Look at Me [Luhan Fan Fiction]

832 24 4
                                    

Busy-ng busy akong ginagawa itong assignment namin sa Geometry ng may biglang tumawag sa pangalan ko.

“Yoon Hee!”

Tumingala ako at nakita sa harapan ko si Luhan, ang long time crush ko na walang araw na di ko pinasimplehang tignan.

“May sasabihin ako sa’yo…” Omo! Wait! Ito na ba yung pinakahihintay kong araw? Ito na ba yung araw na magtatapat sya sa akin at sasabihing, “Matagal na kitang gusto. Sorry ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para aminin sa’yo na mahal kita. Yoon Hee… Can you be my girlfriend?” Uwaaaa! Syempre, yes na yes!

“Aa-ano yun?” pautal kong sabi. Di namang halatang kinakabahan at excited ako nu?

“Nung isang linggo nakita kita nakatingin sa akin habang kumakain ako kasama barkada ko sa canteen. Nung isang araw naman nahuli na naman kitang nakatingin sa akin habang kausap ako ni ma’am about sa report ko. Tapos kahapon nakita na naman kitang nakatingin sa akin. Bakit ba lagi mo na lang akong tinitignan sa malayo…”

Hindi ko na sya pinatapos magsalita at tumalikod na ako sa kanya. Ang sakit! Akala ko pa naman magtatapat na sya sa akin pero ipapahiya lang nya ako. Oo, tama naman syang palagi ko syang tinitignan pero bakit kailangan nya pang isa isahin yung mga time na nahuli nya ako. Bakit kailangan nyang ipamukha sa akin yun?

Naglakad na ako palayo sa kanya.

“Bwiset Nalimutan ko pa yung notebook ko.”

Bumalik ako para kunin yung notebook ko.

Pag balik ko nandun pa rin sya.

Dinampot ko yung notebook ko at nagsimulang lumakad palayo sa kanya.

“Yoon Hee!” sigaw nya.

Di ko sya nilingon.

 “Yoon Hee!” ulit pa nya.

Mas binilisan ko ang lakad ko.

“Yoon Hee! May gusto ka ba sa akin—"

Di ko na narinig yung huli nyang sinabi dahil tumakbo na ako palayo. Ayoko na makarinig pa ng masasakit na salita. Bakit kailangan pa nyang sabihin yung mga yun?

Pag dating ko sa bahay, sa loob ng kwarto ko, bigla na lang tumulo ang luha ko.  Sobrang sakit. Totoo pala yung pakiramdam na nadudurog ang puso. Yung parang di ka makahinga. Yung parang ang daming matutulis na bagay ang tumutusok sa puso mo.

_____________________________________________________________________________

Isang lingo na rin ang nakalipas ng mangyari yun. Isang linggo na rin akong hindi nakakapasok. Mahirap pala talaga kapag ang puso ang may sakit. Buong sistema mo damay. Pero tulad nga sabi ng mga kaibigan ko move on move rin daw kapag may time kaya heto, tinatry ko.

Papasok na ako ngayon. Hindi na ako papaapekto pa sa nangyari.

_____________________________________________________________________________

Sa school.

Pagpasok ko room, nakita ko si Luhan. Oo, sa sobrang swerte ko classmate ko nga sya at kapag sinuswerte talaga sa harap ko pa sya nakaupo. Nakaupo na sya sa upuan nya at nakatahimik na parang may iniisip. Ano kaya iniisip nya? Hayy. Bat ko  ba tinatanong yan? Wala naman akong pakialam sa kanya.

“Welcome back, Yoon Hee!” sabi ng mga classmates ko.

Napalingon si Luhan kaya iwas tingin agad ako at ibinaling ang tingin ko sa mga classmates ko at nginitian sila. Tapos dumiretso na ako sa upuan ko.

Maya maya pa’y pumasok na ang teacher namin.

“Good morning class!” bati ni ma’am

“Good morning ma’am!”  sabay sabay naming bati pabalik kay ma’am.

Look at Me [Luhan Fan Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon