Happy Tisod Day

173 6 0
                                    

Eto na naman kaming dalawa…

Tumatakbo nang magkahawak kamay…

Nang sya’y napahinto sa pagtakbo at sinabing “Teka, hingi muna tayong permit kay Ma’am Joy. Baka hindi tayo palabasin ni Mang Lito.

Ang nagsabi non? Siya si Patricia Marie Simbol, Patmar for short. At aano kami? Sasamahan nya lang naman akong umuwi. Sa kanya lang kasi ako kumportable na magpasama pagdating sa mga ganitong sandali. Madalas to, minsan twice a month…twice a month akong nagpapasama sa prinsesa ng mga lampa sa tuwing ako'y tinatawag ng kalikasan. OO…NATURE IS CALLING ME! T.T

Pagkakuha ng permit, kami’y tumakbo patungo kay Mang Lito, ang pinaka dakilang guard sa buong mundo. Pagkaabot ng permit sa kanya, di na sya nagtanong pa. Alam na nya kung aano kaming dalawa.

Pagkasakay sa tricycle, ay napatingin ako sa salamin sa harap namin…at nakita ko ang napakagandang mukha ng aking matalik na kaibigan. Tahimik man ako’t walang kibo sa mga oras na yon, napapaisip ako.. “ilang araw na lang pala, hindi na kami magkakasama ng ganito nitong lampang to”.

Oo. Tama ang nabasa nyo…lampa syang totoo. Walang araw sa kanyang buhay na hindi sya natisod. Hindi malaman kung naa-out of balance lang ba, o malabo ang mga mata, o sadyang shunga talaga sya. Pero sa araw araw na pagkakatisod nya, malaking pasasalamat naman namin dahil never pa syang natuluyan na nadapa.

Madalas ko mang isipin, pero hindi ko maalala kung ano bang naging parte nya noong mga unang araw nya nung pumasok sya sa buhay ko. Ang natatandaan ko lang, transferee student sya noong first year highschool kami. Maganda sya, may buhok na mahaba, tahimik at mahinhin. Kaya siguro hindi ko sya masyadong pansin. Ni hindi ko man nga yata sya nadama sa unang taon naming magkaklase.

Second year at nagkatabi kami sa klase kasi alphabetical order according to surname daw…”Simbol” sya at “Simbul” ako. Madalas napagpapalit kaming apelyido kaya madalas ko pang ipaliwanag sa teacher namin ang pinagkaiba…

Ma’am, ako…SIMBUL. Sya…SIMBOL. BUL-BOL.” Malinaw?

At sa pagkakatabi naming iyon, doon kami nagkakilala ng lubos. Kasama pa ang isa naming katabi sa sitting arrangement, ang bestfriend ko since first year, si Owen “Always Fresh” Tungol. At doon, naging triplets kaming tatlo. Dati pa nga, pare parehong “21” ang pinatatak namin sa napakaganda naming intrams shirt.

Madalas din mag-away ang dalawa sa aming tatlo. Kaya kung mayroon mang kawawa, yon ay ang tagapamagitan sa dalawa. Nag-away din kami nyang si Patmar dahil sa hindi makatarungan kong panghahabol sa kanya sa tuwing nilalaro namin ang paborito naming “laro”. :3 Iyon. Pikon e, di na ko kinibo. Hanggang sa magtake ng class picture, magkatabi man kami…pansin pa rin ang malaking distansya sa pagitan naming dalawa. Paano kami nagkabati? Nilagnat sya’t nag-absent. At pagkatapos ng uwian, pinuntahan namin sya ni Owen sa kanila at binisita.

Bukod don, wala na kong maalala na nagkaroon ng matinding away sa aming dalawa.

Tanging naaalala ko lang ay ang magagandang alaala naming magkasama. :) Lalo na kung paano kami napapatawa ng araw araw na pagkaka-tisod nya.

Yang si Simbol, alam na nyan ang buong pagkatao ko. Walang parte pa akong naitatago dahil alam nya ang lahat ng sikreto ko.

Sa aming magkakaibigan, sya yung may pinaka malaking parte sa love story ng buhay ko. Sya yung anak namin ng first love ko. Sya rin yung naging crush nung crush ko. Saya no? Pero may isang bagay akong maipagmamalaki…mayroon akong kaibigan na handa akong suportahan sa mga bagay na magpapasaya sa akin, kahit na may mga oras na ang iba sa kanila ay kumokontra sa gusto ko sana….mayroon pa ring Patricia na titindig sa tabi ko at susuportahan ako, kahit pa gaano katanga ang gagawin ko. At sa mga oras na masaktan man ako, nandyan si Patmar upang ilaan ang mga tainga upang pakinggan ako, with matching open arms na yayakapin ako, at sabayan pa ng best advice na siguradong magpapagaan sa loob ko.

Happy Tisod DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon