sayo."

"Ge, ge. About san ba yan?"

"Kay alam mo na."

"Hayz, lagi naman. Ang harot mo talaga! Hahahaha!"

"Hahahaha! Mana sayo."

"Lol. tara na nga sa classroom!"

Ayan, ganyan kami kakulit ni Shane. Siya lang ang tanging pinagtataguan ko ng mga sikreto ko kasi alam kong mapagkakatiwalaan siya at ganun din naman siya sakin.

"Class, buwan ng wika na. OPM singing contest, interpretative dance, poster making at slogan making contest- yan ang mga activities ng school ngayong buwan. Sinong gustong sumali? Unahin natin sa OPM singing contest." -Ma'am Joanna

"SHARMEA! Si Sharmea na yan!" -Iyan ang mga hiyaw ng mga kaklase ko, magaling kasi kumanta si Sharmea.

"Is that fine with you, ms. Sharmea?"

"My pleasure."

Ang hinhin talaga nitong si Sharmea, babaeng babae kung kumilos. Samantalang ako, may pagka boyish; jolly; joker at parang baliw... basta kabaligtaran ako ni Sharmea.

"Good. Who's willing to join naman sa Group Interpretative dance?"

"SHARMEA! Si Sharmea na yan!" -Si Sharmea pa rin ang mga pambato nitong mga kaklase ko. Paano ba naman kasi? Halos lahat na nga talaga na sa kanya.

(Ako na lang kasi, magaling din naman ako eh.)

"Hindi na pwede si Sharmea, sa pagkanta na siya. Uhm... Ashley, can you take the lead?"

(Ayun oh! Nakaramdam din si ma'am! Hahaha!)

"Uhm, sige po ma'am." Kunwari pa akong ayaw pero gusto din naman, hahaha. Mahilig kasi talaga akong sumayaw.

"Good. Anyway, its already 12:00. You can take your lunch break."

----------------------------------------------------------------------

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You and SheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon