[Her POV]
30 minutes...
30 minutes na lang makikita ko na uli siya.
Hindi ako makapaniwala! After 4 years makikita ko na uli siya.
Ang lalaking nagligtas at nagmahal sakin nung mga panahon na ako mismo sumuko na sa sarili ko.
Nasa airport ako ngayon. Sinabi niya kasing darating siya ngayon, pero hindi niya alam na sasalubungin ko siya, or more like isu-surprise ko siya. Ang alam niya kasi hindi ako makakarating dahil kailangan ako ng boss ko sa opisina.
Napaaga nga ang dating ko, kasi alam kong mahihirapan akong maghanap kung saan ko siya hihintayin. Hindi naman kasi ako sanay sa mga ganitong lugar. Takot kasi ako sa maraming tao, isang bagay na pinilit kong alisin sa akin habang wala siya. Para makasama ako pag niyaya niya ako sa labas.
Ako nga pala si Bea, Beatrice Campo, at ang hinihintay ko naman ay ang boyfriend kong si Luke, Luke Valdez.
Mahal ko siya at mahal niya din ako.
Ipinakilala niya na ako sa pamilya niya noon pa man bago sila umalis. Oo tama, kasama niya ang pamilya niyang umalis, at sa totoo lang hindi nila ako gusto para kay Luke.
Ulila lang kasi ako, mahirap at mag isa sa buhay, lalo na nung wala pa si Luke.
Nandito na ako sa hinihintayan ng mga bagong dating.
Kinakabahan ako, ang sabi niya kasi kasama niya ang pamilya niya sa pag-uwi niya. Siguro maling ideya ang pagpunta ko dito para sunduin siya?
Hindi ako mapakali. Sulyap dito, sulyap doon.
Tumalikod na ako sa mga paseherong nagsidatingan.
Maglalakad na sana ako ng marining ko ang isang pamilyar na boses.
"Hijo? Ano bang klaseng girlfriend meron ka? Ni sunduin ka sa pagdating mo hindi niya magawa," sigurado ako boses ng Papa niya iyon.
Hindi ako lumingon, inaamin ko medyo nasaktan ako.
"Oo nga naman, Kuya. Inuna niya pa yung work niya," sagot ng kapatid niyang babae.
"Would you guys, stop that," nagulat ako ng marinig kong sabi ng Mama niya.
Umikot ako at humarap.
Nagulat ako sa nakita ko.
"Luke! Dear God! I miss you so much," sabi ng babaeng nakayakap kay Luke.
Pakiramdam ko parang may kumirot sa dibdib ko.
"Bea, Dear," sabi ng Mama niya.
Lahat sila napalingon sa direksyon ko.
Naramdaman kong nabasa ang pisngi ko.
Ngumiti lang ako at yumuko.
[HIS POV]
Tumakbo ako sa direksyon ni Bea at niyakap ko siya ng mahigpit.
"God, Bea! I've missed you so much!" bulong ko sa kanya.
Mahigpit ko siyang niyakap.
Hinding-hindi ko na siya bibitawan.
Hinding-hindi ko na siya iiwan.
Nagulat ako ng paghiwalayin kami ni Sophia.
"You freakin' jerk! What are you doing hugging this woman huh? Care to explain, Luke?"
"Sop-phi"
Natigilan ako ng marinig ko ang hikbi ni Bea.
Napatingin ako sa kanya at pinunasan niya ang luha niya.
BINABASA MO ANG
Worth the wait [ONE- SHOT]
RomanceTime means nothing to two hearts that beats for one another.